top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | June 26, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Ludy ng Antique.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nag-shopping ako, at bumili ako ng silk blouse na may lace sa kuwelyo.


Ang binayad ko sa cashier ay ang silver coins. At pagdating ko sa bahay, sinuot ko agad ito. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Ludy



Sa iyo, Ludy,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nag-shopping at bumili ka ng blouse ay magandang kapalaran. Yayaman at susuwertehin ka na sa buhay.


Ang isinuot mo agad ito pagdating mo sa bahay ay nagpapahiwatig ng kaligayahan sa love life.


Ang kuwelyo naman ay nangangahulugan na mabibili mo lahat ng gusto mong bilhin kahit pa sabihing mahal ito. 


Samantala, ang mga silver coins na binayad mo sa cashier ay senyales na magtatagumpay ka sa negosyo, at kikita ka ng malaki rito. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | June 25, 2024



Analisahin natin ang panaginip ni Loida ng Iloilo


Dear Maestra, 


Madalas kong mapanaginipan ang lampara at tupa. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Loida



Sa iyo, Loida,


Kung sa panaginip mo ay dala-dala mo ang lampara, at maliwanag ang sindi nito, ito ay nangangahulugan na magtatagumpay ka sa napili mong propesyon.


Kung malabo ang ilaw ng lampara, ito ay paalala ng kalungkutan. 


Kung tuluyan namang namatay ang ilaw ng lampara, ito ay babala na may hahadlang sa mga pangarap mo. Magdahan-dahan ka, para maabot mo ang tugatog ng tagumpay.


Samantala, ang tupa naman ay may iba't iba ring kahulugan. Kung dalaga ka pa, ito ay senyales na ikakasal ka na sa lalaking sobrang bait, mapagpakumbaba at may malawak na pananaw sa buhay. Isa pa, mabibiyayaan din kayo ng mga anak na matatalino at malulusog.


Subalit kung may asawa ka na, ito ay tanda na magiging maligaya ang pagsasama n’yo sa piling ng inyong magiging anak.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | June 24, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Elvie mula sa Occidental Mindoro.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nagwawalis ako sa bakuran namin dahil sobrang daming kalat ng tuyong dahon na galing sa puno ng mangga. Nang mapagod ako, laking gulat ko dahil nahirapan akong makahinga. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay, 

Elvie



Sa iyo, Elvie,


Ang ibig sabihin na nagwalis ka sa bakuran n’yo ay dapat mong ituwid ang mga pagkakamaling nagawa mo sa nakaraang mga araw. Ito rin ay nangangahulugan na lahat ng iyong pagkukulang sa iyong pamilya ay kailangan mo nang isakatuparan. 


Ang mga tuyong dahon na galing sa puno ng mangga ay nagpapahiwatig na kailangan mong harapin ang mga pagsubok upang magtagumpay ka. Kailangan mo muna itong pagtiisan bago mo maabot ang iyong pinakamimithi.


Samantala, ang nahirapan ka makahinga ay babala na kailangan mong mag-ingat.


Huwag ka magtrabaho nang magtrabaho, isipin mo rin ang sarili mo dahil hindi na ito nakakabuti sa iyong kalusugan. Mag-ingat at maghanap ka ng balanse sa iyong mga gawain.


Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia de Luna

 
 
RECOMMENDED
bottom of page