top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | September 7, 2023




KATANUNGAN

  1. Maestro, kung sakaling isa lang ang namataang Marriage Line sa kaliwa at kanang palad ng dalaga na nagkaroon na ng bf. Ibig sabihin ba nu’n ay hindi na siya muli pang magkaka-boyfriend? At tatanda na lang ba siyang dalaga habambuhay?

  2. Ganu’n kasi ang nakita ko sa aking palad, nagkaroon ako ng boyfriend noong high school at naghiwalay kami nu'ng college na kami. Siya na kaya ‘yung kaisa-isang Marriage Line na nakikita ko sa aking palad at wala na kayang susunod na lalaki pang darating sa buhay ko?

  3. Sa ngayon kasi ay 42-anyos na ako, pero hanggang ngayon ay ‘di pa muli ako nagkaka-boyfriend.

  4. Sa palagay mo ba Maestro, makakapag-asawa pa kaya ako at magkakaroon ng masayang pamilya na gusto ko sanang mangyari.

KASAGUTAN

1. Depende sa unang pakikipag-boyfriend o sa unang pakikipagrelasyon ‘yang sinasabi mo, Isabelle. Kung ang unang pakikipagrelasyon mo noong nasa high school ka pa ay tumagal ng mahabang panahon at may quality relationship na tinatawag, ‘yun bang parang mag-asawa na kayo, posible ngang siya na ang nabanggit ng kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

2. Subalit, kung halimbawang ang relasyon n’yo ay puppy love lang, hindi naman talaga seryoso, at bihira lang kayong magkasama, at magholding hands. Kung ganu’n ang sitwasyon ng inyong relasyon, tiyak ang magaganap may isa at mas matinding pag-ibig pa ang muling kakatok sa iyong puso na madali namang kinumpirma ng nasabing kaisa-isang Marriage Line (1-M arrow a.) na mas mataas sa Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) at malapit sa pinaka-ilalim ng daliring hinliliit na nagbabadya ng petsa kung saan, humigit kumulang early 40’s or mid 40’s ka pa posibleng makaranas ng isang seryoso at totoong pakikipagrelasyon na hahantong sa isang maligaya at panghabambuhay na pag-aasawa.

DAPAT GAWIN

Kaya nga Isabelle, sa edad mong 42-anyos,‘wag ka munang mawalan ng pag-asa. Sa halip, ayon sa iyong mga datos, sa edad mong 42 pataas, isang lalaking katamtaman ang taas at pangangatawan na nagtataglay ng kayumangging kulay ng balat ang darating, magiging kaibigan mo siya na sa bandang huli ay magugustuhan mo na rin siya, sa pagsapit ng susunod na taong 2024 sa edad mong 43 pataas, tuluyan na magaganap ang kaisa-isa ng Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, makaranas ka na rin ng isang simple pero maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | September 5, 2023




KATANUNGAN

  1. Matagal na sa Canada ang misis ko, at ngayon naka-petition na kami para manirahan du’n. Kaya lang, hanggang ngayon ay ‘di pa rin naaaprubahan ang aming mga papeles. Maestro, kailan kaya kami makakaalis patungong Canada?

  2. Naiinip na kami ng anak ko, at gusto kong malaman ang sagot base sa aming birthday at guhit ng palad. Ang birthday ko ay August 4, 1979 habang December 5, 2016 naman ang aming anak.

KASAGUTAN

  1. Kapansin-pansin ang malinaw at mahabang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, ganundin sa kaliwa at kanang palad ng anak n’yo. Ibig sabihin, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, may pangingibang-bansa ang itatala sa inyong karanasan na kinumpirma at pinatunayan ng iyong lagda na tila umalun-alon paitaas, kung saan nasasagap na ng unconscious mind mo ang nalalapit na paninirahan sa malayong lugar, ang kaso nga ay nauudlot ito, dahil hindi pa ngayon ang panahon. Gayunman, patuloy ka pa ring magdasal at umasa, dahil darating din ang oras na magsasama-sama rin kayo sa Canada.

