top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | November 12, 2023


KATANUNGAN

  1. Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil lagi akong tinutukso ng mga kaibigan ko, 38-anyos na kasi ako ngunit hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend at feeling ko malabo na rin akong makapag-asawa pa.

  2. Gusto ko rin makapag-asawa, ang problema wala yata akong suwerte pagdating sa lablayp. Tatlong beses nang may mga nanligaw sa akin kaya lang, lahat sila ay may sabit na.

  3. May crush ako at kapitbahay lang namin siya, ngunit hindi niya naman ako nililigawan. Maestro, ano ba talaga ang nakaguhit sa aking palad?

  4. Kinakabahan ako na baka makapag-asawa ako ng lalaking may asawa na o baka wala na talaga akong chance na makapag-asawa?

  5. Ano ba ang magiging kapalaran ko lalo na pagdating sa aking love life? Ano rin ang dapat kong gawin para magkaroon naman ako ng boyfriend at masayang pamilya balang araw?

KASAGUTAN

  1. Bagama’t medyo nahuli na, may namataan pa rin namang kaisa-isa at malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Kaya, ‘wag kang kabahan at panghinaan ng loob.

  2. Ang nasabing Marriage Line, tulad ng naipaliwanag na ay tanda na hindi ka dapat kabahan. Kung saan, sa edad mong 38 sa kasalukuyan, tiyak ang magaganap, magkaka-boyfriend ka pa rin naman hanggang sa makapag-asawa at tuluyang lumigaya sa piling ng bubuuin n’yong pamilya.

  3. Ang pag-aanalisang makapag-aasawa ka at hindi ka mauubusan ng binatang lalaki ay madali namang kinumpirma ng maaliwalas at maganda mong lagda na hindi nababoy at hindi rin naburara. Ibig sabihin, kahit na naghahabol ka na sa huling biyahe, masasabi pa rin namang kampante at relaks lang ang iyong inner self na makakapag-asawa ka pa rin sa takdang panahon na inilaan ng kapalaran.

  4. Ang isa pang magandang balita ay nagtataglay ka ng magandang lagda, ito ay tanda na sa panahon ng pagpili ng tamang lalaking pakikisamahan mo, hindi ka magkakamali ng pasya. Isang binata ang mapapangasawa mo, at madali itong kinumpirma ng zodiac sign mong Taurus. Tanda na isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Virgo o Capricorn ang nakatakda mong makatuluyan at makasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Eliana, kung ang sinasabi mong crush na kapitbahay n’yo ay isang Capricorn o Virgo, tiyak ang magaganap, siya na nga ang lalaking itinakda sa iyo ng kapalaran na makakasama mo habambuhay.

  2. Kung hindi naman siya Capricorn o Virgo. Ayon sa iyong mga datos malapit lang din sa inyong lugar ang iyong makakatuluyan, na ayon din sa iyong Love Calendar nakatakdang lumutang at dumating ang nasabing lalaki sa taong 2025 sa buwan ng Mayo hanggang Nobyembre sa edad mong 40 hanggang 411 pataas, (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) hatid ng isang lalaking nagtataglay ng initial na R.at R.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | November 10, 2023


KATANUNGAN

  1. May karelasyon akong taga-Norway at dalawang beses na siyang bumibisita rito sa ‘Pinas. Nu’ng huli kaming magkita, ang sabi niya babalik daw siya sa Norway para ayusin ang aming mga papeles at para ma-settle na rin ang aming kasal.

  2. Nasa Norway na siya ngayon, at sa video call na lang kami nag-uusap. Okey naman ang aming relasyon kahit na long distance relationship ito. Kaya lang, hindi na niya binabanggit ang pagbalik niya rito sa ‘Pinas at plano naming pag-iisang-dibdib.

  3. Maestro, gusto kong malaman kung may chance pa kaya siyang makabalik dito sa ‘Pinas para pakasalan ako? Nag-o-overthink kasi ako na baka puro lang siya pangako matapos niyang makuha ang aking pagkababae.

  4. Ano ang nakaguhit sa aking palad? Siya na kaya ang makakatuluyan ko at may pag-asa kaya akong makarating at makapanirahan sa bansang Norway?


KASAGUTAN

  1. Siguradong babalik pa rito sa ‘Pinas ang boyfriend mong taga-Norway, - ito ang nais sabihin ng maayos at maganda mong Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na kung siya ang first boyfriend mo at nu’ng umuwi siya rito sa ating bansa ay naging very close kayo, nagkaroon kayo ng meaningful at quality na love affair, tulad ng naipahayag na, dahil hindi naman pangit at hindi rin magulo ang malinaw at maayos na Marriage Line (arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, ‘wag kang mag-alala, dahil sa bandang huli, walang duda, magiging maayos ang inyong pag-aasawa.

