top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Ika-22 Araw ng Abril, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Bert ng Ilocos Sur.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nasa loob ako ng warehouse. Tumingin ako sa relo ko para i-check kung ano’ng oras na, pero hindi ito gumagalaw. Hindi ko tuloy malaman kung maaga pa o tanghali na.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Bert


Sa iyo, Bert,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa loob ka ng warehouse ay depende sa status mo. Kung ikaw ay negosyante, ngayon ka susuwertehin sa negosyong pinagkakaabalahan mo. Kung ikaw naman ay binata pa sa kasalukuyan, ngayon mo na matatagpuan ang babaeng pakakasalan mo, nabibilang siya sa mayamang angkan, at kung ikaw ay isang magsasaka, madami kang aanihin na tanim ngayon.


Samantala, ang tiningnan mo ang relo mo para malaman kung ano’ng oras na pero huminto pala ito, ‘di mo tuloy malaman kung maaga pa o tanghali na ay paalala na huwag kang masyadong maging confident. Sa sobrang tiwala mo sa iyong sarili, may posibilidad na maghirap ka, mawawala lahat ng pera mo at maubos ang kayamanan mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Ika-21Araw ng Abril, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jerome ng Camarines Sur.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na naisipan kong bumili ng buto ng baka. Ang napili ko ay may kasama pang skull ng baka. Pagdating sa bahay, agad ko itong nilaga. Makalipas ang 20 minuto, tiningnan ko ito kung malambot na, tinikman ko muna ‘yung sabaw kung masarap ba, nang bigla akong mabanlian.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Jerome


Sa iyo, Jerome,


Ang ibig sabihin ng bumili ka ng buto ng baka ay makakatanggap ka ng pera. 


Ang skull ng baka na pinili mo ay nangangahulugan na ang perang matatanggap mo ay manggagaling sa kamag-anak mo na kamamatay pa lang, at ito ang pamana niya sa iyo. 


Samantala, ang nabanlian ka ng mainit na sabaw ay nagpapahiwatig na

magtatagumpay ka sa mga pangarap mo. Pero kung mas masakit, ito ay senyales na mas marami kang karangalan na makakamit.


Ang 20 minuto naman ay babala na hindi tapat ang mga kaibigan mo sa iyo, bagkus sinasamantala lang nila ang kabaitan mo. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Ika-20 Araw ng Abril, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Francis ng Batangas.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na naglalaro kami ng billiard ng best friend ko. Natalo ko siya, pero ako ‘yung sinisisi niya sa pagkatalo niya. Sinuntok niya ako sa bibig at agad naman itong dumugo. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Francis


Sa iyo, Francis,


Ang ibig sabihin ng naglaro kayo ng billiard ng best friend mo ay babala na masasangkot ka sa gulo dahil sa kapabayaan at hindi mo pagiging maingat. 


Ang sinisi ka ng best friend mo dahil natalo siya ay nagpapahiwatig na mananalo ka laban sa mga kaaway mo at makikita mo ang unti-unti nilang pagbagsak. Hindi sila magtatagumpay sa masama nilang binabalak sa iyo.


Samantala, ang sinuntok ka ng best friend mo sa bibig at nagdugo ito ay senyales na mabibigo ka sa gusto mong gawin. May mga sagabal ka pang kakaharapin bago ka magtagumpay sa iyong ninanais.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page