top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | August 3, 2023




KATANUNGAN

  1. Binata pa lang ako ay pangarap ko na yumaman, pero sa kasamaang palad ay nakapag-asawa agad ako at nakapagtrabaho, nagkaroon din agad ako ng anak at apo. Ngayon ay retired na ako at nag-aalaga na lang ng mga hayop at halaman sa maliit kong nabiling lupa sa bukid pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako yumayaman.

  2. Naisipan kong sumangguni sa inyo Maestro, upang itanong kung may pag-asa pa kaya akong yumaman?


KASAGUTAN

  1. Ador, upang yumaman ka, ang pinakamaganda mong dapat gawin ay magnegosyo o imbis na mag-alaga ka ng mga hayop at halaman sa bukid na nagsisilbing libangan mo lang, puwede mo ring gawing pormal at tunay na negosyo ang iyong libangan. Ito ang nais sabihin ng malinaw at makapal na Business Line (Drawing A. at B. N-N arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Imbis na r’yan ka lang sa bukid nagpipirmi ang isa pang mas magandang gawin mo ay maghanap ka ng puwesto sa palengke o kaya ay sa Poblacion kung saan makaka-establish ka ng maraming market at connection upang doon ka magbukas ng isang tindahan na may kaugnayan din sa mga agricultural products. Kasabay nito, pagbutihin mo pa lalo ang pag-aalaga mo sa iyong halaman at hayop, maaari ring kumuha ka ng tagabantay at taga-alaga ng mga hayop at halaman mo habang ikaw naman ay nagsisilbing manager o tagapamahala ng inyong farm.

  3. Sa ganyang paraan, mapapalaki mo ang iyong negosyo na may kaugnayan din sa agricultural products upang mas madali kang uunlad at yayaman.

  4. Kung ayaw mo naman ng tindahan na may kaugnayan sa agricultural products puwede rin namang dagdagan o paramihin mo ang mga alaga mong hayop at halaman, tulad ng kambing at mga baka o kaya’y pilitin mong maging supplier ka ng mga gulay at iba pang agricultural products sa inyong palengke o sa inyong lugar.

  5. Sa isang tulad mo na may Business Line (N-N arrow a.) sa kaliwa at kanang palad upang yumaman, kailangang may negosyo, kailangang may kalakal kang ibinebenta at kailangang mapalaki mo o maparami ang iyong kalakal o ibinebentang produkto.

  6. Sa ganyang paraan, tulad ng nasabi na, ang malinaw at makapal na Guhit ng Negosyo (Drawing A. at B. N-N arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, ay matutupad at ito ay nagsasabing sa malakihang venture o pangangalakal, mas mabilis kang uunlad, hanggang sa tuluy-tuloy kang yumaman.


DAPAT GAWIN

Habang ayon sa iyong mga datos Ador, sa partikular ang straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad at ang malinaw na Business Line (N-N arrow a.) ay nagsasabing kapag sinunod mo ang mga simpleng rekomendasyong tinuran sa itaas, “malaking pangarap o malaking paglulunsad ng negosyo ang dapat” hindi pa huli ang lahat, walang duda, sa taong 2028, sa edad mong 65 pataas, hindi pa naman gaanong katandaan dahil batak ang iyong katawan sa kabukiran, hindi mo na rin mapapansing unti-unti na palang lumalago ang iyong kabuhayan hanggang sa hindi mo na namamalayang unti-unti ka na rin palang yumayaman.



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | July 27, 2023




KATANUNGAN

  1. May kinakasama ako sa ngayon at pareho kaming dating may asawa, may mga anak din kami sa una naming mga asawa. Ngayon, okey naman ang pagsasama namin. Noong una ay magulo, pero ngayon okey na kahit minsan ay may mga ‘di pagkakaintindihan, pero ‘di naman ‘yun mawawala sa isang relasyon. Sa katunayan nga nitong nakaraang buwan ay limang taon na ang aming pagsasama.

  2. Pero sa kabila nito hindi pa rin ako kampante, dahil dati na rin siyang naging babaero pero mula raw noong nagsama kami ay nagbago na umano siya.

  3. Maestro, gusto kong basahin mo ang guhit ng aming palad upang malaman ko kung maghihiwalay pa ba kami o magsasama na kami habambuhay?

KASAGUTAN

  1. Dalawa ang Marriage Line sa kaliwang palad (Drawing A. 1- M at 2-M arrow a. at b.) ng live-in-partner mo habang isa lang ang Marriage Line sa kanang palad (Drawing B. 1-M arrow c.) at kapansin-pansin din ang pagiging konti ng guhit ng kanyang palad.

  2. Ibig sabihin, totoo at tama ang kanyang sinasabi na kung nambabae man siya noon, ay noon iyon, pero sa ngayon ay tunay ngang nagbago na siya. At kung sakali mang mambabae ang live-in-partner mo, hindi na ‘yun magiging seryoso. Sa halip, ang tunay na seseryosohin niya ngayon, ay ‘yung kanyang nakakasama, walang ibang kundi ikaw. At dahil nga dalawa ang kanyang Marriage Line sa kaliwa - ito ay patunay lamang na habambuhay na siyang magiging tapat sa iyo.

