top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Marso 19, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Loreta ng Naic, Cavite.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na may nagbigay sa akin ng pocketbook at binabasa ko ito gabi-gabi bago ako matulog, pagkatapos ko magbasa binabalik ko rin ito sa bookcase. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Loreta


Sa iyo, Loreta,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may nagbigay sa iyo ng pocketbook ay kaligayahan sa buhay may asawa. Kung wala ka pang asawa, tiyak na yayayain ka na magpakasal ng dyowa mo ngayon, at paniguradong magiging masaya ang pagsasama n’yo. 


Tuwing gabi ka nagbabasa ay nangangahulugan na magiging tanyag ka sa lugar n’yo.


Samantala, ang binabalik mo agad sa bookcase ‘yung pocketbook ay nagpapahiwatig na magiging masaya ang future mo at hindi ka makakaranas ng mabibigat na suliranin sa buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Marso 18, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Herbert ng Pasig.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nasa isang tahimik, payapa at panatag na lugar ako, hanggang sa naisip kong magdasal hawak ang aking rosaryo. 


Noong nakaraang gabi naman, napanaginipan ko na tinuturo ko ang tungkol sa pagdating ng Panginoong Hesukristo. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Herbert


Sa iyo, Herbert,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa tahimik, payapa at panatag kang lugar ay matatapos na ang mga gumugulo sa iyong isipan. Malulutas na ang mga problema mo at magiging panatag na ang iyong kalooban sa susunod na mga araw. 


Ang nagdasal ka hawak ang rosaryo ay nangangahulugan na papalarin at magtatagumpay ka sa binabalak mong gawin. 


Samantala, ang nagturo ka tungkol sa pagdating ni Hesukristo ay senyales na tataas ang antas mo sa lipunan dahil sa mga bagay na ginagawa mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Marso 17, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jorge ng Pateros.

 

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na naglalakad ako malapit sa riles ng tren nang biglang may lumitaw na mga daga. May mga ahas din akong nakita papalapit sa akin, naiwasan ko ‘yung isa pero nakagat pa rin ako ng isa.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

 

Naghihintay,

Jorge


Sa iyo, Jorge,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naglalakad ka malapit sa riles ng tren ay makakapamasyal ka sa ‘Pinas, ngunit malayo sa lugar na tinitirhan mo sa kasalukuyan, ito rin ay nangangahulugan na darating na ang pinakamamahal mo na matagal ding nawalay sa iyo.


May biglang lumitaw na mga daga ay nagpapahiwatig ng gulo. Masasangkot ka sa gulo dahil sa kagagawan ng isang kaibigan mo na akala mo ay tunay, ‘yun pala ay balak guluhin ang iyong tahimik na buhay.


Kung may asawa ka na, ito ay babala na may magtatangkang wasakin ang pagsasama n’yo.


Samantala, ang mga ahas na nakita mo ay sumisimbolo ng mga kaaway. Ang naiwasan mo ang isa ay tanda na matatalo mo ang iyong kaaway, hindi siya magwawagi sa masama niyang binabalak sa iyo. Magagapi mo siya, subalit ang sabi mo ay nakagat ka ng isa ay dapat kang mag-ingat dahil nand’yan lang sa paligid mo ang iyong mga kaaway at naghihintay lang na umatake sa iyong likuran.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page