top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | November 6, 2023


KATANUNGAN

  1. Ako ay isang single mom, at may anak akong 2 years old na baby girl. May naging kaibigan ako sa Japan at siya ngayon ang tumutulong sa akin mula nang mawalan ako ng trabaho. Bukod sa pinapadala niya, tinutulungan niya rin akong mag-ayos ng mga papeles para makapunta na ako sa bansang Japan. May schedule na rin ang interview ko sa Japan Embassy.

  2. Maestro, sa edad kong 32, makakatagpo pa kaya ako ng lalaking makakasama ko habambuhay, kahit na may isa na akong anak? Kailan at saan ko naman makikilala ang lalaking magpapakilig sa akin?

KASAGUTAN

  1. Ayon sa iyong mga datos, Akira, siguradong makakapag-abroad ka at hindi lang isang beses, kundi maraming beses. Ito ang nais sabihin ng malawak at mahabang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Ito ay tanda rin na sa susunod na taong 2024, sa sandaling matuloy na ang interview mo sa Japan Embassy, kasunod nito ang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa sa tulong ng iyong kaibigan Hapon lalo na kung siya ay isinilang sa petsang 14 o 23, walang duda, compatible kayo para sa isa’t isa na sa bandang huli, maaari rin ang Hapon na ito ang iyong mapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.

  3. Samantala, ang magulong Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa simula hanggang gitnang bahagi sa guhit ng iyong palad ay nagsasabi bagama’t magulo ang iyong lablayp sa simula, sa pagtungtong mo naman sa edad na 32 pataas, tulad nang nasabi na, tila isang himala ang mangyayari – maraming kang pagpapala at blessings na matatanggap hanggang sa gumanda nang gumanda ang iyong lablayp. Sa pagtungtong mo sa edad na 33, matatagpuan mo na rin sa wakas ang isang lalaking magiging tapat at makakasama mo sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya, malaki ang posibilidad na ang kaibigan mo na ngang Hapon ang nasabing lalaki.

DAPAT GAWIN

Habang ayon sa iyong mga datos, Akira, tulad ng paulit-ulit na sinabi sa itaas, sa susunod na taon, sa edad mong 33 pataas, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa ang itatala sa iyong kapalaran. Kahit sabihin pang ikaw ay isang single mom, makakatagpo ka pa rin ng isang lalaking makakasama at magmamahal sa iyo habambuhay na nagtataglay ng zodiac sign na Gemini, (Drawing A. at B. h-h arrow d. at 1-M arrow c.), kaya kung Gemini ang zodiac sign ng kaibigan mo Hapon, walang duda, siya na nga ang makakasama mo sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya na tiyak namang mangyayari at magaganap sa pagtatrabaho at paninirahan mo sa bansang Japan sa pagpasok na pagpasok ng taong 2024.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | November 4, 2023


KATANUNGAN

  1. Ako ay isang guro sa public school at sa edad kong 39, napapansin kong hindi na ako bumabata, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag-asawa, gayung may mga naging girlfriend naman ako noon.

  2. Akala kasi nila ay may pagka-silahis ako kaya kahit tuksuhin ako ng mga kapwa ko guro na noon ay dalaga pa, wala pa ring nangyayari hanggang sa sila ay nakapag-asawa at nagkapamilya na habang ako ngayon ay naiwang binata.

  3. Gusto ko nang mag-asawa, Maestro. May pag-asa pa kaya akong makapag-asawa? Sino at saan ko naman makikilala ang babaeng mapapangasawa ko?

KASAGUTAN

  1. Wala namang kaugnayan ang pagiging bakla o silahis mo, kung sadyang may malinaw na guhit na pag-aasawa sa kaliwa at kanan mong palad. Sapagkat, marami rin namang mga guro sa iba’t ibang eskuwelahan na parang bading ang asta na nakakapag-asawa at nagkakaroon pa nga ng masayang pamilya.

  2. Salamat na lang at kahit na medyo parang huli na ay may namataan pa ring malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay malinaw na tanda na makakapag-asawa at magkakapamilya ka pa rin, kung saan, ang Life Line na hindi naman masyadong lumawak (L-L arrow b.) at Life Line na kasama ang Head Line (Drawing A. at B. L-L, H-H arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad, ito ay tanda na malapit lang sa pinagtatrabahuhan mong iskul, at madalas mo ring makasalubong ang babaeng nakatakda mong mapangasawa at makasama habambuhay.

DAPAT GAWIN

Habang ayon sa iyong mga datos, Art, kinumpirma ng iyong Love Calendar, ang pag-aasawang nabanggit na ikakatuwa ng iyong mga kamag-anak na nakatakdang mangyari at maganap sa taong 2024, sa edad mong 42, makakapag-asawa ka na at habambuhay na magiging maligaya, hatid ng isang babaeng nagtataglay ng zodiac sign na Libra.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | November 2, 2023


KATANUNGAN

Ano'ng ibig sabihin kapag maraming bilog ang Heart Line at may isa ring bilog sa Head Line? Ganito kasi ang namataan sa palad ng aking manliligaw. Pero, hindi ko pa siya sinasagot, na-curious lang ako kung ano ang kahulugan nito. Maestro, kailan ko kaya makikilala ang lalaking nakatakda kong maging first boyfriend na makakasama ko habambuhay?

KASAGUTAN

Kapag ang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanang palad ng isang lalaki ay maraming bilog, ito ay tanda na ang nasabing lalaki ay may pagkabakla, at hindi mo naman ito agad mahahalata. Sa halip, kailangan mo muna itong kumpirmahin, ang unang palatandaan ay ang bilog o island sa Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanang palad. Ikalawa, kung ang lalaking nasabi ay mayroong Venus Line (Drawing A. at B. V-V arrow c.) sa kaliwa at kanang palad. Kung mayroon ang manliligaw mo nito. Tiyak na may pagkabading ang manliligaw mo kung saan, bagama't naitatago pa niya ito sa ngayon. Sa bandang huli, kapag matagal na kayong magkakilala, mapapansin mo rin ang kanyang pagiging malambot. Pero siyempre, puwede rin naman siyang umibig sa isang babae at puwede rin sa kapwa niya lalaki.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Hindi naman masamang magduda sa pagkalalaki at mas mabuti pa ngang mag-imbestiga ka sa kanyang buhay upang kapag nakumpirma mong may pagkabading nga ang lalaking manliligaw mo, hangga't maaari ay maisip o mapaghandaan mo na ngayon kung ano ang dapat mong gawin.

  2. Habang ayon sa iyong datos, Odette, ang kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad ang nagsasabing ang unang magiging boyfriend mo na pangmatagalan at seryoso ay siya na ngang nakatakda mong mapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya na nakatakda mong makilala sa susunod na taong 2024 sa buwan ng Abril hanggang Mayo sa edad mong mong 32 pataas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page