top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | September 16, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jonathan ng Davao.


Dear Maestra, 


Napanaginipan ko na nasa isang isla ako. Ang daming halaman sa paligid, at ang gaganda ng mga bulaklak. Ang sarap sa pakiramdam, hanggang sa unti-unting akong napalibutan ng fog. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,Jonathan



Sa iyo, Jonathan,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa isang isla ka, at ang gaganda ng mga bulaklak ay pabagu-bago ang isip ng dyowa mo. Pero may makikilala ka pang isang babae, na siya mo na ring mapapangasawa at makakasama habambuhay. 


Samantala, ang unti-unti kang napaligiran ng fog ay senyales na hindi pa stable ang kasalukuyan n’yong relasyon ng dyowa mo. Kailangan mong mag-ingat sa bawat pananalita at kilos mo, dahil may posibilidad na hindi kayo magkatuluyan. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna




 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | September 15, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Mario ng Pangasinan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na kasama ko ang mga kaibigan ko, habang ‘yung damit na suot ko ay nanggigitata sa dumi. Sobra akong nalungkot dahil parang basahan kung tingnan ang suot kong damit. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Mario



Sa iyo, Mario,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakasama mo ang kaibigan mo ay magiging masaya ka, iimbitahan ka nilang kumain sa labas, dahil sinuwerte sila sa proyektong pinagkakaabalahan nila. Samantala, ang nalungkot ka dahil nanggigitata sa dumi ang damit mo at para ba itong basahan ay senyales na gaganda na ang iyong buhay, at hindi ka na maghihirap pa.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | September 14, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Norma ng Catanduanes.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pinalitan ko lahat ng punda ng unan ko. Nang may bigla akong nakita na nagkalat na mga papel sa sahig, agad ko itong pinunit at tinapon sa basurahan.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Norma



Sa iyo, Norma,

Ang ibig sabihin ng panaginip mo na pinalitan mo lahat ng mga punda mo ay magiging mayaman ka pagtanda mo.


Lahat ng kaginhawaan sa buhay ay iyong mararanasan. Isa pa, magiging maligaya ka rin sa piling ng iyong pamilya, at mamahalin ka nila hanggang sa huling sandali ng iyong buhay.


Samantala, ang may nakita kang mga papel sa sahig, agad mo itong pinunit at tinapon sa basurahan ay nagpapahiwatig na matatapos na ang mga alalahanin mo sa buhay. Hindi ka na mababalisa, sapagkat magkakaroon na ng kalutasan ang lahat ng iyong suliranin. Magiging payapa na rin ang iyong puso’t isipan. 

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 
RECOMMENDED
bottom of page