top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | June 29, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorna ng Masbate 


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pinagtaksilan ako ng boyfriend ko, at may iba pa pala siyang girlfriend. Sobra akong nalungkot, at nagkataon pang dumating ang barkada ko. Dinalaw nila ako, at maski sila ay nalungkot din nang malaman nilang niloko ako ng dyowa ko.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Lorna




Sa iyo, Lorna,


Kabaligtaran ang ibig sabihin ng panaginip mo na may ibang girlfriend ang dyowa mo, ito ay nangangahulugan na tapat ang pag-ibig niya sa iyo, at ikaw lang ang tangi niyang mahal. 


Ang nalungkot ka dahil akala mo pinalitan ka na ng dyowa mo sa iba ay pahiwatig na magiging masaya ka sa susunod na mga araw. Sobra kang matutuwa, dahil sa mga pangyayaring nagaganap sa buhay mo.


Samantala, ang dumating ang mga barkada mo at nalungkot din sila, ito ay senyales na magiging masaya sila, at may mga suwerte silang mararanasan. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna




 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | June 28, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Benny ng Cabanatuan, Nueva Ecija.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na naimbitahan ako na maging guest speaker sa iskul kung saan ako nagtapos ng pagiging guro. 


Nang pumasok ako sa room, may mga boses akong narinig. Nagkukuwentuhan sila, at nang makita nila ako ay tumahimik sila. Agad naman akong nagbigay ng advice sa kanila at nakinig din naman sila.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Benny



Sa iyo, Benny,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naimbitahan ka na maging guest speaker ay mararating mo na ang tugatog ng tagumpay. Magiging sikat at hahangaan ka na sa lugar n’yo. Iiduluhin ka ng mga kabataan at rerespetuhin ka nila.


Ang nakarinig ka ng boses ng mga estudyante na nagkukuwentuhan ay nagpapahiwatig na may dadaluhan kang masayang pagtitipon. Mag-e-enjoy ka nang husto dahil muli mong makikita roon ang dati mo mga kaklase.


Samantala, ang nagbigay ka ng advice sa mga estudyante ay senyales na hahangaan ka ng mga kakilala mo dahil may magagawa kang kapaki-pakinabang na proyekto sa lugar n’yo na hindi kayang gawin ng iba. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna




 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | June 27, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gertrudes ng Quezon Province.


Dear Maestra,


Madalas kong mapanaginipan ang tanikala at silya. 


Ang isa ko pang napanaginipan ay ang best friend ko, dinadaya niya umano ako, at hindi niya sinasabi ang totoo tungkol sa negosyo namin, na kung saan kasosyo ko siya. Bilang ganti, dinaya ko rin siya, at hindi ko binigay ang tamang share niya. 


Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?


Naghihintay,

Gertrudes



Sa iyo, Gertrudes,


Ang madalas kang managinip ng tanikala ay depende sa sitwasyon. Kung sa panaginip mo ay nakatanikala ang mga kamay mo, ito ay nangangahulugan na  makakaranas ka ng pansamantalang kabiguan sa mga plano mo, at hindi mo agad ito maisasakatuparan. 


Ngunit, kung ibang tao naman ang nakatanikala, at tinulungan mo siya, ito ay nagpapahiwatig na magtatagumpay ka sa mga plano mo sa buhay, dahil makakaisip ka ng solusyon. 


Tungkol naman sa silya, kung sa panaginip mo ay nakaupo ka sa rocking chair, ito ay senyales na magkaka-baby ka na. Magkakaanak na kayo ng dyowa mo. 


Kung ikaw naman ay kampanteng nakaupo sa silya, ito ay tanda na magkakaroon na ng katuparan ang mga plano mo sa kasalukuyan.


Samantala, ang dinaya ka ng bestfriend mo, hindi niya sinabi ang totoo tungkol sa negosyo n’yo ay nagpapahiwatig na nagdududa ka sa kanyang katapatan. Gayunman may darating na pagsubok sa pagsasamahan n’yo. 


Ang gumanti ka sa bestfriend mo, dinaya mo rin siya ay tanda na kikilalanin ka dahil sa pagiging tapat mo hindi lamang sa iyong kaibigan kundi maging sa iyong mga gawain.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

 
 
RECOMMENDED
bottom of page