top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | July 1, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Remy ng Iba, Zambales.


Dear Maestra,


Palagi kong napapanaginipan na sanggol pa umano ako. Noong nakaraang gabi naman, napanaginipan ko na musmos ako, at inaalagaan ako ng mama ko habang nakayakap sa kanyang bisig. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Remy


Sa iyo, Remy,


Hindi maganda ang ibig sabihin na ikaw ay isang sanggol, ito ay kasawian, kalungkutan at problemang hindi maiiwasan.


Samantala, ang panaginip mo na musmos ka pa, at inaalagaan ka ng iyong ina, ito pahiwatig na magtatagumpay ka sa negosyo at magiging maligaya ang love life mo.


Pero kung may asawa ka na, ito ay babala na hindi magiging stable ang buhay mo sa piling ng iyong asawa, palagi kayong magtatalo kahit na sa maliliit na bagay, at hindi rin magkakaroon ng kapanatagan buhay mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna





 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | June 30, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dante ng Davao.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na sumama ako sa camping ng mga kaibigan ko. Dinala ko ang camera ko, at nag-selfie akong mag-isa. Pero biglang umulan, kaya hindi rin ako nag-enjoy. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Dante






Sa iyo, Dante,


Ang panaginip mo na sumama ka sa camping ng mga kaibigan mo, at hindi ka nag-enjoy dahil biglang bumuhos ang ulan ay nagpapahiwatig na magiging maligaya ang pagsasama n’yo ng magiging asawa mo. 


Samantala, ang dinala mo ang camera, at nag-selfie ka mag-isa ay senyales na papalitan mo na ang kasalukuyan mong trabaho, at mag-a-apply ka ng ibang trabaho na mas magaan at mas malaking suweldo. 



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna




 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | June 29, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorna ng Masbate 


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pinagtaksilan ako ng boyfriend ko, at may iba pa pala siyang girlfriend. Sobra akong nalungkot, at nagkataon pang dumating ang barkada ko. Dinalaw nila ako, at maski sila ay nalungkot din nang malaman nilang niloko ako ng dyowa ko.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Lorna




Sa iyo, Lorna,


Kabaligtaran ang ibig sabihin ng panaginip mo na may ibang girlfriend ang dyowa mo, ito ay nangangahulugan na tapat ang pag-ibig niya sa iyo, at ikaw lang ang tangi niyang mahal. 


Ang nalungkot ka dahil akala mo pinalitan ka na ng dyowa mo sa iba ay pahiwatig na magiging masaya ka sa susunod na mga araw. Sobra kang matutuwa, dahil sa mga pangyayaring nagaganap sa buhay mo.


Samantala, ang dumating ang mga barkada mo at nalungkot din sila, ito ay senyales na magiging masaya sila, at may mga suwerte silang mararanasan. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna




 
 
RECOMMENDED
bottom of page