top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Oct. 5, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Danny ng Roxas City.


Dear Maestra, 


Napanaginipan ko na dumungaw ako sa bintana namin.

May dala akong telescope. Nang sumilip ako sa telescope, may nakita akong mga parrot na nagliliparan. Ang ganda ng pakpak nila, kumikislap at nag-iiba-iba pa ang kulay nito. 

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Danny 


Sa iyo, Danny,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na dumungaw ka sa bintana ay nag-aalala ka, tungkol sa pagkakaibigan n’yo. Pinagdududahan mo siya kung tapat nga ba ang pag-ibig niya sa iyo. Pero sa totoo lang, mali ang hinala mo, dahil siya pa nga ang pinakamaaasahan mo. 

Ang sumilip ka sa telescope ay nangangahulugan na makakatanggap ka ng balita na siyang magpapabago sa takbo ng buhay mo.


Samantala, ang may nakita kang parrot ay nagpapahiwatig ng paglalakbay sa malayong lugar. Doon mo na rin matatagpuan ang babaeng magpapatibok sa iyong puso. 

Ang parrot na kumikislap ang pakpak ay tanda na may kaibigan kang bakla. 


Matapat na sumasaiyo

Maestra Estrellia de Luna






 
 
  • BULGAR
  • Oct 4, 2024

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Oct. 4, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dexter ng Olongapo City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na may nagbigay sa akin ng coins. Bagung-bago at nagkikislapan pa ito. 

Kaya naman, naisipan kong pumunta sa pawnshop para itanong kung puwede ba iyon isanla. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Dexter


Sa iyo, Dexter,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may nagbigay sa iyo ng coins ay kakapusin ka sa pera, at budget mo.


Ang bagong coins ay nagpapahiwatig na pansamantala ka lang mawawalan ng pera. Hindi ito magtatagal, dahil tiyak na magagawan mo rin ito agad ng paraan.


Samantala, ang naisipan mong pumunta sa pawnshop para itanong kung puwedeng isanla ang mga coins ay babala na mawawalan ka ng mga ari-arian. 


Pero kung nagtatrabaho ka, at naghahangad ng promotion, mabibigo ka, dahil kailanman ‘di ka mapo-promote.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna









 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Oct. 2, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Roy ng Masbate.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pinasok ng magnanakaw ang bahay ko. Nagpaputok siya ng baril, kaya naman agad kong kinuha ‘yung kutsilyo para panangga ko kung sakaling gipitin niya ako. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Roy 


Sa iyo, Roy, 


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may magnanakaw na nakapasok sa bahay mo ay mawawalan ka ng mahahalagang ari-arian.


Ang nagpaputok siya ng baril ay nangangahulugan na may matatanggap kang masamang balita riyan sa lugar n’yo.


Samantala, ang kinuha mo ang kutsilyo mo bilang panangga sa magnanakaw ay nagpapahiwatig na mayroon kang mga kaaway sa mga paligid mo. Ito rin ay senyales na mabibigo ka sa pag-ibig, at malulugi ka sa negosyo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna













 
 
RECOMMENDED
bottom of page