top of page
Search
  • BULGAR
  • Feb 17, 2024

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 17, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Cory ng Gapan, Nueva Ecija.


Dear Maestra,


Madalas kong mapanaginipan ang mga libro. Ano ang ibig ipahiwatig nito?


Naghihintay,

Ben ng Tarlac


Sa iyo, Ben,


Kung sa panaginip mo ay nagbabasa ka ng libro ito ay nangangahulugan na kikilalanin ka sa lipunang iyong ginagalawan. Magiging sikat at hahangaan ka nila. 


Kung ikaw naman ay binigyan ng libro, ito ay nagpapahiwatig na matatagpuan mo na ang katugma ng puso mo. Liligawan mo siya at agad ka naman niyang sasagutin hanggang sa mauwi sa kasalan ang inyong pag-iibigan. 


Samantala, kung sa panaginip mo ang mga libro ay nakalagay sa bookshelves, ito ay senyales na magiging maligaya ka sa darating na mga araw.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
  • BULGAR
  • Feb 16, 2024

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 16, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jessica ng Pasay City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na namitas ako ng beans sa gulayan namin, niluto ko ito at agad na kinain.


Maya-maya, nagluto naman ako ng bacon at agad ko rin itong kinain. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Jessica


Sa iyo, Jessica,


Ang panaginip mo na namitas ka ng beans, agad mo itong niluto at kinain ay babala ng kamalasan. Masasangkot ka sa kaguluhan dahil sa mga kaibigan mo, makakabuting dumistansya ka muna sa iyong mga kaibigan. Hindi mo dapat paniwalaan agad ang kanilang sinasabi. 


Samantala, ang nagluto ka rin ng bacon at agad mo rin itong kinain ay nangangahulugan na makakaranas ka ng kalungkutan. Mapapaaway ka anumang iwas ang gawin mo. Mas maiging manatili ka na lang muna sa bahay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
  • BULGAR
  • Feb 15, 2024

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 14, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gregory ng Valenzuela City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na umattend ako ng reunion ng aming pamilya. Ang daming pagkain, kaya lang nagtaka ako dahil nakalagay ito sa basin kesa bandehado o platong malaki. 


Gayunman, ang sinerve sa akin ay agad ko ring kinain. Maya-maya, may binigay sila sa aking basket na punumpuno ng mga prutas. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Gregory


Sa iyo, Gregory,


Ang panaginip mo na umattend ka ng reunion, at ang daming pagkain ay nagpapahiwatig na maiinlab ka sa bago mong kakilala. Subalit, hindi rin ito magtatagal. 


Samantala, ang binigay sa iyong basket na punumpuno ng prutas ay nangangahulugan na malalampasan mo ang mga hadlang sa iyong plano. Magagawan mo ito ng paraan anuman ang sagabal na dumating sa iyo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 
RECOMMENDED
bottom of page