top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | July 24, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Bernabe ng Sampaloc, Manila.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nasa ibang bansa ako. May nakita akong oak tree, at pumunta ako roon. 

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

                                                                                                                Naghihintay,

        Bernabe



Sa iyo, Bernabe,

Ang ibig sabihin ng oak tree sa iyong panaginip ay paglago ng iyong kabuhayan, magandang koneksiyon sa pamilya, pagkakaroon ng mababait at maaasahang mga kaibigan. Subalit, kung lanta na ang mga dahon sa oak tree, ito ay babala na magiging maiilap ang iyong buhay. Maraming kalungkutan ang iyong daranasin, pati ang iyong pag-unlad ay matatagalan din. 


Samantala, ang taniman ay nagpapahiwatig na makakapag-asawa ka ng mabait, mapagmahal at maalalahaning katuwang sa buhay. Ito rin ay nangangahulugan na susuwertehin ka sa iyong paglalakbay patungo sa iyong hinaharap.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna




 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | July 23, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jerico ng Zambales.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na naging katulong ako sa luma at nakakatakot na bahay. Pagpasok ko sa kusina, may nakita akong dalawang anino. ‘Yung isa ay parang demonyo, habang ‘yung isa naman ay kamukha ni Satanas. Makalipas ang ilang saglit, bigla na lang akong nagising, takot na takot ako, at nanunuyo ang aking lalamunan.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Jerico



Sa iyo, Jerico,

Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naging katulong ka ay may makikilala kang maimpluwensiyang tao. 


Ang lumang bahay na nakakatakot ay babala na mapapaaway ka. Ito rin ay paalala na kakapusin ka sa kuwarta, o di kaya naman ay mapipilitan kang mangutang.

Ang demonyo at satanas na nakita mo sa kusina ay senyales na masasangkot ka sa kaguluhan, dahil sa masamang hilig mo sa katawan at pa-easy-easy lang kung mamuhay na para bang walang pakialam sa mundo.


Samantala, ang dalawang anino ay nagpapahiwatig ng intuition, vision at vibration. Ito rin ay tanda na fickle minded ka, paiba-iba ang iyong desisyon. Kaya ang payo sa iyo, kung ano ang una mong desisyon, huwag mo na itong baguhin pa upang mas gumanda ang takbo ng iyong buhay. Kung babaguhin mo ito, tiyak na hindi magiging maganda ang kahihinatnan.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | July 22, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Leony ng Davao.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na naglalakbay kami ng dyowa ko sa dagat habang nakasakay sa binili niyang sasakyan pandagat. 


Noong sumunod na gabi, napanaginipan ko naman na naging sailor ‘yung dyowa ko, at umalis siya sakay ng barko.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Leony



Sa iyo, Leony,


Ang panaginip mo na naglalakbay kayo ng dyowa mo ay depende sa tubig ang kahulugan.


Kung malinis at malinaw ang tubig sa dagat, ito ay nangangahulugan ng kaunlaran, kayamanan at magandang pamumuhay. 


Kung marumi at malabo ang tubig, ito ay nagpapahiwatig ng masamang kapalaran. Ang naging sailor naman ang dyowa mo ay senyales na makakapangibang-bansa siya. 


Ang sumakay ang dyowa mo sa barko ay depende rin sa barko ang kahulugan. Kung ang barko ay pangit, luma at hindi kaaya-ayang tingnan, ito ay babala na hindi siya magtatagumpay sa abroad. Pero, kung maganda ang barko na kanyang sinakyan, ito ay nagpapahiwatig na magkakaroon kayo ng anak na batang lalaki na magbibigay sa inyo ng karangalan na may kinalaman sa tubig.

 

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page