top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | July 20, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Helen ng Tanay Rizal. 


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nagkamalas-malas ako sa buhay, at para ba akong binagsakan ng langit at lupa sa sobrang kamalasan ko. Nagtungo ako sa Monasterio malapit sa amin, humingi ako ng tawad sa mga nagawa kong kasalanan, at hiniling ko rin sa Diyos na hanguin niya na ako sa kamalasan. 


Makalipas ang ilang saglit, may narinig akong magandang musika. Very solemn ang tunog at makapanindig balahibo ang musikang iyon. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Helen



Sa iyo, Helen,


Kabaligtaran ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na nagkamalas-malas ang buhay mo, ito ay nangangahulugang uunlad na ang buhay mo. Makakaramdam na kayo ng kaginhawaan at lalago na rin ang kabuhayan n’yo. 


Ang pumunta ka sa Monasterio upang magdasal at humingi ng tawad sa Diyos ay senyales ng kapayapaan, kalayaan at kaligayahan ng puso't isipan. 


Samantala, ang may narinig kang magandang musika na solemn ang dating ay tanda na hahaba pa ang buhay mo.Ito rin ay nagpapahiwatig ng pagmamahal mula sa iyong mga kaibigan. Kung wala ka pang asawa, ito ay senyales na liligaya ka sa buhay may asawa. Giginhawa at magsasama rin kayo habambuhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna






 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | July 18, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Star ng Silang, Cavite.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko ang biyenan kong babae, sumakabilang buhay na siya, at katatapos lang namin gunitain ang kanyang 40 days na pagkawala. 


Gaya ng dati, mataba pa rin siya, nakangiti at maaliwalas ang kanyang mukha. Magpapa-checkup umano siya kasama ng biyenan at ate ko. Inutusan ako ng biyenan ko na mag-withdraw ng pera para pambayad sa checkup. Habang nasa ATM Machine, ang tagal lumabas ng pera, at makalipas ang ilang sandali, nakita ko ‘yung dollar, pero bigla naman akong nagising. 


Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Star



Sa iyo, Star,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagpakita sa iyo ang biyenan mong babae na nakangiti, at maaliwalas ang mukha ay susuwertehin ka sa maraming bagay. 


Ang 40 days ay nangangahulugan na kapag sinuwerte ka, sunud-sunod ito, at nakakagulat na biyaya ang nakalaan para sa iyo. 


Ang inutusan ka naman mag-withdraw ay sumisimbolo na magiging maganda, masagana, payapa at maayos ang buhay mo. 


Subalit, ang natagalan ka sa ATM Machine ay senyales na matatagalan pa bago ka tuluyang yumaman at magkapagkamit ng napakaraming biyaya sa buhay.


Samantala, ang dollar ay nagpapahiwatig na magiging dollar earner ka. May posibilidad na makatanggap ka ng pera galing sa mahal mo sa buhay na nagtatrabaho sa ibang bansa. Ito rin ay paalala na matuto kang mag-ipon at maghawak ng salapi.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna






 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | July 17, 2024



Aanalisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Joel mula sa Mandaluyong.


Dear Maestra,


Madalas kong mapanaginipan ang pusa, toro, at kamelyo. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Joel



Sa iyo, Joel,


Hindi maganda ang ibig sabihin kung madalas kang managinip ng pusa. Ito ay nagpapahiwatig na maaari kang dayain ng kaibigan mo, ipagkakanulo ka niya sa mga kasamahan n’yo, at ito rin ay senyales na kung sino pa ang minahal mo nang buong katapatan ay siya rin ang magtataksil sa iyo balang araw. 


Samantala, kung ang toro naman sa iyong panaginip ay nagagalit, ito ay babala na masasangkot ka sa isang kaguluhan. Ang nasabing kaguluhan ay agad mo namang maiiwasan. Ito ay lilipas din dahil sa matalino mong pamamaraan, at makakaisip ka agad ng solusyon para maiwasan ito. 


Ang kamelyo naman ay nakadepende kung ilan ang humps nito. Kung sa panaginip mo isa lang ang hump ng kamelyo, ito ay tanda na panghihinaan ka ng loob dahil sa mga sagabal na masasagupa mo sa pagtupad ng mga plano mo sa buhay. 


Pero kung dalawa naman ang humps ng kamelyo, ito ay nangangahulugan na mapagtatagumpayan mo ang mga sagabal na daranasin mo kung gagamitan mo ito ng isip at talino.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna





 
 
RECOMMENDED
bottom of page