top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | July 5, 2023





KATANUNGAN

1. May boyfriend ako at siya ang first boyfriend ko. May nangyari na sa amin. Nais ko sanang malaman kung siya na kaya ang makakatuluyan ko, kahit na dalawa ang Marriage Line sa kaliwa at kanan kong palad?

2. Kung hindi pa siya ang makakatuluyan ko, may lalaki pa kayang darating na magmamahal at magpapakasal sa akin kahit hindi na ako virgin?

KASAGUTAN

1. Wala namang kaugnayan ang virginity sa itinakdang tadhana o kapalaran ng isang babae lalo na sa katulad mong maganda at bata pa. Minsan kung ano pa ang nakatakda, ‘yun pa ang hindi nagaganap.

2. Kapansin-pansin ding maraming mga babae na dati ng may asawa ang naghihiwalay at nakakapag-asawang muli, ang iba naman ay paulit-ulit pa ngang nakapag-asawa ng maraming beses, ‘yun pa kayang nawalan lang ng virginity ang hindi na makapag-aasawa?

3. Ibig sabihin, kahit hindi ka na virgin, walang dahilan o hindi hadlang ‘yun para ikaw ay hindi makapag-asawa at magkaroon ng isang masaya at panghabambuhay na pamilya as long as may matino at maganda ka namang Marriage Line sa kaliwa at kanan mong palad.

4. Sa kaso mo, Jasmine, kapansin-pansing nabiyak o pumangit ang unang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, na nangangahulugang hindi ang una mong boyfriend o ang una mong nakarelasyon ang iyong makakatuluyan.

5. Bagama’t magiging meaningful at mahalaga ang kasalukuyang relasyon sa bandang huli ay mauuwi rin ang nabanggit na samahan sa paghihiwalay upang bigyang daan ang pagdating ng ikalawang mas maganda at mas malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M. arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad na nagpapahiwatig ng isang mas masaya at mas tagumpay na relasyon na hahantong sa isang panghabambuhay na pagpapamilya.

DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos, Jasmine, bagama’t sa kasalukuyan ay iinit pang lalo ang relasyon n’yo ng boyfriend mo, sa bandang huli ay mauuwi rin ito sa biglaang paghihiwalay, upang pagpasok ng susunod na taong 2024, sa edad mong 25 pataas, isang bagong pag-ibig at pakikipagrelasyon ang darating na hatid ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Gemini. Hindi mapapasubalin ang nakakda, ang ikalawang pakikipagrelasyong ito (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) ang siya na ngang mapapangasawa mo at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya, na nakatakdang mangyari at maganap sa taong 2026 sa edad mong 27 pataas.


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | July 1, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rosita ng Aklan.

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na gumawa ako ng iba't ibang klase ng jam. Noong natapos akong magluto ay tinikman ko agad ito. Binigyan ko rin ang aming kapitbahay, at sama-sama kaming kumain. Ginawa rin naming itong palaman sa tinapay.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Rosita

Sa iyo, Rosita,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na gumawa ka ng iba't ibang klase ng jam, ay may dadaluhan kang kasalan. Magiging isa ka sa mga sponsor ng ikakasal. Ang tinikman mo ito pagkaluto mo ay nagpapahiwatig na makakaranas ka ng pansamantalang kalungkutan dahil hindi mo nakamit ang minimithi mo.


Ang binigyan mo ang mga kapitbahay mo, ay babala na mag-ingat ka sa iyong mga kapitbahay, dahil may lihim silang inggit sa iyo.


Samantala, ang sama-sama kayong kumain, pinalaman niyo ito sa tinapay, ay senyales na magkakaroon ka ng mga bagong kaibigan na maaasahan mo sa sandali ng kagipitan. Handa silang damayan ka sa iyong mga pangangailangan.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | July 1, 2023





KATANUNGAN


1. Almost three years kaming nagsama ng ex-live-in partner ko, isinilang siya noong Pebrero 3, 1989.

2. Ang buong pag-aakala ko ay hindi na kami magkakahiwalay, pero natuklasan kong may kinalolokohan pala siyang ibang babae na nakilala niya sa social media. Kinumpronta ko siya at hindi naman niya ito itinanggi na mayroon na siyang ibang ka-relasyon.

3. Ang masakit pa, kasi mula noong magkasagutan kami, hindi na siya umuwi sa amin at nag-text siya na kalimutan ko na raw siya at humihingi ito ng sorry.

4. Panigurado ay nagsama na sila ng babae niya at ‘yung mga account nila sa social media ng babae niya ay deactivated ngayon. Maestro, sa palagay mo ba nagsasama na sila at hindi na kaya siya babalik sa akin?

5. Kung hindi na siya babalik magkakaroon pa kaya ako ng lalaking makakasama ko habambuhay?

6. Wala na kasi akong ganang umibig pang muli, dahil hanggang ngayon ay ‘di pa rin ako makapaniwala na sa isang iglap ay magagawa niya sa akin ‘yun.

  1. Kung muli akong magkakaroon ng nobyo kailan kaya ito mangyayari at baka may chance pang bumalik ‘yung ex ko. Matapos kasi siyang mag-text sa akin at humingi ng sorry ay nagpalit na rin siya ng number. Ang birthday ko ay Mayo 2, 1990

KASAGUTAN

1. Huwag ka nang malungkot, Marichu, dahil bukod sa hindi naman tugma ang zodiac sign mong Taurus sa zodiac sign niyang Aquarius, ang birth date mong 2 ay hindi rin naman suweto sa birth date niyang 3. Ibig sabihin, parang nakatagpo na talaga na magkakahiwalay kayo, na kinumpirma at pinatunayan ng malaking bilog sa Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda ng isang malalang kabiguan sa pag-ibig na hindi basta-basta nahihilom.


2. Ang pag-aanalisang hindi na babalik ang dating ka live-in-partner mo ay madali namang kinumpirma ng nabiyak na unang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin tulad ng nasabi na, nakatakda na nga sa kapalaran mo ang makaranas ka ng isang matinding kabiguan sa larangan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon, subalit hindi mo naman dapat ikalungkot ng labis ang nasabing kabiguan, dahil kapansin-pansin din naman ang ikalawang mas mahaba at mas makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay tanda na sa ikalawang pag-ibig at ikalawang pakikipagrelasyon mo na darating sa takdang panahon na inilaan sa iyo ng kapalaran, may isang masaya at panghabambuhay na pag-ibig na itatala sa iyong karanasan.

DAPAT GAWIN

Marichu, ang kalungkutan na iyong nararamdaman ngayon, ay pansamantala lamang at lilipas din, dahil ayon sa iyong datos, ngayong taon ding ito, sa edad mong 33 pataas, sa buwan ng Oktubre o kaya’y Nobyembre, darating na ang ikalawang lalaking makaka-relasyon mo na isinilang sa buwan ng Disyembre, na siyang itinakda ng kapalaran na makakasama mo sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya, (Drawing A. at B. 2-M arrow c.).


 
 
RECOMMENDED
bottom of page