top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | November 25, 2023



KATANUNGAN


1. Seven years na ako rito sa Singapore. Balak ko next year, magtayo ng negosyo pag-uwi ko ng ‘Pinas. Ang binabalak kong negosyo ay isang grocery store sa public market. Aasenso kaya ako sa negosyong ito?


2. Bago ko umalis ng ‘Pinas, may live-in-partner ako, pero nagkakalabuan na kami ngayon. Samantala, may nakilala naman ako rito sa Singapore. Kanino kaya ako mas susuwertehin kung sakaling isa sa kanila ang aking mapapangasawa?


3. Ang birthday ng ex-live-in partner ko ay October 4, 1989 habang ang nakilala ko naman dito sa Singapore ay May 5, 1993, at October 17, 1994 naman ang birthday ko. Sino sa kanila ang ka-compatible o dapat kong mapangasawa?

KASAGUTAN


1.Walang duda, kapwa mo ka-compatible ang dalawang lalaking binanggit mo dahil ‘yung una na may birthday na October 4, 1989 ay kapareho mo ng zodiac sign kung saan, pareho kayong Libra. Samantala sa Depth Astrology, ka-compatible mo rin ang may birthday na May 5, 1993, sapagkat ang Taurus at Libra ay may iisang ruling planet na tinataglay at ito ay ang planetang Venus.


2. Gayunman, kung salapi, negosyo at materyal na bagay ang itinatanong mo kung sino sa dalawang lalaki ang mas magbibigay sa iyo ng suwerte sa naturang larangan, walang alinlangang si May 5, 1993 ang dapat mong piliin dahil ang Taurus ay may elementong lupa habang ang 5 ay nagtataglay ng planetang Mercury na sadyang mapalad sa pagnenegosyo na nagkataong ang 5 ay suwetung-suweto rin isama sa 17 o 8 (ang 17 ay 1+7=8) na birthday mo, lalo na kung kayo ay magtutulungan sa iisang negosyo.


3. Dagdag dito, nagkataon pang 5 din ang destiny number ni May 5, 1993. Naging 5, ang destiny number niya dahil 5+5+1993=2003/ 20+03=23/ 2+3=5 habang ikaw naman bukod sa birth date mong 17 o 8, nagkataong 5 din ang destiny number mo. Nangyaring 5, ang destiny number mo, dahil ang birthday mong October 17, 1994 ay kinokompyut ng ganito 10+17+1994=2021/ 20+21=41/ 4+1=5. Ibig sabihin, walang duda, susuwertehin kayo sa pagnenegosyo at sa larangan ng materyal na bagay sa sandaling kayo na nga ang magkatuluyan.


4. Hinggil naman sa guhit ng iyong palad, kapansin-pansin ang makapal at malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, kung gugustuhin mo, anumang sandali, puwede kang magpabalik-balik sa abroad kahit hindi ka muna magnegosyo. Ibig sabihin, magpakasawa ka muna sa abroad at mag-ipon ng maraming puhunan bago tuluyang sumabak sa negosyo.


5. Sa ganu’ng paraan, kung buo na talaga ang loob mong magnegosyo, puwede mo na itong ipatupad. Sapagkat, may namataan ding malinaw at makapal na Business Line (Drawing A at B. B-B arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, anuman ang piliin mo sa dalawang option na inilahad sa itaas, wala namang problema dahil nakatakda na sa iyong Career Line (Drawing A. at B. F-F arrow c.) na sa panahong ito ng iyong buhay ay tuluy-tuloy ang malaking pag-asenso at tagumpay sa larangan ng kabuhayan ang aanihin mo.


MGA DAPAT GAWIN


1. Jessa, tunay ngang bihira ang magandang guhit ng palad tulad ng sa iyo na may good looking Business Line (B-B arrow b.), at pinagkalooban ka rin ng good looking Fate Line (F-F arrow c.) at may good looking Travel Line pa (t-t arrow a.), na nangangahulugang anuman ang larangang nais mong gawin, tiyak na magtatagumpay ka at siguradong aasenso ka.


2. Isa lang ang dapat mong gawin sa kasalukuyan upang tuluy-tuloy kang yumaman at lumigaya. Tandaan, sa panahong ikaw ay sagana, ‘wag mong kalimutang mag-ipon at magsinop nang magsinop, mahalin mo ang bawat salapi na magaang mong kinikita sa ngayon upang mahalin ka rin ng magandang kapalaran, hanggang sa tuluyan kang yumaman. Ayon sa iyong mga datos, ang nasabing malaking pagyaman ay nakatakdang mangyari at maganap sa taong 2035 sa edad mong 41 pataas.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | November 23, 2023




KATANUNGAN

  1. Ang napangasawa ko ay balo o biyudo. Nakapisan ako sa kanila, pero hindi kami magkasundo ng mga anak niya. Gusto ko nang bumukod, pero ayaw niya, hindi na ako masaya sa pagsasama namin.

