top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Oct. 1, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Donato ng Zambales.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pumunta ako sa ilog. Naisipan kong maligo, pero pinulikat ang binti ko, at unti-unti akong lumubog hanggang sa muntik na akong malunod. 

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Donato



Sa iyo, Donato,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na pumunta ka sa ilog ay depende kung malabo o malinaw ang tubig sa ilog.


Kung malabo ang tubig, at parang may putik ito ay nangangahulugan na makakaranas ka ng paghihirap sa buhay. 


Kung malinaw ang tubig, at payapa ang alon, ito ay senyales ng kaligayahan at pag-unlad sa buhay.


Ang naisipan mong maligo ay nangangahulugan na nag-aalala ka sa isang bagay na hindi pa nangyayari, pero iniisip mo na agad ang kahihinatnan. 


Samantala, ang pinulikat ang binti mo ay senyales na magbabago na ang takbo ng iyong buhay, at gaganda na ang kapalaran mo.


Ang unti-unti kang lumubog, hanggang sa muntik ka na malunod ay babala na palihim kang sinisiraan ng itinuturing mong kaibigan. Mabait siya kapag kaharap ka, pero hindi pala talaga siya mapagkakatiwalaan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna












 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Sep. 30, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorna ng Bohol.


Dear Maestra, 


Napanaginipan ko na bumili ako ng alimasag. Sa kasamaang palad, nasipit ang daliri ko. Namutla ako sa sobrang sakit, at para bang hindi ako makahinga.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Lorna




Sa iyo, Lorna,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na bumili ka ng alimasag, at nasipit ang daliri mo ay dapat mong iwasan ang paglalakbay sa karagatan.


Ang nakaramdam ka ng sobrang sakit ay nangangahulugan na hindi magiging mabuti ang pakiramdam mo sa darating na mga araw, at may posibilidad na magkasakit ka.


Samantala, ang namutla ka ay nagpapahiwatig na iwasan mo ang sobrang pagtatrabaho. Kumbaga, hinay-hinay lang. Huwag mong pagurin ang sarili mo, at mamahinga ka rin kung kinakailangan upang ‘di magkasakit.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna











 
 
  • BULGAR
  • Sep 28, 2024

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Sep. 28, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Domeng ng Cavite.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na dumungaw ako sa bintana namin. May natanaw akong wolf, kaya naman sinara ko agad ang bintana at pumasok na sa kuwarto ko.

Pero ramdam kong parang may multo sa paligid ko.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Domeng



Sa iyo, Domeng,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na dumungaw ka sa bintana ay nag-aalala ka tungkol sa best friend mo. Alam kong iniisip mo ngayon na hindi siya dapat pagkatiwalaan, ngunit nagkakamali ka, dahil ang best friend mo ay isang maaasahan at handa kang tulungan sa lahat ng sandali.


Ang may natanaw kang wolf ay nangangahulugan na hindi lahat ng mga kaibigan mo ay maaasahan gaya ng best friend mo. ‘Yung iba sa kanila ay may lihim na inggit sa iyo, kaya dapat mong talasan ang iyong pakiramdam, dahil isa sa kanila ang magtatangkang siraan at pabagsakin ka.


Samantala ang pumasok ka sa kuwarto at feeling mo may multo ay babala na kailangan mong mag-ingat sa pakikitungo sa iyong kapwa para ‘di ka nila kainisan at mapagkamalang mayabang.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna










 
 
RECOMMENDED
bottom of page