top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | September 1, 2024


Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN


  1. Matandang dalaga na ako, at magpo-49 na ako sa darating na ika-5 ng Nobyembre. Tapos ko nang pag-aralin ang aking mga pamangkin, at nag-focus din ako noon sa aking trabaho. Kaya naman nakalimutan ko rin ang sarili ko. I mean, hindi ko natutukan ang pag-ibig at pakikipagrelasyon noong mga panahong ‘yun.

  2. May boyfriend ako, half-Chinese siya at may pagkaseloso, kaya naman madalas din kaming magtalo dahil sa attitude niya. Ang nangyayari tuloy, para kaming aso’t pusa, pero hindi pa naman kami naghihiwalay dahil sa tuwing humuhupa ang sama ng loob namin sa isa’t isa, nagkakabati rin naman agad kami.

  3. Maestro, siya na ba ang lalaking makakasama ko habambuhay? Iniisip ko kasi na kung tuluyan kaming magkakahiwalay, baka wala nang ibang lalaki na dumating sa buhay ko. 

  4. Ano sa palagay n’yo, makakapag-asawa pa kaya ako o siya na talaga ang itinakda na makakasama ko habambuhay? October 26, 1970 ang birthday niya at mas matanda siya sa akin nang apat na taon.


KASAGUTAN


  1. Sa panahong may edad na ang indibidwal, masasabing mahirap maubusan ng lalaki at kung minsan nga, nauubusan talaga ng lalaki ang babaeng pihikan sa pagpili ng mapapangasawa.

  2. Kaya pansinin at bigyang halaga, na sadyang tugma ang zodiac sign n’yong pareho kayong Scorpio, gayundin ang birth date mong 14 o 5 (ang 14 ay 1+4=5) sa birth date na 26 0 8 (ang 26 ay 2+6=8) ng boyfriend mo.

  3. Kung saan, ang birth date mong 5 ay tugma sa birth date niyang 8. Kung saan, sa pagnenegosyo kayo kikita at tiyak na yayaman.

  4. Ibig sabihin sa pag-aanalisang Astro-Numerology walang duda, sadyang tugma at compatible talaga kayong dalawa, at sobrang laki ng posibilidad na maaaring kayo na nga ang magkatuluyan sa malapit na hinaharap.

  5. Kapansin-pansing din na itinakda sa iyo ng kapalaran na ang mapangasawa mo ay ang lalaking kasalukuyan mong karelasyon ngayon na madali namang kinumpirma at pinatunayan ng tuwid, mahaba at makapal na kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kung sino ang karelasyon mo ngayon, siya na nga ang nakatakda mong mapangasawa at makasama habambuhay na madali namang kinumpirma at pinatunayan ng maganda, walang bilog at malinaw na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, noon pa man ay may pangako na sa iyo ang kapalaran ng maligaya at panghabambuhay na relasyon na kahit sabihin pang madalas kayong mag-away, balewala ‘yun dahil habang tumatanda kayo, mapagpapasensiyahan n’yo rin ang isa’t isa hanggang sa tuluyan na kayong magkasundo at wala nang pamimilian pa kundi ang magmahalan kayo habambuhay.


MGA DAPAT GAWIN


  1. Ayon sa iyong mga datos, Criselda, kasal man kayo o hindi, nakatakda na ang magaganap. Kayo na ang magsasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya na nakatakdang mangyari sa susunod na taon, sa edad mong 50 pataas at 54 naman ang karelasyon mo, na siya na ngang kaisa-isang lalaking itinakda sa iyo ng kapalaran upang makasama mo habambuhay na magsisimulang mangyari at maganap sa buwan ng Hunyo sa susunod na taong 2025.



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | August 29, 2024



Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN

  1. Ano ang ibig sabihin ng Travel Line na malawak sa simula, ngunit unti-unting kumurba pasikip malapit sa Life Line. Paki-tingnan na lang ang aking mga palad, ganyan kasi ang nakikita ko.

  2. Kasalukuyan akong nag-a-apply bilang seafarer, matatanggap kaya ako sa barko at makakapag-abroad?


KASAGUTAN

  1. Kapag ang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a. at b.) ay dating malawak o maluwag, ngunit biglang sumikip o lumiit (arrow b.), ito ay maliwanag na tanda na sa unang taon, sa ikalawa hanggang ikatlong taon ng pangingibang-bansa, susuwertehin ka o ang iyong asawa.

  2. Ngunit paglipas ng takdang panahon habang sinusuwerte ka abroad, tulad ng nasabi na, hindi kamalasan ang susunod. Sa halip, ang dating tinamasa n’yong suwerte ay hindi na kasing-suwerte sa darating na panahon kung ikukumpara sa mga nauna o sa dating mga pangingibang-bansa.

