top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | November 25, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Boying ng Tarlac.


Dear Maestra,


Magandang araw sa inyo r’yan sa Bulgar. Madalas kong mapanaginipan ang kabayo at ginto.


Ano ang ibig ipahiwatig nito?


Naghihintay,

Boying


Sa iyo, Boying,


Depende sa sitwasyon at kulay ng kabayo ang iyong panaginip. Hindi mo masyadong ipinaliwanag ang iyong panaginip. Gayunman, kung sa panaginip mo ay nakasakay ka sa puting kabayo, ito ay sign na malapit ka na ikasal sa babaeng napupusuan mo. Kung ikaw naman ay nahulog sa kabayo, ito ay nangangahulugan na makakaranas ka ng hindi kanais-nais na pangyayari sa iyong kapaligiran. Kung ikaw naman ay nakasakay sa kabayo, ito ay senyales ng kaligayahan sa susunod na mga araw. Subalit kung kulay itim ito, kaguluhan ang ipinahihiwatig nito at masasangkot ka sa gulo.


Samantala, ang ibig sabihin ng palagi kang nananaginip ng ginto ay iwasan mong makipagsapalaran sa negosyo. Kung inlab ka sa kasalukuyan, iwasan mo ring makagawa ng mga bagay na magiging dahilan upang magselos ang iyong minamahal.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | November 24, 2023




Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Danny ng Parañaque.




Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nasusunog umano ang bahay ng aming kapitbahay. Bumaba ako para tumulong, ngunit natalsikan ako ng baga galing sa nasusunog na bahay at nalapnos ang balat ko.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Danny


Sa iyo, Danny,


Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na nasunog ang bahay ng kapitbahay mo, bumaba ka para tumulong ay may magandang kapalarang nakalaan sa iyo. Susuwertehin at makatatanggap ka ng malaking halaga.


Samantala, ang nalapnos ang balat mo ay halos ganu’n din ang ibig sabihin, ito ay senyales ng kaginhawaan, kaligayahan at kasaganahan sa buhay. Basta’t ‘wag ka lang mainip dahil tiyak na yayaman ka rin.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 
  • BULGAR
  • Nov 21, 2023

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | November 21, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Ronald ng Taguig.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pumunta ako sa likod ng aming bahay. Ang haba na ng damo kaya kumuha ako ng pamputol dito. Pagbalik ko, may nakita akong mga usa at kambing na kumakain ng damo. Gayunman, itinuloy ko pa rin ang pagtabas nito.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Ronald


Sa iyo, Ronald,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na ang haba ng damo sa likod ng iyong bahay, kumuha ka ng pamputol, at tinabas mo ang damo ay susuwertehin ka sa negosyo. Mas mahabang damo, mas marami kang kikitain sa negosyo.


Samantala, ang usa ay nangangahulugan na isa sa mga kaibigan mo ay loko-loko. May binabalak siyang hindi maganda laban sa iyo, kaya talasan mo ang iyong pakiramdam at mag-ingat ka. Ang mga kambing naman ay halos pareho rin ng kahulugan, may binabalak silang hindi maganda laban sa iyo, pero hindi sila magtatagumpay kung lagi kang nakamasid at nakahanda sa anumang puwedeng mangyari.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page