top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Oct. 23, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rod ng Nueva Ecija.


Dear Maestra,


Ano ang ibig sabihin ng kape, cheese at bacon sa panaginip?

Naghihintay,

Rod


 

Sa iyo, Rod,


Kung sa panaginip mo ay umiinom ka ng kape, ito ay nangangahulugan na magiging maligaya ka sa susunod na mga araw. Subalit kung ibang tao ang nakita mo sa iyong panaginip na umiinom ng kape ito ay nagpapahiwatig na ang inaasam mong kaligayahan ay mauudlot, lalo na kung hindi ka mag-iingat sa iyong mga desisyon.


Samantala, ang cheese ay tanda na hindi tapat ang pag-ibig sa iyo ng iyong karelasyon, at hindi mo siya dapat pagkatiwalaan. 


Ang bacon ay nagpapahiwatig ng kalungkutan dahil sa sigalot na mamamagitan sa inyo ng iyong pamilya. 

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna





 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Oct. 22, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dorothy ng Naic, Cavite.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pumunta ako sa cathedral malapit sa bahay namin. Nag-take ako ng communion during Holy Mass, nang may bigla akong narinig na tunog ng gitara. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Dorothy


 

Sa iyo, Dorothy,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na pumunta ka sa cathedral malapit d’yan sa bahay n’yo ay may matatanggap kang mana mula sa namatay mong kamag-anak.


Ang nag-take ka ng communion during Holy Mass ay nangangahulugang malapit nang matapos lahat ng problema mo sa buhay. Magkakaroon na ng kasagutan lahat ng gumugulo sa iyong isipan. 


Samantala, ang may narinig kang tunog ng gitara ay may kinalaman sa love life mo. Ito ay nagpapahiwatig din na tunay at wagas ang pag-ibig sa iyo ng dyowa mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna




 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Oct. 21, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Leo ng Orani, Bataan.


Dear Maestra,


Ano ang ibig sabihin ng isda at sibuyas sa panaginip?

Naghihintay,

Leo


 

Sa iyo, Leo,


Ang ibig sabihin ng isda ay depende sa sitwasyon. Kung sa panaginip mo ay may nakita kang isda na lumalangoy, ito ay nangangahulugan na may bago kang negosyong sisimulan. 


Pero, kung nakahuli ka ng isda sa panaginip mo, ito ay nagpapahiwatig ng kasaganaan

sa buhay. 


Kung namimingwit ka naman ng isda, pero wala kang mahuli, ito ay babala ng kabiguan. Mabibigo ka sa kasalukuyan mong pinagkakaabalahan.

Samantala, ang talaba ay tanda na kailangan mo munang magtiyaga, at iwasan mong mainip sa magiging resulta ng iyong pinagkakaabalahan.


Ang sibuyas ay depende kung ito ay hiniwa o kinain mo. Kung ito ay hiniwa mo, ito ay paalala na magkakaroon ka ng kaaway sa miyembro ng iyong pamilya. 

Ngunit, kung kinakain mo naman ang sibuyas, ito ay simbolo na makikita mo na ang nawawalang bagay na matagal mo nang hinahanap.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 
RECOMMENDED
bottom of page