top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | August 12, 2023




KATANUNGAN:

  1. May negosyo kaming computer rental ang problema ay unti-unti na itong nalulugi, kaya balak ko na itong isara at ibenta na lang ang aking units. Mahal kasi ang upa sa puwesto at mataas din ang bayad sa kuryente.

  2. Sa ngayon pataya-taya na lang kami sa lotto at umaasa na kami ay tumama ng malaking halaga at maisalba pa ang aming negosyo.

  3. Maestro, sana mabigyan n’yo rin ako ng mapalad na numero. Isinilang ako noong Enero 8, 1985.

  4. May pag-asa pa kayang makabangon ang aming kabuhayan? Kung magkakaroon kami ng puhunan ano kaya ang masuwerteng negosyo para sa akin? At may chance pa kaya akong yumaman ayon sa guhit ng aking palad?

KASAGUTAN

  1. Ayon sa birth date mong 8 at zodiac sign na Capricorn hindi produktong may kaugnayan sa computer ang suwerte mo, kundi mga kalakal o mga produktong solido at butil. Ang pag-aanalisang sa nasabing mga kalakal ka yayaman ay madali namang kinumpirma ng matambok at malaman na Mount of Saturn (Drawing A. at B. arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, hindi tama ang produktong computer para sa iyo, sa halip ang mas angkop ay magtayo ka ng tindahan o grocery habang ang pinakatampok mong kalakal ay bigas, mais, kape, munggo at iba pang kauri nito.

  2. Sa ganyang mga kalakal ka susuwertehin, puwede rin sa iyo ang mga kalakal na delata, noodles at iba pang basic foods. Ganundin ang kalakal na nanggagaling sa ilalim ng lupa, tulad ng mga lamang ugat at pagmimina. Ang kalakal o negosyong gasoline station at iba pang uri nito ay maaari ring subukan na madali namang kinumpirma at pinatunayan ng straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, sa takdang panahong inilaan ng tadhana, mabilis kang yayaman.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Samantala, bukod sa numerong may sumatotal na 4, tulad ng 13, 22, 31, 40, at iba pang uri nito, mapalad ka rin sa lahat ng numero na may sumatotal na 2, at 7, tulad ng 11, 20, 29, 7, 16, 25, 34 at iba pang uri nito. Puwede mo ring subukan ang numerong 4, 7, 16, 23, 31 at 40, gayundin ang numerong 1, 18, 25, 34, 37 at 41.

  2. Significant at favorable na panahon naman sa iyo ang buwan ng Abril hanggang Mayo, Agosto hanggang Setyembre at Nobyembre, higit lalo sa mga petsang 5, 14, 23, 4, 13, 22, 31, 7, 16 25, 1, 10, 19 at 28.

  3. Habang ayon sa iyong mga datos, Mercy, sundin mo lang ang mga mungkahing nabanggit sa itaas, tiyak ang magaganap, sa taong 2034 sa edad mong 49 pataas, sa pamamagitan ng suwerte at tamang negosyo, magsisimula ka ng yumaman, hindi lang simpleng yaman, kundi mayamang-mayaman (Drawing A. at B. N-N arrow c.) na siya ngang nakatakdang sa mga taong tulad mo na taong otso.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | August 11, 2023




KATANUNGAN

  1. Ako ay namamasukan sa isang private company na hindi ko na lang papangalanan, sa ngayon ay isinasama ako ng amo ko sa Europe at ang sabi niya sa akin, kapag nandon na raw ako ay hahanapan niya ako ng trabaho at kapag nakapagtrabaho na ako, saka ko na lang daw siya bayaran sa magagatos niya sa akin.

  2. Iniisip ko ngayon, Maestro, kung tama ba ang gagawin kong ito, hindi kaya ako mapahamak? Sabi naman ng mister ko, baka raw ito na ang pagkakataon upang kami ay umunlad at makapanirahan sa ibang bansa.

  3. Sa palagay mo ba, dapat kong tanggapin ang alok ng aking amo? Nag-aayos na raw kasi siya ng mga papeles at isasama na rin niya ang mga papeles ko.

  4. Madalas siyang pumunta sa Europe dahil may kapit siya ro’n sa gobyerno at marami na siyang kamag-anak na nandu’n ngayon.

KASAGUTAN

  1. May malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na tama ang mister mo, ito na nga ang pagkakataon upang umunlad at guminhawa ang inyong buhay. Kung ang itinatanong mo lang ay magiging maganda ba ang buhay mo sa ibang bansa, tulad ng nasabi na, dahil malawak at maganda ang Travel Line (t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad walang duda, magiging maunlad ka sa pangingibang-bansa, sa partikular sa anumang bansa sa kontinente ng Europa.

  2. Ang kaso hindi ang Travel Line (t-t arrow a.) ang pumangit sa kaliwa at kanan mong palad, kundi ang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.), kung saan ang Marriage Line na ito ay sinundan ng isa pang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow c.). Ito ay tanda na sa sandaling makarating ka sa ibang bansa, ro’n ka maaaring magkaroon ng panibagong lalaki, kung saan, siya na rin ang makakatulong sa iyo upang umunlad at umasenso, ang lalaki ding ito ang siya namang unti-unting sisira sa maayos at magandang samahan n’yong mag-asawa.

