top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | July 17, 2023

KATANUNGAN

  1. Maestro, may itatanong lang ako ukol sa aking Palmistry. Ano ba ang ibig sabihin kapag dalawa ang Fate Line? Huminto kasi 'yung isang Fate Line ko, samantalang nagpatuloy naman ang ikalawa.

  2. Ibig sabihin ba nito ay mawawalan ako ng trabaho? Sa ngayon kasi ay nagtatrabaho ako bilang security guard at napakaraming chismis ang ibinabato sa akin, sinisiraan ako ng mga kapwa ko security guard sa aming amo, tila ba'y naiinggit sila dahil malapit na ako maging supervisor.

  3. Ang gusto ko lang malaman ay kung mapo-promote ba ako kahit maraming naiinggit at naninira sa akin?

KASAGUTAN

  1. Kapag dalawa ang Fate Line na tinatawag ding Career Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) at magkasabay itong gumuhit sa kaliwa at kanang palad, ito ay nangangahulugang dalawang hanap-buhay o dalawang pagkakakitaan ang sabay mong maaaturga sa isang partikular na panahon sa iyong buhay. Ito rin ay nangangahulugang magiging dalawa o kasalukuyang dalawa ang source of income mo.

  2. Pero sa kaso mo, hindi naman ito sabay, bagkus nag-overlapping lang ang nasabing dalawang Fate Line (arrow a. at b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ang ibig sabihin nito ay maaaring kang mawalan ng trabaho pero pansamantala lamang ito at sa bandang huli ay mare-realized mo na hindi ka talaga nawalan ng trabaho, bagkus ay nagpalit ka lang ng trabaho o hanap-buhay na mas higit at mas magandang posisyon.

  3. Kung saan, dahil pareho namang malinaw at makapal ang nag-overlapping na Career Line (arrow a. at b.) tulad ng naipaliwanag na, mawalan ka man ng hanap-buhay ngayon, hindi ka dapat matakot o mangamba, dahil tulad din ng naging buhay ni Job na nakasulat sa Bible, nawala sa kanya ang lahat ng kanyang kayamanan, gayundin ang kanyang mga anak, ngunit dahil likas at talagang mahal siya ng Diyos, bandang huli ibinalik lahat ng Diyos kay Job ang lahat ng bagay na nawala sa kanya, siksik-liglig, umaapaw at doble-doble pa.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Sadyang mahiwaga ang buhay ng tao at hindi natin batid kung ano ang mangyayari sa hinaharap, ngunit kung marunong kang tumingin ng guhit ng palad, kahit na papaano mahihinuha mo ang posibleng maganap kinabukasan.

  2. Arjay, 'wag kang masyadong mangamba o mag-alala sa kasalukuyang mga pangyayari, sapagkat ayon sa iyong mga datos, tiyak ang magaganap, kahit maraming umiintriga at naninira sa iyo, matutuloy ang promotion at pagtaas ng iyong suweldo, bagama't sa susunod na taong 2024, bigla kang mawawalan ng trabaho ngunit ang totoo nito, malilipat ka lang ng ibang kumpanya, na may mas malaking suweldo at mas magandang posisyon, kung saan, sa nasabing kumpanya o agency na lilipatan mo mas magiging maunlad at asensado ang karanasan mo (F-F arrow b.).

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | July 15, 2023

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | July 13, 2023

KATANUNGAN

  1. Ako ay isang tindera sa palengke na sumusuweldo ng maliit. Balak ko sanang mag-apply ngayon sa ibang bansa. Naisip ko ito para kahit papaano man lang ay guminhawa-ginhawa ang aming kabuhayan.

  2. Second year college lang kasi ang inabot ko. Kung kaya't gustung-gusto kong kahit man lang ang aking mga anak ay makapagtapos ng kolehiyo.

  3. Gusto kong malaman, Maestro, kung saka-sakali, matutuloy kaya ako sa aking pag-a-abroad? May maganda bang travel line sa aking palad at kung mayroon kailan naman kaya ako makakapag-a-abroad?

KASAGUTAN

  1. May tama ka r'yan sa iniisip mo na pag-a-abroad, Anabel, kaysa magtiis ka sa kasalukuyan mong trabaho na isang tindera na wika mo nga ay maliit lang ang suweldo, samantalang ang amo mo ay patuloy sa kanyang pagyaman.

  2. Walang duda, kapansin-pansin ang isang magandang Travel Line (Drawing A.at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad na nagsasabing makakapag-a-abroad ka sa takdang panahong inilaan ng kapalaran.

  3. Ito rin ay tanda na tulad ng nasabi na, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, tiyak ang magaganap, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansa ang itatala sa iyong kapalaran. Ang pag-aanalisang makakapag-abroad ka ay madali namang kinumpirma ng birth date mong 10, sa zodiac sign na Aries.

  4. Ibig sabihin, sa mga bagay na may kaugnayan sa pakikipagsapalaran sa malalayong lugar, walang duda, magkakaroon ka ng isang mabunga at mabiyayang kapalaran. Kaya nga kung hindi ka makikipagsapalaran at mananatili lamang na nagtitinda o tindera r'yan sa palengke, malabo kang umunlad at makaahon sa kahirapan.

  5. Subalit kung lakas-loob kang makikipagsapalaran, tulad ng naipaliwanag na, sa malayong pook, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansa ang iyong mararanasan na magdudulot sa iyo ng malaking pag-unlad, pati na rin sa iyong mga kapamilya na nasa probinsya ay uunlad din.

DAPAT GAWIN

Habang ayon sa iyong mga datos, Anabel, basta’t magpatuloy ka lang kumilos at lagi mong pairalin ang iyong lakas ng loob, lagi ka ring magsuot ng mapalad mong kulay na berde, dilaw at pula, tiyak ang magaganap, sa taong ding ito ng 2023, sa buwan ng Oktubre o kaya’y Nobyembre sa edad mong 28 pataas, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa ang itatala sa iyong kapalaran.

RECOMMENDED
bottom of page