top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | June 19, 2023




KATANUNGAN

  1. Maestro, parehong straight ang Head Line naming mag-asawa, at base sa inyo, ito ay senyales ng pagyaman, pero bakit ganu’n, 44-years-old na ako, at may apat na anak. Empleyado lang ako sa isang government agency habang supervisor naman ang misis ko sa isang department store pero ba’t hindi pa rin kami yumayaman?

  2. Gusto ko sanang malaman kung may pag-asa pa kaya kaming yumaman at sa paanong paraan?

KASAGUTAN

  1. Tunay ngang kapag straight ang Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) sa kaliwa at kanang palad, tulad ng nakikita sa picture, ito ay nagbabadya ng kasinupan sa kabuhayan, materyoso at praktikal. Kung saan, kailangan ding makita ang iyong palad o masalat kung ito ba ay malaman, o matambok.

  2. Ang pagiging malaman at matambok kasi ng palad, ay sukatan ng enerhiya o lakas kung ang iyong mga pangarap at iniisip sa buhay ay iyong maisasakatuparan.

  3. Kaya kung malaman, matambok, o tumatalbog-talbog kapag sinalat ang iyong kaliwa at kanang palad, tiyak ang magaganap. Sa takdang panahon na inilaan ng kapalaran, ituloy mo lang ang iyong ginagawa sa kasalukuyan, dahil makakamit niyo ring mag-asawa ang pag-unlad ng kabuhayan hanggang sa tuluyan na kayong yumaman.

DAPAT GAWIN 1. Ayon sa iyong datos, Charlie, tiyak ang magaganap, kung tunay ngang straight ang Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) ng kaliwa at kanang palad niyo ni misis. Walang duda, sa pamamagitan ng negosyong may kaugnayan sa pagkain o mga pangunahing pangangailangan ng mga tao, sa taong 2032, sa edad mong 53 pataas – magsisimula na kayong umunlad, hanggang sa lumago nang lumago ang inyong negosyo at hindi na mapipigilan pa hanggang sa tuluyan na ring yumaman ang inyong pamilya.


 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | June 18, 2023





KATANUNGAN

May nanliligaw sa akin, torpe ito at ayaw akong kausapin sa personal, sa text lang kami nagkakausap at nagpapadala ng kung anu-anong gift sa akin. Naiinis ako kasi ‘di niya ito maibigay ng personal.

2. Nagulat ako, Maestro, dahil may nakapagsabi sa akin na may nililigawan din pala ito bukod sa akin. Bakit siya ganun? Ano ang gagawin ko, hahayaan ko na lang ba siyang mapunta sa ibang babae kahit na gusto ko rin naman siya?

3. Posible kayang maging kami at nakaguhit kaya siya sa aking palad na magiging first boyfriend ko?

KASAGUTAN

  1. Minsan ay wala tayong magagawa sa ugali ng iba, dahil mahirap itong baguhin. Pero may isa tayong magagawa sa ugali natin, dahil ito ay kaya nating baguhin. Ganu’n ‘yon.

  2. Halimbawa, ‘yang torpe mong manliligaw, malabo ng magbago ‘yan o matatagalan pa bago lumakas ang kanyang loob, dahil likas ngang mahiyain at torpe, lalo na kapag ikaw na siguro ang kaharap.

  3. Pero sa kabila ng lahat “Itong mga torpe at sobrang mga mahiyaing ito, paano kaya sila nagkaka-girlfriend at ‘yung iba ay nakapag-asawa pa?” Sa totoo lang, ‘yung ibang mga torpe, at takot sa babae ay tumatandang binata. Pero iyong iba, nakakapag-asawa at nagkakaroon ng masayang pamilya. Paano nangyari ‘yon, eh samantalang saksakan at ubod nga sila ng torpe at hindi magawang makipag-usap sa isang babae?

Nangyaring gano’n, dahil sa katotohanan, may mga babae na nanliligaw din. ‘Ika nga may mga babaeng pasimpleng nagpapa-flirt sa mga lalaking kanilang natitipuhan.

  1. Hindi ko naman sinasabing ganito ang iyong gawin at magpa-flirt o landiin mo ng husto ‘yang torpeng manliligaw mo na gusto mo rin naman pa lang maging boyfriend. Sa halip, ang sinasabi natin ay pa-flirt na ‘wag namang obvious kundi pasimple lang kumbaga.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Samanta, Eva Marie, ayon sa iyong mga datos, anuman ang gawin mo, magpa-flirt ka o manatiling babaeng Pilipina, kayo na nga ng manliligaw mong torpe ang posibleng maging magkasintahan sa hinaharap.

