- BULGAR
- Aug 15, 2024
ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 15, 2024
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rico ng Ormoc.
Dear Maestra,
Madalas kong mapanaginipan ang mapa at magic. Ano ang ibig sabihin nito? May kaugnayan kaya ito sa balak kong pangingibang-bansa?
Naghihintay,
Rico
Sa iyo, Rico,
Kung madalas kang managinip ng mapa, may kaugnayan nga ito sa balak mong pangingibang-bansa. Ito ay tanda na makakapagtrabaho ka roon sa loob ng maraming taon.
Kung colored ang mapa, ito ay senyales na susuwertehin ka roon at kapag umuwi ka sa ‘Pinas, tiyak na super-yaman mo na.
Samantala, ang magic ay nangangahulugan ng pagbabago sa iyong kalagayan tungo sa pag-unlad. Aangat na ang kabuhayan mo hanggang sa tuluyan kang yumaman. Ngunit, ito rin ay babala na dapat kang mag-ingat sa mga kaibigan mong mapagkunwari, dahil peke lang lahat ng magandang pakikitungo nila sa iyo, at may binabalak silang masama laban sa iyo na maaaring humantong sa puntong ikakasakit mo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




