top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | November 28, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Siony ng Batangas.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na inaya ako ng dyowa kong tumaya sa pustahan ng basketball sa aming barangay. Nahulaan namin kung sino ang mananalo, at nanalo kami ng P50,000.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Siony


Sa iyo, Siony,


Ang napanaginipan mo ang dyowa mo ay depende kung masaya ba siya o malungkot.


Kung masaya ang mukha niya at nakangiti siya sa iyo, ito ay senyales na tapat ang pag-ibig niya. Mahal na mahal ka niya at balak niyang pakasalan ka.


Kung malungkot naman ang mukha niya at para bang maysakit na iniinda, ito ay nagpapahiwatig na hindi ka niya totoong mahal. Nagkukunwari lang siya at may iba siyang minamahal.


Ang nanalo kayo sa pustahan ay kabaligtaran ang kahulugan, ito ay babala na malulugi ka sa negosyo. Makakaranas ka ng paghihirap at kakapusan sa salapi. Ang P50,000 naman na napanalunan n’yo ay tanda na makakapangibang-bansa ka at du’n mo sisimulan ang bagong negosyong binabalak mo. Ito rin ay senyales na maaari kang maloko sa pakikipagtransaksyon at may posibilidad na mabiktima ka ng mga scammer.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | November 27, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gina ng Malabon.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na dinalaw ko sa hospital ang bestfriend kong maysakit. Nang umuwi ako, nakaramdam agad ako ng gutom, kaya kumain ako ng beef burger, at pumunta na ko sa aking silid para ayusin ang aking kama at para na rin matulog.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Gina


Sa iyo, Gina,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na dinalaw mo sa hospital ang bestfriend mong maysakit ay business promotion, uunlad ang iyong negosyo at madaragdagan pa ang mga paninda mo.


Ang nakaramdam ka ng gutom pagkagaling mo sa hospital ay nangangahulugan na makakamit mo rin ang tagumpay. Yayaman at igagalang ka sa inyong lugar dahil sa pagsisikap at katalinuhan mo. Kung may karelasyon ka ngayon, maglalakbay muna siya sa ibang bansa bago kayo magpakasal.


Samantala, ang kumain ka ng beef burger ay senyales ng kaunlaran at kayamanan.


Uunlad na ang buhay mo. Ang nagpunta ka sa iyong silid, inayos mo ang iyong kama ay tanda na may balak ka pang ibang negosyo at balak mo ring magtrabaho upang madagdagan pa lalo ang iyong kita.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | November 26, 2023





Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Ludy ng Malolos, Bulacan.




Dear Maestra,


Napanaginipan ko na may nakita akong honey sa dining table namin, at tinikman ko umano ito. Mayroon ding ham na nagpatakam lalo sa akin, kung kaya tinikman ko rin ito. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Ludy





Sa iyo, Ludy,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na tinikman mo ang nakita mong honey ay mararamdaman mo ang tamis at lambing ng pagmamahal sa iyo ng iyong dyowa.


Magtatagumpay, liligaya at sasagana ang inyong buhay hanggang sa kayo’y tumanda. Ito rin ay nagpapahiwatig na uunlad ang inumpisahan n’yong negosyo at magiging mabilis ang pagyaman n’yo.


Samantala, ang tinikman mo rin ang ham na nakita mo sa dining table ay tanda na susuwertehin ka sa iyong pinagkakaabalahan sa kasalukuyan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 
RECOMMENDED
bottom of page