top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | Pebrero 11, 2024


 

KATANUNGAN


  1. May live-in partner ako, pero iniwanan niya ako kasi nahuli niyang may textmate ako, pero ang totoo ay kaibigan ko lang ‘yun. Lahat ng paliwanag ay ginawa ko na para hindi niya ako iwanan, pero talagang makitid ang isip niya, kaya tuluyan din kaming naghiwalay. 

  2. Sa ngayon, hindi ko alam kung nasaan siya. Mula kasi nang mag-empake siya, hindi na rin niya sinasagot ‘yung text at tawag ko.

  3. Maestro, magkakabalikan pa kaya kami? Sa totoo lang, mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Kung hindi na kami magkakabalikan, magiging boyfriend ko ba ang textmate ko ngayon? Siya kasi ang umaalalay sa akin kapag may mabigat akong problema. Gayundin, siya ang umuunawa at nakakausap ko kapag wala akong makausap. 

  4. Alam mo, Maestro, pangarap ko ring maikasal at magkaroon ng legal at tunay na pamilya, hindi tulad ng nakaraang relasyon ko na hindi ako pinakasalan, matutupad ba ang simpleng pangarap kong ito at kailan?


KASAGUTAN


  1. Dalawa ang malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a. at 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na dalawang beses kang makakapag-asawa, kasal man o hindi. Dagdag pa rito, nabiyak at sadyang pumangit ang unang Marriage Line (arrow a.) na tulad ng nangyari na ngayon, ang nasabing pag-aasawa ay nakatakdang mauwi sa pagkawasak at paghihiwalay.

  2. Ngunit sa ikalawang pag-aasawa, malaki ang pag-asa nito na ang mas malinaw at mahabang Marriage Line (arrow b.) na iginuhit sa kaliwa at kanan mong palad, kung saan may pangako ng isang tapat at panghabambuhay na relasyon.

  3. Ang pag-aanalisang sa ikalawang pag-asawa o pakikipagrelasyon ka susuwertehin ay madali namang kinumpirma ng birth date at destiny number mong two (2).   

MGA DAPAT GAWIN


  1. Ayon sa iyong datos, Alexandra, wala nang pag-asa na magkabalikan pa kayo ng dati mong kinakasama, (1-M arrow a.), ngunit ‘wag kang mag-alala dahil sa ikalawang pakikipagrelasyon, hahanto naman ito sa kasalan (2-M arrow b.) tiyak ang magaganap, may pangako ng isang panghabambuhay na relasyon, hatid ng isang lalaking may zodiac sign na Libra.

  2. Ibig sabihin sa susunod na taong 2025, sa edad mong 37 pataas, isang lalaking may zodiac sign na Libra ang darating sa iyong buhay. Matapos na maging kayo, yayain ka niyang magpakasal upang tuluyan na ring matupad ang simple mong pangarap na magkaroon ng isang legal, masaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | Pebrero 6, 2024


 

KATANUNGAN


  1. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong boyfriend, samantalang 37 years old na ako. Kaya naman naisipan kong sumangguni sa iyo, Maestro, para itanong kung may tsansa ba akong tumandang dalaga at hindi na makapag-asawa?

  2. Sa lahi kasi namin, tumatandang dalaga ang mga babae tulad ng mga tiyahin ko sa both sides ng parents ko.

  3. Pero, may nakikita naman akong Marriage Line sa aking palad, kaya hindi ako nawawalan ng pag-asa. Ang tanong ko lang ngayon, Maestro ay kung talaga bang magkaka-boyfriend at makapag-aasawa ako at kung oo ang sagot, kailan kaya ako makapag-aasawa?


KASAGUTAN


  1. Tama ka, Ghie Anne, may malinaw at magandang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Kaya hindi ka talaga dapat kabahan na tumandang dalaga. Sa halip, tulad ng nasabi na, dahil may malinaw naman na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad at ang nasabing guhit ay makapal at mahaba.  

  2. Ibig sabihin, sadyang nag-aalala ka lang at kinakabahan dahil nasa peligrosong edad ka na sa gulang na 37, na nagiging dahilan kaya nagiging negatibo ang iyong pananaw sa buhay at sa kasalukuyan mong sitwasyon.

