top of page
Search

ni Seigusmundo Del Mundo - @Panaginip, salamin ng inyong buhay | August 29, 2020



Salaminin natin ang panaginip ni Dindo na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor,


Napanaginipan ko ‘yung puno ng mangga sa harap ng bahay namin na palagi kong inaakyat dahil maraming bunga at nakita kong nahuhulog ‘yung mga dahon at napakaraming tuyong dahon sa lupa.


Sabi ko, hindi na ko makakakuha ng mangga dahil namatay na yata ‘yung puno, saka ako nagising.


Naghihintay,

Dindo


Sa iyo Dindo,


Sa ngayon, madalas nating marinig ang tinatawag na “new normal” dahil magbabago na ang takbo ng buhay pagkatapos ng COVID-19 pandemic at kahit ngayong may pandemya ay marami nang nagbago.


Ang totoo, kahit anong new normal, may kaugnayan man sa COVID o wala, ang ibig sabihin ay may dati at kasalukuyang “normal” o nakasanayan at ang new normal na parating ang papalit sa ating mga nakasanayan noon.


Ibig sabihin, mawawala na ang lahat at mapapalitan ng bago. Ang prosesong ito ng buhay ay inilalarawan mismo ng mga halaman na nahuhulog, as in, nalalagas ang mga dahon upang mabigyang-daan ang bago at sariwang mga usbong.


Ang panaginip ay ganundin ang mensahe—may mga mawawala sa iyo, may aalis at lalayas, pero wala kang dapat ikalungkot dahil ang lahat ay kailangang mangyari nang mabigyang-daan ang pagdating ng iyong mga bagong kapalaran.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
RECOMMENDED
bottom of page