  3. Ibig sabihin, susuwertehin at papalarin ka talaga sa abroad sa isa hanggang ikatlong pagkakataon, ngunit pagpasok ng ika-apat na taon, unti-unti nang liliit ang iyong kinikita dahil sa mabilis na paglaki ng mga bata, at pagdami ng mga gastusin ng pamilya. Samantalang mabagal naman ang magiging pagtaas ng iyong suweldo o income. Kaya ang mangyayari, sa panahong tinuran ay hindi na masyadong magiging maalwan ang kabuhayan ng inyong pamilya. Kaya ang maganda mong gawin habang malakas pa ang kinikita sa panahon ika’y nasa abroad, mag-ipon ka nang mag-ipon upang kapag humina na ang inyong income sa pangingibang-bansa ay may madukot o may mapuhunan ka kung magbabalak kayong mag-negosyo at tuluyan nang tumigil sa pag-a-abroad.


MGA DAPAT GAWIN

  1. Samantala, ayon sa iyong mga datos, Jemuel, tiyak ang magaganap— matutuloy ka sa binabalak mong pangingibang-bansa, sa taong kasalukuyan, sa buwan ng Oktubre, at edad mong 31 pataas. Ngunit pagkatapos ng isa, dalawa o tatlong taong masaganang pag-a-abroad, pagsapit ng ika-apat na taon, bagama’t, makakapag-abroad ka pa rin, liliit na ang halaga ng iyong kinikita kaya mapipilitan kang tumigil.

  2. Sa sandaling nag-retire o umayaw ka na, ang negosyong grocery o tindahan ng bigas sa palengke at iba pang matataong lugar (Drawing A. at B. N-N arrow c.) sa nasabing kalakal, tiyak ang magaganap sa taong 2031, sa edad mong 38 pataas. Sa pamamagitan ng nasabing mga negosyo, magsisimula na muling lumago ang iyong kabuhayan hanggang sa tuluy-tuloy nang umunlad at yumaman ng inyong pamilya (Drawing A. at B. H-H arrow d.).



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | August 25, 2024


Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN


  1. Mahirap lang kami, kaya naman nais kong malaman kung may pag-asa ba akong umunlad sa buhay?

  2. Maestro, gusto ko rin sanang malaman kung may guhit ba ng pagyaman sa aking palad? Kung sakaling mayroon, sa paano paraan naman kaya ito matutupad?

 

KASAGUTAN


  1. May guhit ng aliwalas na Travel Line at may Guhit ng Negosyo (Drawing A. at B. t-t arrow a. at N-N arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, may pag-asa ka pang makaahon sa kahirapan hanggang sa unti-unting umunlad sa pamamagitan ng dalawang bagay. Una, makakapaglakbay ka at pagkatapos, kapag may naipon ka na, makakapagtayo ka rin ng negosyo hanggang sa unti-unti itong umunlad.

  2.  “Umunlad” lang ang binabanggit nating salita dahil hindi ito guhit ng pagyaman, sapagkat ang Head Line (Drawing A. at B. H-H) sa kaliwa at kanan mong palad ay natagpuang sloping o pakurbang pabilog na Head Line (arrow c.). Ito ay tanda na sa panahong medyo maunlad ka na at hindi ka masyadong magiging materyoso at dahil hindi ka magkukuripot sa iyong mga kasambahay, kamag-anak at kakilala. Sa bandang huli, imbes na yumaman, makakaalpas sa iyong mga kamay ang pagkakataong ito hanggang sa sumapit ang kalagayan ng iyong buhay na masasabing hindi ka mahirap at hindi rin mayaman, bagkus nasa middle class ka lang. Kumbaga, hindi ka kinakapos at may kaunting ipon para sa emergency o para sa future ng iyong pamilya.


MGA DAPAT GAWIN


  1. Habang ayon sa iyong mga datos, Ghelyn, uunlad ang buhay mo dahil sa pag-a-abroad at pagnenegosyo, pero huwag ka umasang yayaman ka dahil hindi mo magiging ugali ang labis na paghahangad sa salapi.

  2. Gayunman, dahil habang may buhay, may pag-asa, masasabing kung sisimulan mo nang ugaliin ang mga katangiang nakikita sa mga mayaman na tulad ng pagiging kuripot at labis na pagmamahal sa salapi, tiyak ang magaganap, sampung taon mula ngayon, sa 2034, hindi lang pag-unlad kundi pati na rin ang pagyaman ang makakamit mo sa edad mong 48 pataas.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page