top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | November 24, 2023




Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Danny ng Parañaque.




Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nasusunog umano ang bahay ng aming kapitbahay. Bumaba ako para tumulong, ngunit natalsikan ako ng baga galing sa nasusunog na bahay at nalapnos ang balat ko.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Danny


Sa iyo, Danny,


Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na nasunog ang bahay ng kapitbahay mo, bumaba ka para tumulong ay may magandang kapalarang nakalaan sa iyo. Susuwertehin at makatatanggap ka ng malaking halaga.


Samantala, ang nalapnos ang balat mo ay halos ganu’n din ang ibig sabihin, ito ay senyales ng kaginhawaan, kaligayahan at kasaganahan sa buhay. Basta’t ‘wag ka lang mainip dahil tiyak na yayaman ka rin.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | March 3, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Mercy ng Cagayan.


Dear Maestra,


Madalas akong managinip ng sapatos. Gayundin, palagi kong napapanaginipan ang tatay ko kahit matagal na siyang nasa kabilang buhay. Limang beses na siyang nagpapakita sa aking panaginip. Patay na ang tatay ko, 10 taon na ang nakakalipas.

Ano ang ibig sabihin ng mga panahinip ko?

Naghihintay,

Mercy


Sa iyo, Mercy,

Ang ibig sabihin ng madalas kang managinip ang sapatos ay depende sa klase ng sapatos. Kung bago pa ang sapatos, ito ay nangangahulugan na lilipat ka ng lugar na tinitirahan at magiging maganda ang kalagayan mo ru’n. Kung luma naman ang sapatos, ibig sabihin ay mangingibang-bansa ka, pero hindi maganda ang bansang mapupuntahan mo dahil mahirap ang buhay ng mga taga-roon. Kung pangit naman ang sapatos at halos ay pudpod na ang suwelas, marami kang hirap na pagdadaanan bago mo matupad ang iyong pangarap na makapagtrabaho sa ibayong-dagat.


Samantala, ang madalas mong mapanaginipan ang tatay mo, gayung siya ay matagal nang patay ay nangangahulugang may kakaharapin kang mga paghihirap sa buhay, pero malalagpasan mo ito. Sa bandang huli, yayaman at magtatagumpay ka rin.


Ang limang beses ay nangangahulugang may balak kang magtrabaho sa ibang bansa.


Ang 10 taon naman ay matalino ka at malakas ang karisma, kaya lang, hindi stable ang buhay mo. Kumbaga, minsan ay nasa ibabaw at minsan ay nasa ilalim. Nagpapahiwatig din ito na one day millionaire ka. Mabilis maubos ang pera mo, gaanuman ito kalaki dahil hindi mo makontrol ang paggastos hanggang bumalik ka sa pagiging walang-wala.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna




 
 

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | September 3, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Ricardo ng Bulacan.


Dear Maestra,


Kumusta kayo? Nawa’y ayos lang kayo ng mga kasamahan mo r’yan.


Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko na gabi na, tapos nagbabasa ako ng dyaryo nang bigla akong inantok. Natulog ako at napanaginipan ko na may humahabol sa akin. Madilim ang daan dahil gabi na, tapos nagtatakbo ako at nagtago sa bunton ng buhangin.


Binangungot ako dahil ang sama ng panaginip ko. Nagising ako na takot na takot at tuyong-tuyo ang lalamunan.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Ricardo



Sa iyo, Ricardo,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagbabasa ka ng dyaryo ay makakatanggap ka ng balita na may kaugnayan sa pinapasukan mo, kung saan may posibilidad na mag-iba ka ng pinapasukang kumpanya. Ang pagbabago na ito sa buhay mo ay magiging maganda dahil maaaring ikaw mismo ang magmay-ari ng kumpanyang a-apply-an mo.


Gayunman, ang may humahabol sa iyo, nagtatakbo ka kahit madilim ang daan at nagtago sa buhangin ay nagpapahiwatig na masasangkot ka sa isang malaking gulo, subalit maiiwasan mo ito at magiging maayos ang lahat sa bandang huli.


Samantala, ang binangungot ka dahil ang sama ng napanaginipan mo ay nangangahulugang nasa ilalim ka ng impluwensya ng ibang tao at hindi ka makapalag, kumbaga, under ka niya. Kinakailangang magawan mo ng paraan ang bagay na ito. Huwag mong hayaan na maalipin ka ng ibang tao. Magkaroon ka ng sariling paninindigan dahil kung hindi mo gagawin ‘yan, malalagay ka sa isang mahirap na sitwasyon.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page