DAPAT GAWIN

Habang ayon sa iyong mga datos Andy, wala namang hadlang sa pinapangarap n’yong pangingibang-bansa. Sa halip, tulad ng nasabi na, basta’t ‘wag lang kayong maiinip, tiyak na ang magaganap, humigit kumulang sa susunod na taong 2024 hanggang 2025 sa edad mong sa edad mong 45 pataas, matutupad na rin ang malaon n’yong pangarap – magkakasama-sama na rin kayo sa Canada bilang isang buo at masayang pamilya habambuhay.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | September 3, 2023




KATANUNGAN

  1. Madalas kaming mag-away ng mister ko dahil sa pera, lagi kaming kinakapos sa pang-araw-araw. Dati, napagkakasya ko pa ang ibinibigay ng mister ko. Pero, ngayon wala na siyang trabaho kaya namomroblema na kami sa aming pang-araw-araw na gastusin.

  2. Nais ko sanang malaman Maestro, kung maghihiwalay ba kami ng mister ko? Noong huling pag-aaway kasi namin ay nagsigawan kami at ang sabi niya kapag siya raw ay napuno, lalayasan niya raw kami.

  3. Mula noon, tatlong araw na siyang hindi umuuwi, at para bang tinotoo niya ang kanyang banta. Tinetext ko siya, at nagre-reply naman siya. Ang sabi niya ay nasa bahay lang daw siya ng mga biyenan ko at nagpapalamig ng ulo.

  4. Gustuhin ko mang tulungan siya sa pagtatrabaho, wala naman akong magawa dahil high school lang ang tinapos ko.

  5. At ngayon, balak kong mamasukan bilang tindera para makatulong din ako sa aming pang-araw-araw na gastusin.

  6. Maestro, tama ba ang naisip ko na mamasukan na lamang bilang tindera? At may pag-asa pa kaya akong matanggap kahit na may edad na ako?

  7. Gusto ko rin malaman Maestro, kung may pag-asa pa kayang umunlad ang aming pamilya?


KASAGUTAN

  1. Tama ang iniisip mo Kat, sa patuloy na pagtaas ng mga bilihin at magpapasko pa naman, kung hindi mo tutulungan ang mister mo sa inyong pang-araw-araw na gastusin, ang mangyayari nga nito, lagi na lang kayong mag-aaway nang dahil sa pera.

  2. Ang nakakatuwa sa iyong palad ay may namataang malinaw na Effort Line (Drawing A. at B. E-E arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, kung mag hahanap ka ng trabaho o kahit na anumang pandagdag sa inyong pang-araw-araw, maaaring tindera o negosyo na may kaugnayan sa online selling, tiyak ang magaganap, sa pagpasok na pagpasok ng buwan ng Setyembre bago mag pasko, makakatagpo ka ng isang okey na trabaho, kahit na medyo maliit ang suweldo, makakatulong naman ito para sa inyong pang-araw-araw na pangangailangan.

  3. Kapansin-pansin din ang isa, malinaw at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa panahong ito, kahit na madalas kayong mag-away ni mister, hindi naman magiging sapat na dahilan ang nasabing mga tampuhan upang kayo ay maghiwalay. Sa halip, habang tumatagal ang pagsubok dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, magiging dahilan pa nga ito upang ang inyong pagsasama at pagmamahalan ay lalo pang tumatag at tumibay.

  4. Batay sa pag-aanalisa, wala namang susuko sa inyo. Sa halip, lalo pa kayong magsisikap upang mapaunlad ang inyong kabuhayan na madali namang kinumpirma ng lagda mong imbis na papaliit ay papalaki pa nang papalaki at papaangat pa ang mga letra sa dulong bahagi. Ibig sabihin, sa bandang huli, kapag maayos na ang lahat. Ang isa pang mabuting balita ay kung‘di ka ang makapag-a-abroad, posibleng si mister ang makapangibang-bansa na magiging daan, upang mas bumuti at lalo pang umunlad ang kalagayan n’yo.


MGA DAPAT GAWIN

  1. Habang ayon sa iyong mga datos Kat, tama ang iyong binabalak at iniisip sa kasalukuyan, simulan munang maghanap ng another source of income at hindi ka lang dapat na nakaasa sa kakarampot na sinusuweldo ng iyong mister.

  2. Sa ganyang paraan, kapag natuto ka na ring gumawa ng mga bagay na pagkakaperahan, at kapag may sarili ka ng pinagkakakitaan, sa taon ding ito ng 2023 bago sumapit ang pasko, unti-unti ng makakaahon sa kahirapan ang inyong pamilya hanggang sa tuluyan ng umunlad at guminhawa ang inyong kabuhayan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page