  2. Ito ang nais sabihin ng kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na ang unang pag-ibig ang siya na ring maging huli na madali namang napatunayan ng magandang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad na nagsasabing walang kabiguan o panghihinayang na relasyong itatala sa iyong karanasan, bagkus ang unang pag-ibig ay siya na ring kahuli-hulihang magdudulot ng isang maligaya at panghabambuhay na pagmamahalan.


 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | June 17, 2023





KATANUNGAN


  1. May boyfriend na ako, kaya lang ay may nagugustuhan pa akong isang lalaki. Hindi alam ng nobyo ko na may relasyon na kami ng lalaking natitipuhan ko. Itago na lang natin siya sa pangalang ‘Jhodel’, alam nitong may bf ako, at okey lang umano sa kanya.

  2. Sino kaya sa dalawang lalaking ito ang mapapangasawa at makakasama ko habambuhay na magbibigay sa akin ng suwerte at magandang kapalaran?

September 19, 2000 ang birthday ni Jhodel habang ang boyfriend ko ay November 9, 2001 at October 10, 2002 naman ang birthday ko.


KASAGUTAN

  1. Maharot ang tawag sa mga babaeng may boyfriend na ngunit nakikipagrelasyon pa rin sa ibang lalaki. Ayon sa guhit ng iyong palad, wala sa kanilang dalawa ang nakatakdang makakatuluyan mo, ito ang nais sabihin ng nabiyak, at halos naimbalidong unang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Pansamantala ka lamang mamomroblema, kung tutuusin, mabuti ay hindi itong totoong problema dahil unconsciously o wala sa loob mo, masaya ka pa ngayon dahil dalawa ang boyfriend mo, at feeling mo ang ganda-ganda mo kahit hindi naman totoo.

  3. Ito rin ang tunay na dahilan kung bakit maraming mister na bukod sa may asawa at pamilya na ay nambabae pa. Kasi nga habang sila’y nagkaka-edad, at nag-aamoy lupa, may mga babae pa ring nahuhumaling at pumapatol sa kanila.

  4. Sa ganitong sitwasyon ng buhay, unconsciously o wala sa loob, lalo silang nagiging lalaking-lalaki sa panahong niloloko nila ang kanilang mga misis o dyowa.

  5. Ganundin ang nararanasan ng isang misis na nanlalaki. Sa kabila ng may edad na siya, feeling niya tuloy sexy at maganda pa rin siya kahit amoy sibuyas na, ngunit ‘di niya iyon namamalayan, dahil pineperahan lang pala siya noong lalaking nagtiis pumatol sa kanya.

  6. Ngayon mabalik tayo sa sitwasyon mo, Katherine, ganu’n ka rin ngayon. Feeling mo ay ang ganda-ganda mo at pinagkakaguluhan ka, na sa bandang huli ay maaari pang pag-awayan ng dalawang lalaking boyfriend mo sa kasalukuyan.

  7. Kaya lang ang ikalawang mas malinaw, mas mahaba at mas matino na Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad ang nagsasabing sa takdang panahong inilaan ng kapalaran kusa ring mawawala sa iyong piling ang dalawang lalaking karelasyon mo ngayon, ang pagsulpot ng ikatlo at mas matinong lalaki sa iyong karanasan, mauuwi na rin ang relasyong nabanggit sa isang hindi pinaghandaang pag-aasawa, sapagkat sa panahong iyon mararamdaman mong may edad ka na at sa sakto sa panahong nabanggit, iisipin mong dapat ka na ngang magkaroon ng sariling pamilya hanggang sa tuluyan ka ng mag-asawa.

MGA DAPAT GAWIN


  1. Sabi nga ng mga makasalanan, “Kung ano ang bawal ‘yun ang masarap!” Pero sa totoo lang, sa umpisa lang ito, dahil sa bandang huli, ‘yung mga bawal na masarap ang magdudulot sa atin ng mabigat at malaking problema sa hinaharap.

  2. Ayon sa iyong datos, Katherine, ngayon lang mananatili ang pagkakaroon mo ng dalawang boyfriend sa iisang panahon, dahil sa susunod na taong 2024, sa buwan ng Pebrero tuluyan ng matutuldukan ang iyong kahangalan. Takda ng parehong mawawala ang dalawa mong boyfriend, upang sa ikatlong pakikipagrelasyon sa isang lalaking nagtataglay ng zodiac sign na Aquarius, titino ka na siya na rin tuluyan mong mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page