top of page
Search
  • BULGAR
  • Aug 18, 2024

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 18, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Nory ng Pasay City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na may nagbigay sa akin ng diamond. Sa sobra kong saya, napasayaw na lang ako bigla kahit na nakapaa lang ako. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Nory



Sa iyo, Nory,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may nagbigay sa iyo ng diamond ay may naghahangad na hindi maganda sa iyo. May balak siyang masama, kaya naman mag-ingat ka para maiwasan mo ang nakaambang kapahamakan.


Ang napasayaw ka kahit nakapaa ka lang ay nagpapahiwatig na masyadong mataas ang mga pangarap mo sa buhay. Mahihirapan kang abutin ang mga ito, lalo ngayong panahon. Huwag ka mangarap ng napakataas upang hindi ka mabigo at masaktan.


Matapat na sumasaiyo

Maestra Estrellia de Luna








 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 17, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Roy ng Zambales.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na kakalabas ko lang ng office, at may bigla akong nakasalubong na lalaking naka-mask. Pinilit niya akong itinutulak pabalik sa loob ng office, hanggang sa matapakan niya ang paa ko. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Roy



Sa iyo, Roy,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may nakasalubong kang lalaki na naka-mask ay isa sa mga kaibigan mo ang hindi tapat sa iyo. May lihim siyang inggit sa puso niya na matagal na niyang kinikimkim. Kunwari lang siyang mabait sa iyo, pero deep inside may sama pala siya ng loob sa iyo.


Ang tinulak ka ng lalaking naka-mask pabalik sa office ay nangangahulugang mababawasan ang pagmamahal at pagmamalasakit sa iyo ng isa sa itinuturing mong matalik na kaibigan.


Samantala, ang natapakan ka niya ay nagpapahiwatig na makakapag-asawa ka ng isang babaeng nabibilang sa mahirap na angkan, hindi marunong sa mga gawaing bahay, makitid ang utak, at hindi malawak ang pananaw sa buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna








 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 15, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rico ng Ormoc.


Dear Maestra,


Madalas kong mapanaginipan ang mapa at magic. Ano ang ibig sabihin nito? May kaugnayan kaya ito sa balak kong pangingibang-bansa?

Naghihintay,

Rico



Sa iyo, Rico,


Kung madalas kang managinip ng mapa, may kaugnayan nga ito sa balak mong pangingibang-bansa. Ito ay tanda na makakapagtrabaho ka roon sa loob ng maraming taon. 


Kung colored ang mapa, ito ay senyales na susuwertehin ka roon at kapag umuwi ka sa ‘Pinas, tiyak na super-yaman mo na. 


Samantala, ang magic ay nangangahulugan ng pagbabago sa iyong kalagayan tungo sa pag-unlad. Aangat na ang kabuhayan mo hanggang sa tuluyan kang yumaman. Ngunit, ito rin ay babala na dapat kang mag-ingat sa mga kaibigan mong mapagkunwari, dahil peke lang lahat ng magandang pakikitungo nila sa iyo, at may binabalak silang masama laban sa iyo na maaaring humantong sa puntong ikakasakit mo. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna







 
 
RECOMMENDED
bottom of page