top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Oct. 6, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Loida ng Mandaluyong.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na namasyal kami ng dati kong kaklase sa probinsya. Ang ganda ng tanawin, ang daming palm tree, at ang dami ring prutas gaya ng peach, pears, at pineapple.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Loida 



Sa iyo, Loida,


Ang ibig sabihin ng namasyal kayo sa probinsya, at nakakita kayo ng magandang tanawin ay yayaman na kayo, at magtatagumpay din kayo sa mga gawaing spiritual.

Ang peach ay nangangahulugan ng kaligayahan sa pag-ibig, tagumpay sa negosyo, at mga kaibigan na maaasahan sa sandali ng kagipitan.


Ang pears naman ay nagpapahiwatig na lalago na ang inyong negosyo. Marami kang kikitain, at tuluy-tuloy ka nang yayaman. Ito rin ay senyales na magiging maligaya ka sa pag-ibig. 


Samantala, ang pineapple ay may kaugnayan naman sa pag-aasawa, kung wala ka pang asawa, ngayon mo na matatagpuan ang magiging kaagapay mo habambuhay. Subalit kung may asawa ka na, makakatanggap ka naman ngayon ng wedding invitation. Magiging masaya ang kasalang dadaluhan mo, at mag-e-enjoy ka nang husto.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna




 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Oct. 5, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Danny ng Roxas City.


Dear Maestra, 


Napanaginipan ko na dumungaw ako sa bintana namin.

May dala akong telescope. Nang sumilip ako sa telescope, may nakita akong mga parrot na nagliliparan. Ang ganda ng pakpak nila, kumikislap at nag-iiba-iba pa ang kulay nito. 

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Danny 


Sa iyo, Danny,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na dumungaw ka sa bintana ay nag-aalala ka, tungkol sa pagkakaibigan n’yo. Pinagdududahan mo siya kung tapat nga ba ang pag-ibig niya sa iyo. Pero sa totoo lang, mali ang hinala mo, dahil siya pa nga ang pinakamaaasahan mo. 

Ang sumilip ka sa telescope ay nangangahulugan na makakatanggap ka ng balita na siyang magpapabago sa takbo ng buhay mo.


Samantala, ang may nakita kang parrot ay nagpapahiwatig ng paglalakbay sa malayong lugar. Doon mo na rin matatagpuan ang babaeng magpapatibok sa iyong puso. 

Ang parrot na kumikislap ang pakpak ay tanda na may kaibigan kang bakla. 


Matapat na sumasaiyo

Maestra Estrellia de Luna






 
 
  • BULGAR
  • Oct 4, 2024

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Oct. 4, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dexter ng Olongapo City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na may nagbigay sa akin ng coins. Bagung-bago at nagkikislapan pa ito. 

Kaya naman, naisipan kong pumunta sa pawnshop para itanong kung puwede ba iyon isanla. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Dexter


Sa iyo, Dexter,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may nagbigay sa iyo ng coins ay kakapusin ka sa pera, at budget mo.


Ang bagong coins ay nagpapahiwatig na pansamantala ka lang mawawalan ng pera. Hindi ito magtatagal, dahil tiyak na magagawan mo rin ito agad ng paraan.


Samantala, ang naisipan mong pumunta sa pawnshop para itanong kung puwedeng isanla ang mga coins ay babala na mawawalan ka ng mga ari-arian. 


Pero kung nagtatrabaho ka, at naghahangad ng promotion, mabibigo ka, dahil kailanman ‘di ka mapo-promote.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna









 
 
RECOMMENDED
bottom of page