- BULGAR
- Aug 19, 2024
ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 19, 2024
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Daniel ng Pangasinan.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na umakyat ako sa bundok. Ang ganda ng paligid, at ang daming mga sariwang halaman na berdeng-berde ang kulay.
May nakita rin akong isang pugad ng ibon. Pero, basag na ang mga itlog nito.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Daniel
Sa iyo, Daniel,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na umakyat ka ng bundok ay marami kang daranasing mga pagsubok sa buhay. Magiging puno ng pagpapakasakit, pagpupunyagi, dalamhati at kapighatian ang nakatakdang danasin mo.
Ang mga sariwang halaman ay nagpapahiwatig na marami kang mga kaibigan na maaasahan mo sa sandali ng kagipitan, at handa ka nilang tulungan kung sakaling lalapit ka sa kanila.
Samantala, ang pugad ng ibon ay nangangahulugang ng kasalan. Ibig sabihin, malapit ka nang ikasal.
Ang mga basag na itlog na nakita mo sa pugad ay nagpapahiwatig ng pagkabigo sa mga bagay na gusto mong marating sa buhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