  3. Gayunman, ang iyong lagda na may maayos na bilog ang letrang “y” sa pinakabuntot nito, na siya ring tinatawag na phallic symbol ay nagsasabing sa edad mong 37 pataas, buo at sumusulak pa rin naman ang iyong libido, pagnanasa at init ng katawan. Kaya tulad ng nasabi na, hindi ka dapat mabahala na tumandang dalaga, bagkus basta’t panatilihin mo lamang ang pagkakaroon ng at kaakit-akit na pigura at magandang hubog ng katawan, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, huhulugan ka ng langit ng isang lalaking itinakda upang makasama mo habambuhay, na nagtataglay ng zodiac sign na Taurus.

 

DAPAT GAWIN


Habang, ayon sa iyong mga datos, Ghie Anne, nakatakda na ang magaganap - ang kinaiinipan mong pagkakaroon ng boyfriend ay hahanto rin sa tuluyang pag-aasawa at pagkakaroon ng masaya at panghabambuhay na pamilya. Ito ay nakatakdang mangyari at matupad sa susunod na taon, sa buwan ng Setyembre o Oktubre sa edad mong 38 pataas.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | Pebrero 4, 2024


 

KATANUNGAN 

  1. May babaeng nagkagusto sa akin noon. Hindi niya naman ako pinilit na maging kami. Isa akong torpe at mahiyain noon, hanggang sa nagka-girlfriend at tuluyang nakapag-asawa. Maski siya ay ganundin, ang napangasawa niya ay isang hapon at sa Japan na sila nanirahan.

  2. Pero umuwi siya rito sa Pilipinas upang nagbakasyon. Hindi niya kasama ang kanyang asawa at doon kami nagkaroon ng chance para magkita. Nag-usap kami at kalaunan ay naging magka-close. 

  3. Parang pinagtagpo ng tadhana ang aming pagkikita, dahil sa ngayon ay nagtatrabaho naman ang misis ko sa abroad bilang caregiver. Sa madaling salita, Maestro, may mangyari sa amin, pinigilan ko naman ang aking sarili kahit na ramdam kong may pagtingin pa rin siya sa akin. 

  4. Hindi ko malaman, kung dapat ba akong bumigay for sexual pleasure, pakiramdam ko ‘yun din ang hanap at habol niya sa akin.

  5. Ayon sa palad ko, magkakahiwalay kaya kami ng misis ko? Natatakot ako na baka malaman ng asawa ko ang ginagawa kong kalokohan at natatakot akong masira ang aming pamilya.   

 

KASAGUTAN

  1. Ang isang torpe ay mananatiling torpe habambuhay. Kaya sa teoryang ito, malabo at maaaring hindi mangyari ang naglalaro sa iyong isipan. Nangyaring ganu’n, dahil sa pag-aanalisang Palmistry nanatiling matino at tuwid ang kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay malinaw na tanda, kahit magparamdam pa nang magparamdam ang nasabing babae at matuloy ang inyong pamamasyal, mananatili pa rin ang dati mong ugali na mabait at tapat sa iyong asawa. Kaya malamang sa malamang hindi na matuloy ang inyong pagde-date. 

  2. Ang kinaganda pa nito, kung sakaling manaig ang tawag ng laman at pagnanasang sexual.  Hindi pa rin lalago ang lehitimo at tunay na pagmamahal at mananatili lamang iyong hanggang doon.

  3. ‘Ika nga ni Kuya Manoling nang minsan kaming nagkakuwentuhan sa kanyang bahay sa Guiguinto, Bulacan, “Alam mo Honorio, kung minsan nang naging mabuti ang isang tao, lagi na siyang magiging mabuti. Ngunit kung ito ay minsan nang naging masama, lagi na siya gagawa ng kasamaan.”

 

MGA DAPAT GAWIN

  1. Ayon sa iyong datos, R.R, iba naman ang magiging karanasan mo. Sa pagtataksil mo sa iyong misis na nasa abroad, hindi na ito masusundan pa, dahil duwag ka, (Drawing A. at B. L-L, H-H arrow b.) kaya muli kang makababalik at mananatili sa isang matino at mabuting pamumuhay.

  2. Sa madaling salita, minsan man kayong magtalik ng babaeng tinutukoy mo, malabo at maaaring hindi na ‘yun masundan.

  3. Muli ayon sa iyong mga datos, kahit na may mangyari sa inyo at nairaos n’yo ang uhaw at pagnanasa sa isa’t isa, wala pa ring magbabago. Sa bandang huli, sa pagbabalik ng iyong misis galing abroad at sa pagbabalik naman ng babaeng sinasabi mo sa Japan, mapapanatili n’yo pa rin ang matino, mabuti at masayang pamilya habambuhay (Drawing A. at B. 1-M arrow a.).


 
 
RECOMMENDED
bottom of page