  3. Posible rin, hindi lang natin matiyak na ang lalaking nabanggit ay maaaring siya na ang kasalukuyan mong amo na nag-aaya sa iyo sa ibang bansa, (Drawing A. at B. I-I arrow d.), kung saan, tutuparin niya ang kanyang mga pangako sa iyo, madadala ka niya sa ibang bansa at baka nga siya pa ang magpasok sa iyo sa trabaho, ngunit ang posibilidad ay sinadya man niya o hindi, sa bandang huli, magkakaroon kayo ng lihim na relasyon o sa ibang salita magiging number two ka niya, at ito nga ang maaaring maging problema sa hinaharap. Kung saan, magtatagumpay nga kayong mag-asawa sa materyal na bagay ngunit unti-unti namang tatabang ang pagsasama at pagmamahalan n’yo.

MGA DAPAT GAWIN

  1. May mga pangyayaring makakapag-abroad ang isa sa mag-asawa, pinapayagan noong isang panig ang kanyang asawa na mag-asawa sa ibang bansa. Pagkatapos ng legal na kasal, may pangako ang mag-asawa na idi-divorce, upang ang original na asawa ay muling makasama sa ibang bansa.

  2. Ganu’n kalupit ang buhay ngayon, umangat lang at umunlad ang kabuhayan, pinapayagan ng lalaki o minsan ay babae ang kanyang mister o misis na mag-asawa ng ibang lahi sa ibang bansa upang kapag naging citizen na sa nasabing bansa ay mapitensyon naman ang tunay na asawa at mga anak.

  3. Ayon sa iyong mga datos Alyssamae, halos katulad din ng ehemplong binanggit sa itaas, ang magaganap, ang kaibahan nga lang kapwa mo rin Pilipino ang magiging karelasyon mo, ngunit sa bandang huli, tulad ng nasabi na, kapag “citizen” ka na sa bansang Europa, lilipas ang mga ilang taon magkakasama-sama nang muling ang pamilya n’yo at sa panahong iyon habambuhay na kayong magiging buo at muling magiging maligaya.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | August 7, 2023




KATANUNGAN

  1. Wala akong girlfriend kaya naisipan kong sumangguni sa iyo upang itanong kung kailan kaya ako magkaka-girlfriend?

  2. May nililigawan ako sa ngayon, kaya lang ay parang ‘di niya ako gusto dahil sa t’wing sinusundo ko siya sa office na kanyang pinapasukan ay hindi niya ako pinapansin o kinikibo man lang. Kaya madalas ay nagmumukha akong tanga ‘pag sinusundo ko siya.

  3. Maestro, dapat ko pa bang ipagpatuloy ang panliligaw ko sa kanya? At may chance rin kayang sagutin niya ako?

KASAGUTAN

  1. Sa ganyang sitwasyon ng iyong buhay, Lenon, t’wing sinusundo mo ang babaeng nililigawan mo at iniisnab ka lang niya at ‘di ka kinikibo, malamang na kapag nagtiyaga ka pa sa ganyang karanasan, lalo ka lang magmumukhang tanga, hanggang sa paulit-ulit ka lang niyang i-reject.

  2. Kaya ang pinakamabuti mong magagawa sa ngayon ay itigil mo na ang panliligaw sa nasabing babae sapagkat kung patuloy mo pa rin siyang susunduin, para ka lang naghahanap ng sakit ng katawan, sakit ng damdamin at sakit ng bulsa, dahil obvious naman na hindi ka niya talaga gusto. Ito rin naman ang nais sabihin ng may bilog at magulong unang bahagi ng Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay maliwanag na tanda sa malapit na hinaharap maba-busted at mabibigo ka lang ng babaeng sinusuyo mo na pinagsusungitan ka naman at hindi ka man lang kumikibo sa t’wing magkasama o magkasabay kayo.

  3. Subalit, kailangan mangyari ang unang kabiguan sa pag-ibig upang sa susunod na panliligaw, unti-unti ka ng matuto at kapag marunong ka nang manligaw, madali ka ng magkaka-girlfriend sa takdang panahon na inilaan ng kapalaran. At kapag marunong ka ng manligaw, ‘yung mga babaeng masusungit at hindi pala kibo ay kusa mo na ring magiging kaibigan.

  4. Matapos kang mabigo sa unang pag-ibig ay magtatagumpay ka naman sa mga susunod na taon, na kinumpirma ng gumanda at umaayos mong Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa susunod na taon, sa edad mong 25 pataas, tiyak ang magaganap magkaka-girlfriend ka na rin sa wakas, upang minsan pa sa larangan ng pakikipagrelasyon ay makasumpong ka ng isang wagas at panghabambuhay na pag-ibig.

DAPAT GAWIN

Habang ayon sa iyong mga datos Lenon, nakatakda na ang magaganap, kung patuloy kang manliligaw sa babaeng sinasabi mo, maba-busted ka lang, matapos kang mabigo sa unang pag-ibig, sa susunod na panliligaw sa susunod na taong 2024 sa buwan ng Abril o kaya’y Mayo, mabilis ang magaganap, sa isang mababa ang height, maputi at medyo chinitang babae mahuhulog ang iyong loob, kusa mo siyang kakaibiganin hanggang sa makabuo kayo ng isang matimyas na ugnayan na hahantong sa isang maligaya at panghabambuhay na relasyon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page