top of page
Search
  • BULGAR
  • Jul 7, 2024

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | July 7, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Carmen ng Baguio City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na umulan ng snow sa amin. Ilang sandali pa ang lumipas, naging snowstorm na ito, at sa sobrang lamig, nagkasakit ako. 

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Carmen



Sa iyo, Carmen,


Ang ibig ipahiwatig ng panaginip mo na umulan ng snow sa lugar n’yo ay kasaganahan at kaligayahan sa buhay. Sasagana at liligaya na ang kabuhayan n’yo.


Matatapos na rin ang paghihirap mo. Pero ang sabi mo naging snowstorm ito, ibig sabihin makakaranas ka ng mga matitinding pagsubok sa buhay bago mo makamit ang kaginhawahan.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 
  • BULGAR
  • Jul 6, 2024

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | July 6, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rebecca ng Laguna.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na dumating ‘yung bestfriend ko galing abroad. Nakangiti siya sa akin, at binigyan niya ako ng souvenir. Agad naman akong nahiya, kaya bago siya umalis binigyan ko rin siya ng souvenir na alam kong magugustuhan niya. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Rebecca 



Sa iyo, Rebecca,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na dumating ang bestfriend mo galing abroad, at nakangiti siya sa iyo ay susuwertehin ka sa maraming bagay. Maraming magagandang pangyayari ang mararanasan mo sa susunod na mga araw.


Ang binigyan ka niya ng souvenir ay nagpapahiwatig na makakatanggap ka ng nakakagulat na balita mula sa kaibigan mo, at hindi ka na muli pang malulungkot.


Samantala, ang binigyan mo ng souvenir ang bestfriend mo ay senyales ng mabuting kalagayan sa buhay. Bubuti na ang sitwasyon sa paligid mo at madaragdagan pa lalo ang mga tapat at maaasahan mong mga kaibigan.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | July 5, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Bernard ng Masbate.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pumunta ako sa isang siyudad, ngunit naligaw ako dahil first time ko lang nakarating doon. May nakita akong mga batang naglalaro, pero hindi naman ako makapagtanong sa kanila dahil alam kong mga bata pa sila, at sure akong hindi pa nila kabisado ang siyudad na iyon.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Bernard



Sa iyo, Bernard,


Ang panaginip mo na pumunta ka sa isang siyudad at naligaw ka dahil first time mo lang nakarating doon ay senyales na ang kasalukuyan mong pinaplano ay magkakaroon pa ng mga pagbabago.


Samantala, ang nakakita ka ng mga batang naglalaro, pero hindi mo naman sila matanong dahil alam mong ‘di nila kabisado ang siyudad na pinuntahan mo ay nangangahulugan na magtatagumpay ka sa negosyo kahit hirap na hirap ka na, ito rin ay nagpapahiwatig na liligaya ka sa buhay may asawa, at susuwertehin din ang inyong mga anak. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 
RECOMMENDED
bottom of page