top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 15, 2020




Sinopla ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kritikong nagsasabing mabagal ang pagresponde ng pamahalaan sa mga residente ng Cagayan at Isabela na nagmakaawa ng tulong matapos ma-trap sa kani-kanyang bahay dahil sa matinding pagbaha.


Nang tanungin si P-Duterte ng mga reporter kung ano ang masasabi niya sa umano’y “mabagal” na pagresponde ng pamahalaan, aniya, “Istorya lang ‘yan. Kailangan pa ba na tumakbo rin ang gobyerno nang mabilis? You go right away and spend money, you land with the Ombudsman. So give them time to make the proper assessment and all.


“Saan ang bagal dito? Nandiyan ang pagkain, the housing, nandiyan. They are ready to implement. They have the money. Pampulitika ‘yan, sa totoo lang. That’s a political punchline.” Kumalat sa social media ang mga larawan at videos kung saan makikita ang kalunus-lunos na dinanas ng mga tao sa Cagayan at Isabela.


Mayroon ding audio record kung saan maririnig na humihiyaw, umiiyak, nagmamakaawa at nananawagan ng tulong ang mga tao na naapektuhan ng matinding pagbaha.


Pero ayon kay P-Duterte, handa ang pamahalaan sa sakuna. Aniya, "The one in charge sa mga preparations for emergency, long before dumating ‘yung typhoon, naka-deploy na ‘yang mga tao rito including the nearest, ‘yung mga makinarya, nandiyan na. “Lahat ng departamento, may contingency plan ‘yan sila.


They have the money already. Sinadya ko ‘yan.. It’s a matter of assessment. You cannot go on a spending spree without knowing what you are spending for."


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 11, 2020




Uutang ang pamahalaan ng mahigit $300 million na katumbas ng halos P15 bilyon upang makabili ng COVID-19 vaccines, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Martes sa kanyang weekly address.


Aniya pa, “[Finance Secretary Carlos Dominguez III] says that he can borrow money of $300 million plus… US dollars… so malaki ‘yan. Makapamili tayo but I think it would do as well to also realize that unahin talaga nila (vaccine manufacturers), ‘yung mga tao nila.”


Aniya pa, “Sa ngayon, magbili ka, mahal. As I have promised, gastos ng gobyerno itong bakuna para sa lahat ng Pilipino kaya nga uumpisahan natin sa mga mahihirap pataas na ano… It starts with the A, B, C, D, E. The lowest is E, ‘yun talagang mahihirap na wala.


Then, paakyat tayo dahan-dahan sa D then ‘yung C, medyo hindi na. Sobra na ‘yung $300 million ni Secretary Dominguez. Hindi na tayo maggastos d’yan kasi may mga pera na ‘yan. A, B, ‘yun ‘yung mga milyonaryo, mga multimillionaire.


“‘Yung mga nasa C, they are in a bracket which we think is pretty good for them to buy the medicines for themselves.” Samantala, kung kelan, maghintay lang tayo. Ang suplay ang problema. Natural mente unahin niya ang tao niya

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 3, 2020




Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga kritiko sa panahon ng kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Rolly sa ilang parte ng bansa na kumitil ng mga buhay at sumira ng mga kabahayan.


Nasa Davao City si P-Duterte nang dumating ang Bagyong Rolly sa Luzon at hindi siya nakadalo sa Cabinet briefing noong Linggo, dahilan nang mabilis na pag-trending sa social media ng hashtag “#NasaanAngPangulo.”


Saad ni P-Duterte, "Iyong nagsabi na wala ako rito kasi wala, nasa probinsiya, so, what's your problem? Ang mga papeles, ipinadala, tapos pinirmahan ko. Ipadala ko ulit. Eh, machine lang naman ‘yan.


"Do you want me to stand doon sa white sand ni [Environment Secretary] Roy Cimatu just to see that I am here?" Matatandaang binisita ni P-Duterte ang puntod ng kanyang magulang nang umuwi siya sa Davao.


Aniya, "Kaya nga ako nauwi. Itong mga ugok naman, sinabi na wala ako. I was waiting for the typhoon to pass, then lumipad ako. "You know, kung wala kayong patay, okay lang. Kami, may mga patay, kailangan umuwi kami doon sa amin.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page