top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Oct. 19, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rudy ng Oriental Mindoro.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pumunta ako sa palengke para mamili ng baka at pinili ko ‘yung buto-buto. 


Nagbisikleta ako pauwi, at nang makauwi ako sa bahay agad kong pinakuluan ‘yung baka na binili ko. Sa ‘di sinasadya, nabanlian ako nang kumukulong sabaw. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay, Rudy



 

Sa iyo, Rudy,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na pumunta ka sa palengke para mamili ng baka ay kasaganaan at pag-unlad sa buhay. Pero, hindi ibig sabihin nu’n ay yayaman ka.


Gayunman, tama lang na pinili mo ‘yung buto ng baka dahil senyales ito na makakatanggap ka ng malaking pera, o kaya naman ay makakatanggap ka ng mana.


Ang pinakuluan mo ‘yung baka at sa ‘di sinasadyang sitwasyon ay nabanlian ka ay nangangahulugan na makakamit mo na ang tagumpay. Samantala, ang nagbisikleta ka, depende kung madali mo lang napaandar ang bisikleta. 


Kung nahirapan kang magpidal, ito ay paalala na may magtatangkang sirain ang reputasyon mo. May balak siyang pabagsakin ka dahil sa tindi ng inggit niya sa iyo. 

Kung madali mo naman naipidal ang bisikleta, ito ay tanda na malalampasan mo lahat ng pagsubok mo sa buhay at magtatagumpay ka pa sa iyong mga minimithi.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Oct. 18, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Laura ng Taguig.


Dear Maestra, 


Napanaginipan ko na pumunta ako sa poultry. Mas nadagdagan pala ang mga alaga naming manok, habang libang na libang akong panoorin ang mga ito, bigla naman akong kinuyog ng mga bubuyog. 


Meron pala kasing pugad ng bubuyog malapit sa kulungan ng mga manok namin. 

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Laura


 

Sa iyo, Laura,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na pumunta ka sa poultry at mas nadagdagan ang bilang ng mga manok ay pansamantalang made-delay ang mga plano mo sa buhay, at may mga sagabal kang mararanasan. 


Ang kinuyog ka ng mga bubuyog ay nagpapahiwatig na ang kasalukuyan mong trabaho ay hindi magiging madali. Marami kang kakaharaping pagsubok at kakailanganin mo rin ang matinding pagsisikap. Ngayon ka dapat mas maging masipag at matiyaga. Pero, huwag kang mag-alala, dahil lahat ng pagsisikap mo ay gagantimpalaan din ng tadhana.


Magtatagumpay ka at uunlad ang iyong pamumuhay, hanggang sa yumaman at kilalanin ka sa inyong lugar. 


Samantala, ang pugad ng bubuyog malapit sa poultry n’yo ay tanda na ang matindi mong pagsisikap, pagtitiyaga, kasipagan at tibay ng loob ang magdadala sa iyo sa tugatog ng tagumpay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Oct. 16, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Loida ng Makati.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na natuwa ako dahil may matatanggap akong mana mula sa yumao kong distant relative. 


Hindi ako makapaniwala, kaya naman tuwang-tuwa ako sa natanggap kong balita. 

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,Loida

 

Sa iyo, Loida,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na natuwa ka dahil may matatanggap kang mana mula sa yumao mong distant relative ay hindi totoo. Kunwari lang ‘yun para ma-impress ka mula sa lalaking gustung-gusto kang pakasalan, kahit na ‘di mo naman siya bet. 

Samantala, ang tuwang-tuwa ka ay nagpapahiwatig ng kabiguan. Mabibigo ka sa pag-ibig. Ito rin ay paalala na huwag kang basta-basta magtitiwala sa mga lalaking nanliligaw sa iyo. Mag-ingat ka sa pagpili ng iyong mapapangasawa, dahil may posibilidad na lumuha ka lamang, lalo na kung magkamali ka sa pagpili.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna




 
 
RECOMMENDED
bottom of page