top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 6, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Virgie ng Valenzuela, Bulacan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na sa wakas ay inoperahan na rin ako. Matagal na umano akong may iniindang sakit sa katawan. Dinalaw ako ng dati kong kaaway, nakipagbati siya sa akin at may dala itong 10 oranges.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Virgie


Sa iyo, Virgie,

Napanaginipan mo na naoperahan ka, ito ay nagpapahiwatig ng paggaling ng iyong sakit. Lubusan nang gagaling ang iyong karamdaman na nagpapahina sa iyong kalusugan.


Ang dinalaw ka ng iyong kaaway at nakipagbati siya sa iyo ay nangangahulugan na malalampasan mo ang mga pagsubok na kinakaharap mo sa ngayon, nangangahulugan din ito ng kaligayahan at kasaganahan sa buhay. Liligaya at sasagana ka na sa susunod na mga araw.


Samantala, ang oranges ay sign ng paglalakbay sa isang magandang lugar kasama ang iyong mga kaibigan. Ang bilang na sampu naman ay tanda na sa kabila ng pagiging matulungin mo sa kapwa, hindi mo naman sila maaasahan kapag ikaw na ang nangailangan ng kanilang tulong.


Makararamdam ka ng pag-iisa na wala halos dumamay sa iyong kagipitan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 5, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Robert ng Batangas.

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na naisipan kong umakyat ng bundok habang papaakyat ako, ang dami kong nakitang daga at gamu-gamo. Kahit na ganu’n tinuloy ko pa rin ang pag-akyat hanggang sa marating ko ang tuktok ng bundok. Napakaganda nito lalo na ang kulay berde at sariwang mga dahon sa punongkahoy.


Ang sarap ng pakiramdam ko, nawala lahat ng pagod ko sa pag-akyat. Namahinga ako sa ilalim ng puno at maya-maya ay bumaba na rin ako ng bundok.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Robert

Sa iyo, Robert,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na umakyat ka ng bundok ay madami kang daranasing paghihirap sa buhay. Kailangan mong magtrabaho nang husto para makaraos ka sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay.


Ang maraming daga sa dinaanan mo ay nangangahulugan na mabibiktima ka ng tsismis sa inyong lugar. Masisira ang pangalan at reputasyon mo, dahil d’yan, sunud-sunod na kamalasan ang mararanasan mo.


Ang gamu-gamo ay nagpapahiwatig na dapat kang mag-ingat sa mga kasamahan mo sa trabaho. Hindi lahat ay puwede mong pagkatiwalaan. Isa r’yan ay magtatangkang sirain ang pagkatao mo upang mapasakanya ang posisyon mo sa ngayon.


Samantala, ang tinuloy mo pa rin ang pag-akyat sa bundok hanggang sa marating mo ang tuktok.


Ang ganda ng paligid kulay berde at sariwa ang mga dahon ng punongkahoy, ito ay senyales na magkakaroon ka ng mga bagong kakilala. Maaasahan mo sila sa sandali ng kagipitan at handa ka nilang damayan.


Ang namahinga ka muna sa ilalim ng puno saka palang bumaba ng bundok ay tanda na malalampasan mo ang mga suliranin.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 4, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rowena ng Roxas City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nagkandamalas ang buhay ko. Tinubuan ako ng tigdas sa buong katawan, uminom ako ng gamot para mawala ang tigdas ko ngunit napakapait nito.


Muntik ko na itong ‘di malunok pero pinilit ko pa rin para mawala na ang sakit ko.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Rowena


Sa iyo, Rowena,


Kabaligtaran ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagkandamalas ang buhay mo, ito ay pagbabago ng iyong kapalaran tungo sa pag-unlad. Uunlad na ang buhay mo at susuwertehin ka na. Makararanas ka na ng kaginhawahang matagal mo nang inaasam-asam.


Samantala, ang tinubuan ng tigdas ang buong katawan mo ay kabaligtaran din ang ibig ipahiwatig, ito ay na magiging maganda ang kalusugan mo. Maiiwasan mo ang anumang uri ng sakit o karamdaman. Ang uminom ka ng gamot para mawala ang tigdas mo, napakapait ng lasa nito pero nilunok mo pa rin ay senyales na makararanas ka ng hindi kanais-nais na pangyayari.


Maiinis at mawawalan ka ng gana sa pagtupad ng mga pang-araw-araw mong gawain.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 
RECOMMENDED
bottom of page