top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | Oct. 22, 2024



Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN

  1. Naisipan kong sumangguni sa inyo para itanong ang tungkol sa love life ko. Nagtataka ako kung bakit sa dinami-rami kong kaibigan, wala kahit isa sa kanila ang naging karelasyon ko? Ang kinaiinisan ko pa, kapag may problema sila, agad ko silang tinutulungan. Pero kapag ako na ang nanghihingi ng advice sa kanila, tine-taken for granted lang nila ako. Nakakainis, lalo na ngayong 27-anyos na ako, pero nananatili pa rin akong nag-iisa, walang asawa, walang anak at walang pamilya.

  2. Maestro, kailan ba ako makakapag-asawa, at may pag-asa pa ba akong makapag-asawa kahit wala na wala akong boyfriend ngayon? Bakit ganito? Gayung ang dami ko namang achievements sa trabaho at career, pero pagdating sa pag-ibig, bokya ako.

  3. Susuwertehin pa ba ako sa pag-ibig o sadyang ganito na lang ang buhay ko? Malapit na naman ang Pasko, kaya naman pangarap ko sanang magkaroon ng panghabambuhay na karelasyon, – iyan na lang kasi ang pangarap ko na hindi ko pa natutupad.


KASAGUTAN 

  1. May mga babae talagang malakas ang sex appeal, at hindi rin maitatangging may mga babae rin talagang mahina ang appeal sa opposite sex. 

  2. Pero alam mo ba, Ayie, kung ano ang dapat gawin upang lumakas ang iyong sex appeal, lalo na’t kabilang ka sa zodiac sign na Libra?

  3. Simple lang, magsuot ka ng damit na kulay pula, pink, maroon, violet at iba pang kulay na may bahid ng pula at makikita mo, unti-unti na ring tataas ang antas ng iyong libido. Ang libido na ito ay salitang German na nangangahulugang “sexual energy”. Bukod sa kulay na may bahid ng pula, puwede rin ang puro o dalisay na pula.

  4. Mas maganda rin kung bahagya mong babaguhin ang iyong lagda. Magagawa mo ito kung sobrang taas ng tutok ng letrang “t” sa iyong pirma, babaan mo na lang ito dahil ang lahat ng letra na masyadong umangat ang pagkakasulat ay ikinakategorya sa espiritwal at kabanalan. Ibig sabihin, malayo na ang tingin ng unconscious mo sa sensuwal na pangangailangan ng isang tao. Sa halip, ang unconscious mo sa kasalukuyan ay naglalakbay na patungo sa pagtandang dalaga.

  5. Subalit kung liliitan mo na lang ang tuktok ng letang “t” sa iyong lagda, habang i-emphasize mo ang buntot ng letrang “g” (ibig sabihin ay ayusin mo ang pagkakabilog sa buntot ng letrang “g”), tulad ng naipaliwanag na, mas madaling susulak ang nakaimbak na libido sa iyong katawan na siyang aakit ng kalalakihan.

  6. Salamat na lang at may namataang kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kahit medyo may edad ka na, sa edad na 27 pataas, tiyak ang magaganap, sa pagliko ng susunod na kalsada ng buhay, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Gemini ang iyong matatalisod.


DAPAT GAWIN

Habang ayon sa iyong mga datos, Ayie, kung susundin mo ang simpleng mga mungkahi sa itaas, tiyak ang magaganap,  sa taong 2025, sa buwan ng Enero hanggang Pebrero, – tiyak ang magaganap, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Gemini ang iyong matatagpuan at sa bandang huli, siya na rin ang tuluyan mong mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng simple ngunit maligayang pamilya habambuhay.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | Oct. 18, 2024



Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN

  1. Naghiwalay kami ng kinakasama ko, kasabay ng pagkakaroon namin ng anak. Sa ngayon, may kinakasama na siyang ibang babae, habang may manliligaw naman ako na isinilang noong May 16, 1986, hiwalay din siya sa kanyang kinakasama.

  2. Itatanong ko lang sana kung siya na nga ba ang makakasama ko habambuhay? Inaaya na niya akong mag-live in, pero nagdadalawang isip pa ako, dahil napansin kong tatlo ang Marriage Line sa aking palad. Ibig sabihin ba nito, ang ikatlong lalaki at hindi ang ikalawang lalaki ang makakasama ko?

  3. Kaya kung sasagutin ko siya, dahil siya pa lang naman ang pangalawang magiging seryosong karelasyon ko, ibig sabihin ba nito ay may darating pa bang iba, at ang pagdating ng ikatlong lalaking iyon ang siya kong makakasama habambuhay?

 

KASAGUTAN

  1. Tama ang pag-aanalisa mo na sa ikatlong lalaking darating pa lang ang iyong makakatuluyan at makakasama habambuhay, lalo na kung pagbabatayan ang dalawang medyo maikli at magulong Marriage Line mo (Drawing A,. at B. 1-M, 2-M arrow a. at b.), na kung ikukumpara sa ikatlo na mas mahaba at mas malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 3-M arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, pagkatapos ng dalawang seryosong relasyon, may darating pang-ikatlo, at ang nasabing ikatlong relasyon ang siya mo na ngang makakatuluyan. Kung saan, dahil Gemini ang zodiac sign mo, tiyak na isang Aquarius ang ikatlong lalaking darating pa lamang na makakasama mo habambuhay.