  3. Kumbaga, ‘yung dalawang Marriage Line ay nakatakda sa buhay niya, (arrow a. at b.) at nangyari na nga, pero noong nakilala at nakasama ka niya napag-aralan niya na rin ang maging kuntento sa isang relasyon. Umasa kang magiging panghabambuhay na nga ang inyong samahan.

  4. Samantala, halos ganundin ang Marriage Line sa kaliwa at kanan mong palad kung saan, nag-aanyong parang dalawa sa kaliwang palad (Drawing B. arrow a. at b.) subalit naging parang “overlapping” na isang Marriage Line (1-M arrow b.) sa kanang palad. Ibig sabihin, bagama’t ikalawang pag-ibig o pag-aasawa mo na rin ang kasalukuyan mong ka-live-in, masasabing kung sino ang huling dumating at kasalukuyan mong kinakasama, sa kanya ka na habambuhay na magtitiis, tatanda at habambuhay na magiging maligaya.

DAPAT GAWIN

Marissa, wala kang dapat gawin ngayon kundi ipayapa ang iyong isipan. Sapagkat ayon sa iyong mga datos, tiyak ang magaganap, walang duda kayo na nga ng kasalukuyan mong kinakasama ang magsasalo sa isang maunlad at panghabambuhay na pagmamahalan.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | July 25, 2023




KATANUNGAN

  1. Naghiwalay kami ng boyfriend ko noong nakaraang buwan, dahil bukod sa akin ay may iba pa pala siyang girlfriend at inamin niya lang sa akin nu'ng nabisto ko na sila.

  2. Mas ikinagulat ko ang sinabi niya, mas nauna pa raw sa akin 'yung girlfriend niya na ‘yon. Ibig sabihin, matagal niya na pala akong niloloko. Kaya galit na galit ako at nakipaghiwalay agad ako sa kanya.

  3. Ang problema mula ng mawala siya, parang hindi ko kayang mag-isa. Hindi ko kaya na wala na siya, nasanay ako na lagi ko siyang kasama. Kaya ngayon balak kong makipagbalikan muli sa kanya kahit na dalawa pa kaming babae sa buhay niya, bahala na.

  4. Tama ba ang iniisip ko na ang ipaglaban ang pag-ibig ko? Kaysa naman lagi akong ganito - umiiyak, malungkot at nanghihinayang kung bakit ako pumayag na mapunta sa iba ang boyfriend ko.

KASAGUTAN

  1. 'Wag ka naman tanga at masyadong desperada, Aryan. Dalawa pala kayong babae sa buhay ng ex-boyfriend mo at balak mo pang makipagbalikan sa kanya?

  2. Bakit siya na lang ba ang natitirang lalaki sa mundo? Hindi naman, 'di ba? Oo, marami panglalaki at pag-ibig na darating sa iyo na mas ka-compatible mo, mas tapat at mas magpapaligaya sa iyo.

  3. Samantala, mas mainam pang kalimutan mo na ang iyong ilusyon na makipagbalikan sa boyfriend mong two-timer, dahil kung babalikan mo siya, mas lalo ka lang mahihirapan at magdurusa. Ito ang nais sabihin ng nabiyak at nagulong gitnang bahagi ng iyong Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  4. Ibig sabihin, kung pagtitiisan mo ang boyfriend mong may ibang girlfriend, lalo lang masisira ang buhay pag-ibig mo, dahil sa bandang huli kapag nagpasya na siyang magpakasal at mag-asawa, ang pinakamalungkot na senaryo na dadagan sa iyo, hindi ikaw ang pipiliin niya upang kanyang mapangasawa.

  5. Kaya tulad ng nasabi na, kung may natitira ka pangdangal at respeto sa iyong sarili, mas mabuti pang ngayon pa lang ay pagtiisan at hayaan mo nang mawala sa buhay mo, ang kumag at manlolokong boyfriend mo. Nangyari dahil kapag hinayaan mo siyang mawala, sa ganyang paraan ka lamang makakalaya at makakahanap ng bagong pag-ibig na magbibigay sa iyo ng isang masaya at panghabambuhay na ligaya, hatid ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Kaya nga ayon sa iyong mga datos Aryan, okey lang na tuluyang mawala sa buhay mo ang babaerong boyfriend mo. Kung tutuusin wala naman siyang kuwentang lalaki at manloloko pa.

  2. Habang ayon sa iyong mga datos, matapos na mawala ang babaerong ex-boyfriend mo, tiyak ang magaganap sa taon ding kasalukuyan sa buwan ng Setyembre o kaya’y Oktubre, bago sumapit ang panahon ng kapaskuhan, muli kang magkaka-boyfriend sa katauhan ng isang lalaking Libra na makakasama mo sa isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya (Drawing A. at B. 2-M arrow b).


 
 
RECOMMENDED
bottom of page