top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Nov. 13, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni German ng Pampanga.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na may pupuntahan akong event. Ang gusto kong isuot ay ang linen kong damit. Kaya agad kong binuksan ang aparador ko, pero naka-lock iyon kaya hindi ko mabuksan, agad kong kinuha ‘yung duplicate key ko baka sakaling mabuksan ko iyon at sa katagalan nga ay nabuksan ko rin iyon. 

Ano ang ibig ipahiwatig ng panaginip ko?

Naghihintay,

German



Sa iyo, German,


Ang ibig sabihin ng linen ay depende sa kulay nito. Ang puting linen ay nangangahulugan na makakatanggap ka ng mga sorpresang balita. 


Ang colored na linen naman ay nagpapahiwatig na may mamanahin kang pera mula sa yumao mong mahal sa buhay.


Pero kung ang linen ay lukut-lukot, ito ay babala ng kabiguan sa buhay.


Samantala, ang naka-lock ‘yung aparador mo, hindi mo na ito mabuksan ay nangangahulugang may paparating na magbigat na problema sa iyong buhay.

Ang nabuksan mo ang aparador gamit ang duplicate key ay senyales na malalagpasan mo ang mga hadlang sa iyong mga pangarap. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna






 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Nov. 11, 2024



Analisahin po natin ang panaginip na ipinadala ni Gertrudes ng Zambales.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na bumalik ako sa pagiging sanggol, pero agad din naman akong naging teenager. 


Ano ang ibig ipahiwatig ng panaginip ko?

Naghihintay,

Gertrudes



Sa iyo, Gertrudes,


Ang ibig sabihin ng bumalik ka sa pagiging sanggol ay pangit na kapalaran.

Subalit, ang sabi mo ay ang naging teenager ka rin naman agad ay senyales na magiging masaya ka sa iyong kapaligiran, at mas dadami pa ang mga manliligaw mo ngayon. Isa pa, makakaranas ka rin ng kaligayahan habang bumubuo ka ng masayang pamilya. 

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna










 
 
  • BULGAR
  • Nov 9, 2024

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Nov. 9, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni David ng Sampaloc, Manila.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pumunta ako sa farm at may nadaanan akong bulaklak ng lily at lilac.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

David



Sa iyo, David,


Ang ipinahihiwatig ng lily ay magiging successful ka sa buhay. Susuwertehin ka rin sa negosyo at sa pag-aasawa. 


Ang lilac naman ay senyales ng kayamanan. Maaari kang tumama sa lotto o kaya naman ay may makatanggap ng mga ari-arian. 


Samantala, ang farm ay nangangahulugan ng good health. Kung may iniinda kang sakit ngayon, tiyak na ‘di rin iyan magtatagal. 

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna









 
 
RECOMMENDED
bottom of page