top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Ika-19 Araw ng Abril, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Siony ng Mandaluyong.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na masaya kaming namamasyal ng mga kaibigan ko sa park nang biglang umambon. Mabuti na lang ay ambon lang. Subalit, ilang minuto lang ang lumipas ay bigla namang bumuhos ang malakas na ulan. Dumilim ang buong paligid at halos wala na kaming makita. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Siony


Sa iyo, Siony,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na masaya kayong namamasyal ng kaibigan mo sa park ay maaasahan mo sila sa sandali ng kagipitan, at handa ka nilang damayan. 


Ang umambon habang namamasyal kayo ay simbolo ng kasaganahan at kaligayahan.


Sasagana at liligaya na ang buhay mo. Ang isa pang magandang balita ay matatapos na rin sa wakas ang kalbaryong kinakaharap mo sa kasalukuyan.


Samantala, ang biglang bumuhos ang malakas na ulan, dumilim ang buong paligid ay senyales na bago mo makamit ang kaginhawaan, makakaranas ka muna ng mga pagsubok sa buhay na aakalain mong wala ng kalutasan. Subalit, sa tulong ng mga kaibigan mo, malalampasan mo rin ito. Alalahanin mo na lang na lahat ng problema ay may solusyon. Huwag ka agad panghinaan ng loob, dahil may magandang bukas pa na naghihintay sa iyo kung hindi ka mawawalan ng pag-asa.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 
  • BULGAR
  • Apr 17, 2024

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Ika-17 Araw ng Abril, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Erlinda ng Roxas City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na may usapan kami ng dyowa ko na magkikita sa park. Na-late siya ng dating, dahil sa sobrang traffic. Okey lang naman ‘yun sa akin hanggang sa nagkuwentuhan na kami, tawa ako nang tawa dahil sobrang nakakatawa ‘yung kuwento niya. Nang bigla siyang kumuha siya ng candy, binigay niya sa akin, at agad ko naman itong kinain. Ngunit, hindi ko ito nagustuhan dahil ang pait ng lasa nito. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko ?


Naghihintay,

Erlinda


Sa iyo, Erlinda,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may usapan kayo ng dyowa mo na magkikita kayo sa park, ngunit na-late siya ng dating ay nagpapahiwatig na hindi gaanong romantiko ang bf mo. Hindi siya magaling sa kama gaya ng iniisip mo. Hindi malawak ang pang-unawa niya, at hindi rin siya maingat sa mga gawaing kanyang ginagawa. 


Ang tumawa ka nang tumawa dahil sa kuwentuhan n’yo ay babala ng kabiguan.


Mabibigo ka sa mga pinaplano mo sa hinaharap. Maaari ka ring lumuha kapag kayo ang nagkatuluyan. Samantala, ang binigyan ka niya ng candy, kinain mo ito agad ngunit ‘di mo nagustuhan ang lasa nito ay senyales na masasangkot ka sa gulo. Umiwas sa argumento para ‘di ka masangkot anumang kaguluhan. 

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Ika-16 Araw ng Abril, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lerma ng Makati.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na niligawan ako ng dati kong klasmeyt noong hayskul. May dala siyang necklace, nakangiti siya habang papalapit sa akin at siya na rin mismo ang nagsuot ng necklace na bigay niya. May kasama rin pala itong bracelet, at siya na rin ang nagsuot sa akin. Subalit, kesa na maging masaya, nalungkot at naiyak pa ako.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Lerma


Sa iyo, Lerma,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na niligawan ka ng dati mong klasmeyt, binigyan ka ng necklace ay susuwertehin ka sa pag-ibig. Magkikita muli kayo ng dati mong klasmeyt, at pakakasalan ka niya. Magiging masaya kayo at pagpapalain ang inyong pagsasama.


Ang nakangiti siya ay nagpapahiwatig na tunay ang pag-ibig niya sa iyo, at mahal na mahal ka niya.


Ang may dala rin siyang bracelet ay nangangahulugan na ikaw lang talaga ang mahal niya, at hindi ka na niya pakakawalan pa. Hindi na siya iibig pa sa iba maliban sa iyo, dahil ikaw lang ang mamahalin niya habambuhay.


Samantala, malungkot ka pa rin sa kabila nang ginawa niya at naiyak ka pa ay kabaligtaran ang ipinahihiwatig. Mapupuspos ng kaligayahan ang puso mo, magiging masaya ka sa darating na mga araw, dahil matutupad na rin ang iyong pinakamimithi.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia De Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page