top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Oct. 15, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jun ng Pangasinan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nasa taniman ako. Nangongolekta ako ng iba't ibang klase ng prutas at gulay. 


Ngunit bigla na lamang pinulikat ang paa ko, kaya umuwi agad ako sa bahay namin. Pag-uwi ko sa bahay, ang dami kong nakitang maruming damit sa sala. Kaya naman inalis ko agad at inilagay sa tabi ng washing machine. 

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Jun



Sa iyo, Jun,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nangolekta ka ng mga prutas at gulay ay malapit ka nang yumaman. Uunlad at sasagana na rin ang iyong buhay. Isa pa, susuwertehin ka rin sa maraming bagay. 


Ang pinulikat ka ay nangangahulugan na bigla na lamang magbabago ang takbo ng iyong buhay, at hindi ka na makakaranas pa ng kahirapan sa buhay.


Samantala, ang umuwi ka ng bahay, at nakita mo ‘yung maruming damit sa sala, kaya naman nilagay mo muna ang mga ito sa tabi ng washing machine ay nagpapahiwatig na dapat kang umiwas sa pakikipagtalo at sa mga ‘di makatotohanang tsismis sa paligid mo, dahil may posibilidad na masangkot ka sa kaguluhan.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Oct. 14, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gilda ng Zambales.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nasa loob ako ng church. Kumakanta ako ng mga awitin sa simbahan, at nag-take rin ako ng communion.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Gilda


Sa iyo, Gilda,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa church ka at umaawit ka ay kaligayahan, kasaganahan at tagumpay sa buhay. Liligaya, sasagana at magtatagumpay ka na sa iyong mga hangarin. 


Isa pa, magiging mapalad ka rin pagdating sa pag-ibig. Tunay at wagas na pag-ibig ang ipaparanas sa iyo ng karelasyon mo. Pakakasalan ka niya at magiging responsible siyang asawa sa iyo. 


Samantala, ang nag-take ka ng communion ay nangangahulugan na lahat ng gumugulo sa isipan mo ngayon ay bigla na lamang mawawala. 

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Oct. 11, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Leonardo ng Taguig.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na dinakip ako ng mga pulis sa ‘di ko malamang dahilan. Kaya naman, kinalmot sila ng alaga kong pusa.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Leonardo


Sa iyo, Leonardo,


Ang ibig sabihin ng dinakip ka ng pulis at ‘di mo alam ang dahilan ay ‘di mauunawaan ng mga taong nasa paligid mo ang iyong pag-uugali. Kumbaga, mahihirapan silang intindihin ka. Ito rin ay babala na may paparating na problema sa buhay mo. 


Samantala ang kinalmot ng pusa ang mga dumakip sa iyo ay nangangahulugang ipagkakanulo ka ng mga kaibigan o mga kaanak mo. Ngayon mo rin makikita o mare-realize na hindi pala tunay ang ipinapakita nilang kabaitan sa iyo. Sa madaling salita, matatanto mo na ngayon na tinatraydor ka pa nila.


Kung ang pusa sa panaginip mo ay mga anak na kuting, ito ay senyales ng kaligayahan at pagiging kuntento sa buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

 
 
RECOMMENDED
bottom of page