top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | July 4, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Efren ng Tayabas, Quezon.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na bumili ako ng maraming kastanyas. Pagdating ko sa bahay, kumuha ako ng uling upang maluto ko na ang kastanyas. 

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Efren



Sa iyo, Efren,


Ang bumili ka ng maraming kastanyas, at agad mo itong niluto ay nagpapahiwatig na makakaranas ka ng magagandang bagay, at matatapos na rin sa wakas ang matinding pagsubok na iyong nararanasan. Mapapalitan na ito ng magagandang pangyayari sa susunod na kabanata ng iyong buhay.


Samantala, ang kumuha ka ng uling ay senyales na kikita ka ng malaki sa mga bagay na pinagkakaabalahan mo, at unti-unti ka na ring yayaman.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna








 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | July 3, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Arlene ng Cebu.


Dear Maestra,


Madalas kong mapanaginipan ang aso at ahas. Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?


Naghihintay,

Arlene



Sa iyo, Arlene,


Depende sa aso ang ibig sabihin ng panaginip mo. Kung ang aso ay tumatahol, ito senyales na malalampasan mo ang pinakamalaking pagsubok sa iyong buhay. 


Kung ito ay friendly at kakawag-kawag ang buntot, ito ay nagpapahiwatig na magiging maligaya ka sa darating na mga araw. Sunud-sunod na magagandang pangyayari ang mararanasan mo.


Samantala, ang ahas naman ay sumisimbolo sa kaaway na nagnanais na pabagsakin ka. 

Kung sa panaginip mo napatay mo ang ahas, ito ay nangangahulugan na may kakayahang kang talunin ang iyong mga kaaway. 


Kung may karelasyon o kasama naman ang ahas, ito ay babala ng pagkakaroon ng karibal o kaagaw sa puso ng iyong minamahal. 


Ang ahas ay simbolo rin ng sexual desire, gusto mo nito pero mas nangunguna ang takot at pag-aalala mo. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna







 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | July 2, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorna ng Dasmariñas,  Cavite.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nag-away kami ng kapitbahay ko. Sinapak niya ako, kaya namula ang pisngi ko at nagka-black eye rin ako. Pumunta agad ako sa hospital upang magpa-check up. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko? 


Naghihintay,

Lorna



Sa iyo, Lorna,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nag-away kayo ng kapitbahay mo, sinapak niya ang mukha mo at nagka-black eye ka ay kabaligtaran ang ipinahihiwatig, ito ay nangangahulugan na lahat ng pinaplano mo ay magkakaroon ng kaganapan, at matutupad na rin lahat ng pangarap mo. Kung meron man magtangkang hadlangan ang mga gusto mong mangyari, hindi sila magtatagumpay, at mabibigo lang silang pabagsakin ka.


Samantala, ang pumunta ka sa hospital upang magpa-check up ay nangangahulugan na mas uunlad pa ang negosyo mo, kahit pa sabihing marami kang kakompitensiya.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna






 
 
RECOMMENDED
bottom of page