  2. Maestro, magkakahiwalay ba kami? Sa isip-isip ko, kapag hindi ako ibinukod ng bahay ng mister ko sa kanyang mga anak, kahit sabihin pang siya ang nagpapakain sa akin at gumagastos sa mga luho ko ay lalayasan ko na siya. Hindi ko na talaga kaya ang ugali ng mga anak niya na laging kumokontra sa buhay ko at walang mga galang.

  3. Sakaling makipaghiwalay ako sa kanya, may ikalawang pag-aasawa pa bang magaganap sa aking buhay? Makakapag-asawa, magkaka-anak at makakaranas pa ba ko ng maligayang pagpapamilya?

KASAGUTAN

  1. Sa malapit na hinaharap, tuluyan na kayong maghihiwalay ng landas ng kasalukuyan mong asawa. Ito ang nais sabihin ng nabiyak na unang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na darating ang araw na hindi na mapipigil ang pagsabog ng kinikimkim mong hinanakit sa iyong puso hanggang sa tuluyan mo nang layasan, awayin at iwanan ang mga anak mo sa unang asawa.

  2. Makalipas ang ilang panahon pa, masaya pa rin ang mangyayari. Kusa namang matutupad ang ikalawang mas malinaw at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay nagpapahiwatig na sa ikalawang pakikipagrelasyon, bukod sa magkakaanak ka na (1-C arrow c.), may bonus pa sa ikalawa mong pag-aasawa, tunay ngang habambuhay ka nang magiging maligaya, hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra.

DAPAT GAWIN

Habang ayon sa iyong mga datos, Trisha, tiyak ang magaganap, hindi matatapos ang taong ito ng 2023, sa buwan ng Disyembre pinakamatagal na sa ikalawang linggo ng nasabing buwan, tuluyan na kayong magkakahiwalay ng iyong asawa upang sa ikalawang pag-aasawa, tulad ng nasabi na, makakasumpong ka na ng isang panatag, maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya na nakatakdang mangyari at maganap sa taong 2026 sa edad mong 43 pataas.



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | November 21, 2023




KATANUNGAN

  1. May boyfriend ako at mahigit 5 taon na rin ang aming pagsasama. Ang pinagtataka ko parang wala pa siyang balak na pakasalan ako. Samantala, para na kaming mag-asawa at ang kulang na lang ay kasal.

  2. Ano sa palagay mo, Maestro, papakasalan kaya ako ng boyfriend ko o hindi? Ang ikinatatakot ko ay baka matulad kami sa ibang relasyon na mahabang panahong naghintay tapos sa bandang huli ay hindi rin pala magkakatuluyan.

  3. Maestro, sa palagay n’yo ba compatible kami ng boyfriend ko? Kami na ba ang magkakatuluyan o mas mabuting maghanap na lang ako ng ibang lalaking balak akong pakasalan at handang bumuo ng aming sariling pamilya?


KASAGUTAN

  1. Wala kang dapat na ipangamba, Ashley, dahil anu’t anuman ang mangyari sa bandang huli, kayo pa rin ang magkakatuluyan ng kasalukuyan mong boyfriend. Ito ang nais sabihin ng kaisa-isang malinaw at magandang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na sa sandaling makipag-usap ka nang masinsinan sa iyong nobyo, tiyak ang magaganap, maiintindihan mo rin ang kanyang pasya kung bakit parang wala pa siyang planong pakasalan ka.

  3. Maliwanag naman ang posibleng maging dahilan, maaaring nagpapagawa na pala siya ng bahay o nag-iipon pa ang boyfriend mo ng pera na gagamitin sa inyong kasal upang minsan pa kapag natuklasan mo ang sorpresa niyang iyon sa iyo. Imbes na magalit ka, baka maiiyak ka pa sa sobrang tuwa, (Drawing A. at B. H-H arrow b.), dahil hindi mo inaasahan na sobra ka palang mahal ng iyong boyfriend. Sobrang responsible siya dahil malayo pa lang ay pinaglalaanan at pinaghahandaan niya na ang inyong future.

DAPAT GAWIN

Habang ayon sa iyong Love Calendar, humigit kumulang ganu’n ang mangyayari, matagal na palang inihahanda na ng nobyo mo ang isang masayang kasalan na tinatayang magaganap sa susunod na taong 2024, sa buwan ng Hunyo at sa edad mong 28 pataas. Kung saan, ang nasabing pag-aasawa ay hahantong sa isang masaya, maunlad at panghabambuhay na pagpapamilya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page