top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 11, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jess ng Tagaytay.


Dear Maestra,


Madalas kong mapanaginipan ang medicine, microscope at mirror. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Jess



Sa iyo, Jess,


Maganda ang ipinahihiwatig kung napanaginipan mo ang medicine, pero kung ang medicine sa panaginip mo ay mapait ang lasa, ito ay nangangahulugan na makakaranas ka ng kaunting pagkainis sa iyong kapaligiran.


Ang microscope ay nagpapahiwatig na matutuklasan mo na ang itinuturing mong matalik na kaibigan ay siya pa lang sumisira sa iyo. 


Kung sumilip ka sa microscope, ito ay babala na maghihiwalay kayo ng dyowa mo, pero ‘wag kang malungkot dahil pansamantala lamang ito. Dahil muli rin siyang babalik sa iyo.


Samantala, ang mirror lalo na kung ikaw ang nananalamin, ito ay babala na malulugi ka sa negosyo lalo na kung hindi mo babaguhin ang diskarte mo. Iwasan mo ring magkuwento sa iba ng mga balak at plano mo sa iyong negosyo, dahil ang panaginip na ito ang babala na isa sa malapit sa puso mo ang magtatangkang sulutin ang negosyo mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna







 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 8, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gerry ng Caloocan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nasentensiyahan ako ng bitay. Noong nakaraan naman, napanaginipan ko na ang dami ko raw hawak na susi, at binigay ko raw ‘yung isa sa karelasyon ko. 


Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?


Naghihintay,

Gerry



Sa iyo, Gerry,


Kabaligtaran ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasentensiyahan ka ng bitay, ito ay nangangahulugan na makakatanggap ka ng malaking halaga, at magkakapera ka sa susunod na mga araw. 


Samantala, ang ibig sabihin na ang dami mong hawak na susi ay magtatagumpay ka sa iyong negosyo. Uunlad ito hanggang sa tuluyan kang yumaman. 


Ang binigay mo ‘yung isang susi sa karelasyon mo ay senyales na magpapakasal na kayo. 


Ang bilang na isa ay sumisimbolo sa pagiging matulungin mo sa iyong kapwa. Kaya lang, kapag ikaw na ang nangangailangan, walang sinuman ang dumadamay sa iyo. 



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna






 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 7, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Robert ng Ilocos Sur.


Dear Maestra,


Muntik na akong bangungutin dahil sa panaginip ko. Napanaginipan ko na niyaya ako ng bestfriend ko sa bukid. Pero, may lihim pala siyang galit sa akin, sinaktan at pinagsusuntok niya ako. Tinulak niya rin ako kumunoy, at kalaunan ay lumubog ako rito. Ilang sandali lang ang nakalipas, nagising na ako habang kinakapos ng paghinga.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Robert



Sa iyo, Robert,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na niyaya ka ng bestfriend mo sa bukid, may lihim siyang galit sa iyo, sinaktan at pinagsusuntok ka niya ay magkakaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan na maaaring mauwi sa matinding away.


Samantala, ang tinulak ka niya sa kumunoy, at tuluyan kang lumubog ay babala na mapapaaway ka dahil sa masasakit mong pananalita laban sa iyong kapwa, at pagpapakita ng pangit na ugali. Iwasan mong magsalita ng masasakit, bagkus baguhin mo ang ugali mo para ‘di ka mapahamak at malagay sa panganib.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna






 
 
RECOMMENDED
bottom of page