top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Nov. 5, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jethro ng Isabela.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na naglalakad ako malapit sa railroad. May nakita akong rabbit, kaya naman hinabol ko ito, at dahil sa kakahabol ko, muntik na akong mahulog sa kumunoy.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Jethro



Sa iyo, Jethro,


Ang ibig sabihin ng naglalakad ka malapit sa railroad ay paglalakbay at pagdating ng matalik mong kaibigan. 


Ang may nakita kang mga rabbit at hinabol mo ito ay nangangahulugang napapaligiran ka ng mga lihim mong kaaway. Pero maiiwasan mo ang mga ito kung mag-iingat at magiging mapagmatyag ka sa iyong paligid. Talasan mo ang iyong pakiramdam, dahil nariyan lang sa tabi-tabi ang mga kaaway mo.


Samantala, ang muntik ka na mahulog sa kumunoy ay babala na malalagay ka sa panganib dahil sa iyong pangit na ugali at pagiging mapagmataas. Kaya naman iwasan mong maging mayabang. 

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna








 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Nov. 3, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jonathan ng Oriental Mindoro.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na sumali kami ng kaibigan ko sa car racing. 


Galit na galit ako sa kanya dahil pakiramdam ko ay ginigitgit niya ako. Hindi nga ko nagkamali, dahil iyon ang nangyari. Kaya naman natalo ako, habang siya naman ay nanalo.  


Pagkatapos ng laban, agad akong umuwi. Habang pauwi ng bahay, bigla namang bumagsak ang malakas na ulan.  


Pero tumigil din naman ang ulan, bago pa ako nakarating sa bahay.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Jonathan



Sa iyo, Jonathan,

Ang ibig sabihin ng panaginip mo na sumali kayo ng kaibigan mo sa car racing ay magtatagumpay ka sa negosyo at susuwertehin ka rin

 sa pag-ibig.


Ang galit na galit ka sa kaibigan mo dahil pakiramdam mo ay ginigitgit ka niya para siya ang manalo ay tanda na mapagkakatiwalaan mo ang iyong kaibigan mo. Tapat at handa ka niyang damayan sa iyong mga problema.  Samantala, ang umuwi ka na agad pagkatapos ng karera, at inabutan ka pa ng ulan ay senyales na makakaranas ka ng kabiguan at pagkabalisa sa buhay. 


Subalit dahil ang sabi mo ay agad din namang tumigil ang ulan bago ka makarating sa bahay mo ay senyales na malalampasan mo rin ang mga pagsubok sa buhay mo. Makakamit mo na rin ngayon ang minimithi at gusto mong marating sa buhay.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna







 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Nov. 1, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rudy ng Quezon Province.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nag-prepare ako ng dinner ko at kumain agad ako. Subalit, bigla akong nakaramdam ng pagkauhaw, kaya naman agad kong kinuha ‘yung container ng tubig ko, pero wala na pala itong laman. Kaya binuksan ko ang refrigerator para kumuha ng malamig na tubig. Mabuti na lang ay may nakita akong mineral water, at iyon ang ininom ko.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Rudy



Sa iyo, Rudy,

Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nag-prepare ka ng dinner ay magiging maligaya ka sa piling ng pamilya mo. 

Ang kumain ka agad pagkatapos mong magluto ay babala na hindi sa lahat ng araw ay magiging maligaya ka. Minsan ay may makakaramdam ka rin ng kalungkutan. Alalahanin mo na ang buhay ay paikut-ikot lang. Kaya mas maganda kung magiging handa ka sa pagbabago ng sitwasyon.

Ang nauhaw ka kaya tiningnan mo ang container ng tubig, subalit wala na pala itong laman ay nagpapahiwatig na matatagpuan mo ang sarili mo na nag-iisa, at walang karamay sa sandali ng kagipitan. 

Ang pumunta ka sa refrigerator, may nakita kang mineral water, at ininom mo iyon ay nangangahulugang liligaya ka sa susunod na mga araw. Mapapawi na ang lungkot mo, at puro kaligayahan naman ang magiging kapalit.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna






 
 
RECOMMENDED
bottom of page