top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 22, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Danilo ng Pangasinan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nag-aararo ako sa bukid nang may biglang lumitaw na mga snail sa paligid ko at may natanaw din akong sparrow sa ‘di kalayuan. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Danilo


Sa iyo, Danilo,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nag-aararo ka sa bukid ay dapat kang maging mapagmasid sa paligid mo lalo na sa mga pinagkakatiwalaan mo. Isa sa mga iyan ay aakalain mong maaasahan, ‘yun pala ay hindi karapat-dapat sa iyong pagtitiwala.


Samantala, ang snails ay nagpapahiwatig na masasangkot ka sa hindi magandang pangyayari sa paligid mo dahil sa sobrang inggit sa iyo ng isang kaibigang akala mo mabait sa iyo, pero may balak palang hindi maganda.


Ang sparrow naman na nakita mo, kung nag-iisa lang, ito ay babala ng kaguluhan. Mag-ingat ka sa gulo. Kung madami ang sparrow, ito ay senyales ng paglalakbay. Malapit ka nang mangibang-bansa. Makakapag-abroad ka na sa lalong madaling panahon.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 21, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Steve ng Olongapo, Zambales.

 

Dear Maestra,


Madalas kong mapanaginipan ang kalamidad at kamelyo. Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?

 

Naghihintay,

Steve

 

Sa iyo, Steve,


Ang napanaginipan mo ‘yung kalamidad, ito ay nagpapahiwatig na isa sa mga kaibigan mo ay mapo-promote sa trabaho. Kung negosyo naman ang pag-uusapan, uunlad at yayaman ka sa pagnenegosyo. 


Samantala kung tungkol naman sa kamelyo, marami ang senyales nito. Kung sa panaginip mo ang camel ay may isang hump, ito ay nangangahulugan na may mga sagabal sa plano mo na kung saan sasakit nang husto ang ulo mo bago mo malampasan ito. 


Kung may two humps naman ang camel, ito ay senyales na marami kang daranasing gulo pero kung gagamitin mo ang iyong isip at talino, hindi ka masisiraan ng loob. Sa halip, magiging matapang ka sa sandaling dumating ang mga kaguluhan sa buhay mo, mapagwawagian at malulusutan mo ito.

 

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | December 19, 2023


 

Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jessa ng Davao.

 

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na may nagregalo sa akin ng cake dahil birthday ko. Sinindihan ko ‘yung candle at nilagay sa cake. Hiniwa ko rin ang cake habang tinutugtugan ako ng gitara ng boyfriend ko.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko? 

Naghihintay,

  Jessa

Sa iyo, Jessa,


Maganda ang ibig sabihin ng panaginip mo na may nagregalo sa iyo ng cake dahil birthday mo, magiging mapalad ka sa lahat ng bagay. Kung sinindihan mo ang candle sa cake, ito ay nangangahulugan ng kasaganahan at magandang kalusugan. Kung hiniwa mo ang cake, ito ay nagpapahiwatig na ang pagiging mapalad mo ay hindi permanente.


Samantala, ang tinugtugan ka ng gitara ng boyfriend mo ay senyales na tunay ang pag-ibig niya sa iyo. Mahal ka niya at handa siyang pakasalan ka.

 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page