top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Sep. 27, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Leonardo ng Pasay City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na may mga dala akong bagahe sa airport at hirap na hirap akong dalhin ang mga ito. Habang naglalakad, bigla ko namang nakasalubong ‘yung best friend ko. May bagahe rin siyang dala at nagpatulong siya sa akin dalhin ‘yung iba. Matapos ko siyang tulungan, agad niya akong inabutan ng regalo.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko? 

Naghihintay,

Leonardo



Sa iyo, Leonardo,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may dala kang mga bagahe sa airport at hirap na hirap kang dalhin ang mga ito ay pagkalugi sa negosyo. Malulugi ang kasalukuyan mong negosyo at kakailanganin mo munang kumayod upang umunlad ang iyong buhay.  

Samantala, ang nagpatulong sa iyo ang best friend mo na dalhin ang iba niyang bagahe at binigyan ka niya ng regalo dahil sa pagtulong mo sa kanya ay nangangahulugan na makakatanggap ka ng magandang balita na siyang magpapabago sa buhay mo. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna









 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Sep. 26, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Mary Ann ng Nueva Ecija.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na sabay-sabay kaming kumain ng dinner. Habang nakatingin ako sa bintana, may nakita akong comet at mga nagliliparang uwak sa langit. 

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Mary Ann


Sa iyo, Mary Ann,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na sabay-sabay kayong nag-dinner ay may paparating na paghihirap sa buhay mo at kakapusin ka sa pang-araw-araw na pangangailangan mo. 


Ang may natanaw kang comet sa bintana ay babala na ang ating bansa ay malalagay sa malaking panganib at kapahamakan. 


Samantala, ang nagliliparang uwak sa langit ay nangangahulugan na madadawit ka sa isang kaguluhan. Matatalo ka ng kaaway mo at mauuwi sa demandahan ang inyong pagtatalo, na kung saan mawawalan ka ng katarungan. Dito na rin magsisimulang magbago ang iyong buhay. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna








 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Sep. 25, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Loyda ng Imus, Cavite. 


Dear Maestra,


Napanaginipan ko ang apple, almond at apricot. Ano ang ibig sabihin ng mga ito?


Naghihintay,

Loyda



Sa iyo, Loyda,


Ang ibig sabihin ng apple ay malapit mo nang marating ang tugatog ng iyong tagumpay. Pero kung namimitas ka ng apple, ito ay nagpapahiwatig na isa sa mga anak mong lalaki ang magiging mayaman.


Samantala, kung ang almond sa panaginip mo ay kinakain mo, ito ay senyales ng paglalakbay. Makakapaglakbay ka sa ibang bansa. 


Ang apricot naman ay nagpapahiwatig na susuwertehin ka sa pag-ibig. Ikakasal ka sa lalong madaling panahon at magiging masaya ang pag-iisang dibdib n’yo. Pagpapalain din kayo ng magiging asawa mo.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna







 
 
RECOMMENDED
bottom of page