top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Oct. 3, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Imelda ng Capiz.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na namasyal kami sa Taal Lake, at may nakita akong mga tupa roon. 

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Imelda


Sa iyo, Imelda,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na namasyal kayo sa paligid ng Taal Lake ay depende kung maganda ba ang paligid nito.


Kung maraming sariwang halaman at damo sa paligid, ito ay nagpapahiwatig ng maligayang buhay, tagumpay sa negosyo, at karangalan. Isa pa, susuwertehin ka rin sa pag-ibig at pag-aasawa.


Sa kabilang dako, kung marumi ang paligid, maputik, malabo ang tubig sa lake at ‘di kaaya-ayang tingnan, ito ay babala ng kaguluhan, at mga ‘di maiiwasang problema sa

buhay.

Samantala, ang may nakita kang mga tupa ay senyales na makakapag-asawa ka ng lalaking mabait, mahinahon, at mapagmahal. 

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna














 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Oct. 2, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Roy ng Masbate.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pinasok ng magnanakaw ang bahay ko. Nagpaputok siya ng baril, kaya naman agad kong kinuha ‘yung kutsilyo para panangga ko kung sakaling gipitin niya ako. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Roy 


Sa iyo, Roy, 


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may magnanakaw na nakapasok sa bahay mo ay mawawalan ka ng mahahalagang ari-arian.


Ang nagpaputok siya ng baril ay nangangahulugan na may matatanggap kang masamang balita riyan sa lugar n’yo.


Samantala, ang kinuha mo ang kutsilyo mo bilang panangga sa magnanakaw ay nagpapahiwatig na mayroon kang mga kaaway sa mga paligid mo. Ito rin ay senyales na mabibigo ka sa pag-ibig, at malulugi ka sa negosyo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna













 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Oct. 1, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Donato ng Zambales.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pumunta ako sa ilog. Naisipan kong maligo, pero pinulikat ang binti ko, at unti-unti akong lumubog hanggang sa muntik na akong malunod. 

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Donato



Sa iyo, Donato,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na pumunta ka sa ilog ay depende kung malabo o malinaw ang tubig sa ilog.


Kung malabo ang tubig, at parang may putik ito ay nangangahulugan na makakaranas ka ng paghihirap sa buhay. 


Kung malinaw ang tubig, at payapa ang alon, ito ay senyales ng kaligayahan at pag-unlad sa buhay.


Ang naisipan mong maligo ay nangangahulugan na nag-aalala ka sa isang bagay na hindi pa nangyayari, pero iniisip mo na agad ang kahihinatnan. 


Samantala, ang pinulikat ang binti mo ay senyales na magbabago na ang takbo ng iyong buhay, at gaganda na ang kapalaran mo.


Ang unti-unti kang lumubog, hanggang sa muntik ka na malunod ay babala na palihim kang sinisiraan ng itinuturing mong kaibigan. Mabait siya kapag kaharap ka, pero hindi pala talaga siya mapagkakatiwalaan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna












 
 
RECOMMENDED
bottom of page