  3. Ang pag-aanalisang babalikan ka ng boyfriend mo, pakakasalan at yayayain ka na niya sa Norway upang matupad ang pangarap mo at du’n na rin kayo manirahan ay madali namang kinumpirma ng malawak, malinaw at magandang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na may isang panahon sa iyong buhay na nakatakda kang makapag-asawa ng isang foreigner at ang pag-aasawang nabanggit ay magiging daan upang ikaw ay makapanirahan sa ibang bansa hanggang sa maging Norwegian citizen at du’n ka na rin magkakaroon ng isang maunlad at maligayang pamilya.


DAPAT GAWIN

Hindi maiiwasan na kung minsan ay may kani-kanyang suwerte sa buhay ang isang tao at isa ka sa mga sinuwerte pagdating sa pag-aasawa. Kaya ipagpatuloy mo lang ang pakikipag-ugnayan sa boyfriend mong taga-Norway. Sapagkat, ayon sa iyong mga datos, sa susunod na taong 2024, nakatakda na ang magaganap, sa buwan ng Mayo, Setyembre o Nobyembre, muling papasyal sa ating bansa ang boyfriend mong foreigner upang yayain kang magpakasal para tuluyan na rin kayong manirahan sa bansang Norway at du’n na rin kayo bubuo ng isang maunlad, maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | November 8, 2023


KATANUNGAN

  1. Matagal n’yo na akong tagasubaybay lalo na pagdating sa Palmistry at Numerology. Marunong na rin ako kahit papaano bumasa ng palad.

  2. Ang problema ko ngayon ay ang tungkol sa aking Fate Line, ang pinagtataka ko kasi ay maganda naman ang Fate Line o Career Line ko pero bakit hanggang ngayon ay wala pa rin akong regular at magandang trabaho? Samantalang ang sabi n’yo, ‘pag may magandang Fate Line na walang bilog at hindi na latid ay magiging maganda rin ang kapalaran sa aspetong pang-career at hanapbuhay.

  3. Kaya, naisipan ko na ring sumangguni sa inyo upang malaman ko kung kailan kaya ako magkakaroon ng regular at magandang trabaho na angkop sa natapos kong kursong Accountancy? Maestro, gusto ko rin maanalisa n’yo ang aking kakaibang sulat kamay.

KASAGUTAN

  1. Tama ka, Kayrie, kapansin-pansin na may malinaw at maganda ka ngang Fate Line or Career o Fate Line sa kaliwa at kanan mong palad (Drawing A. at B. F-F arrow a. at b.), ngunit ang hindi mo napansin, nagsimula ang nasabing Career Line o Fate Line (arrow a.) sa medyo gitnang bahagi na ng iyong palad (arrow a.) at saka pa lamang tuluyang luminaw nang husto at nakarating sa kanyang destinasyon (arrow b.) sa Mount of Saturn (arrow b.). Ibig sabihin, bago ka makahanap ng regular at magandang trabaho, kailangan mo munang tumuntong sa “medyo gitnang bahagi ng iyong edad” at ito ay humigit kumulang sa edad mong 25 hanggang 30 pataas.

  2. Kaya nga, kung 23-anyos ka palang ngayon, maaaring sa susunod na taon o mga dalawang tao pa mula ngayon, walang duda, makakatagpo ka na ng isang permanente at panghabambuhay na trabaho. Tulad ng nasabi na, dahil 23-anyos ka palang, 2 years ka pang magtitiis sa pabagu-bago at hindi permanenteng trabaho na may kaugnayan din sa natapos mong kurso.

  3. Samantala, ang pagkakahilig sa kaliwang direksyon ng sulat kamay ay tanda o tendency ng withdrawal symptom o sabihin na nating medyo galit ka sa mundong iyong ginagalawan. Ito rin ay senyales na makasarili ka, walang pakialam sa mundo at may pagka-neurotic.

  4. Ang neurotic ay hindi naman sakit sa pag-iisip tulad ng psychosis. Sa halip, ang taong may neurotic ay matino ang takbo ng isip at nakaka-adopt sa kapaligiran. ‘Yun nga lang ang mga neurotic ay laging nag-iisip ng negatibo at kung minsan, sila ay may “one-track mind” na tinatawag kung ano’ng obsession na kanyang inisip, ‘yun lang ang laman ng kaniyang konsentrasyon at isipan.

  5. Kaya mas magandang baguhin mo ang iyong sulat kamay. Samakatuwid, kung gusto mong magtagumpay sa materyal na bagay at lumigaya sa pamumuhay, nakatayong sulat kamay na bahagyang humahapay sa direksyong pakanan ang iyong gawin upang simula ngayon hindi ka lang magkaroon ng matatag at magandang trabaho kundi para tuluy-tuloy ka na ring lumigaya at magtagumpay.

DAPAT GAWIN

Habang ayon sa iyong mga datos, Kayrie, tiyak na ang magaganap, mula ngayon, makalipas ang isa o dalawang taon, sa edad mong 25 pataas, humigit kumulang sa buwan ng Abril hanggang Mayo, kusa mo nang matatagpuan ang isang regular, permanente at magandang trabaho na angkop sa course mong Accountancy sa isang kumpanya na may kulay berde at dilaw na logo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page