  2. Subalit, dahil iginuhit pa rin ang ikalawang lalaki na nabanggit sa kaliwa at kanang mong palad bilang ikalawang Marriage Line  (2-M arrow b.) sadya ngang hindi mo maiiwasan ang pakikipagrelasyon sa kanya, pero mas makakabuti kung hindi mo ibibigay nang husto ang iyong loob at tiwala sa kanya. Hinay-hinay lang sa pag-ibig upang sa susunod na pagliko ng landas, tadhana na ang magpapasya kung darating ba ang ikatlong lalaki na siyang makakasama mo habambuhay na nagtataglay ng simpatiko, hindi gaanong katangkaran, at medyo kayumanggi ang kulay ng balat.

 

MGA DAPAT GAWIN

  1. Tunay ngang kailangan muna matapos ang naka-schedule na tadhana o kapalaran ng isang tao, upang masundan ito ng panibagong nakatakdang yugto o pagpapatuloy na bahagi ng kanyang buhay at karanasan.

  2. Habang ayon sa iyong mga datos, Gleserie, matapos mong makarelasyon ng humigit kumulang isang taon si Mr. Taurus, kusang mapuputol din ang inyong pagmamahalan, upang maganap ang nakatakda, - pagsapit ng taong 2026, sa buwan ng Setyembre, isang lalaking nagtataglay naman ng zodiac sign na Aquarius ang darating bilang ikatlong karelasyon mo na siya na ngang iginuhit sa kaliwa at kanan mong palad na makakasama mo sa pagbuo ng isang mas maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.





 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | Oct. 16, 2024



Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN

  1. Bago n’yo pa lang akong tagasubaybay. Aliw na aliw kasi ako sa mga article na inilalabas n’yo.

  2. Three years na kaming kasal ng mister ko, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibiyayaan ng beybi.

  3. Maestro, base sa aking palad, may chance pa ba kaming magkabeybi ng mister ko? Kung sakaling oo, kailan naman kaya ito magaganap? 

  4. Ano’ng gender din kaya ang una naming magiging beybi? Lalaki o babae ba ito? 

 

KASAGUTAN

  1. Medyo mahirap makita sa guhit ng palad ang tinatawag na Children Line (Drawing A. at B. 1-C, at 2-C), dahil ito ay maliliit na hibla lamang ng mga guhit, gayunman may dalawang guhit sa iyong palad hinggil sa guhit ng anak.

  2. Una, ‘yung pataas na guhit sa ilalim ng daliring hinliliit na makikita sa ibabaw ng Marriage Line (1-M arrow b.). At ang ikalawa, tingnan mo ang Guhit ng mga Supling ‘yun bang guhit na pahalang sa gilid ng palad, (1-C, at 2-C). Sa kaso mo, dalawang malusog na Children Lines (Drawing A. at B. 1-C at 2-C, arrow a. at b.) ang nakikita sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Ibig sabihin, dalawa ang magiging baby n’yo sa hinaharap. Lalaki ang una, dahil makapal at mas mahaba ang nasabing Guhit ng Supling (1-C arrow a.), habang posibleng babae naman ang ikalawa, dahil medyo manipis at maikli ang guhit (2-C arrow b.), mula sa kaliwa at kanan mong palad.

  4. Ang pag-aanalisang ito na magkaka-baby na kayo sa hinaharap ay madali namang kinumpirma ng lagda mong nagkaroon ng “phallic symbol” sa dulong bahagi. Ang “phallic symbol” na ito ay ang tila kudlit sa loob ng letrang “o”, kung saan, ang “phallic symbol” na iyan kung sa terminong pang-psychology ang pag-uusapan, iyan din ang “penis” o kasarian ng isang lalaki.

  5. Kaya masasabi natin na ngayon pa lang ay nasagap na ng unconscious mong isipan o unconscious mong pagkatao, ang mabubuo n’yong baby, isang malusog at matalinong lalaking sanggol, na susundan naman ng isa pang malusog at cute rin na babaeng sanggol.

 

DAPAT GAWIN

Yinah, ayon sa iyong mga datos na kinumpirma ng Children Calendar n’yo, humigit kumulang sa first quarter ng susunod na taong 2025, magkakaroon ka na kayo ng beybi at mabubuntis ka na. Samantala, makalipas ang siyam na buwan, isisilang mo na ang isang malusog na lalaking sanggol na siyang kukumpleto at magbibigay ng dagdag-galak sa inyo na nakatakdang mangyari at maganap sa susunod na taong 2025, sa buwan ng Oktubre o Nobyembre, sa edad mong 34 pataas.





 
 
RECOMMENDED
bottom of page