top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | August 7, 2024


Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN


  1. Nandito ako ngayon sa Maynila, at katatapos ko lang mag-training ng caregiver. Naisipan kong sumangguni sa inyo, Maestro, para malinawan ako kung ano ba talaga ang nakatakda sa aking kapalaran?

  2. Nakikita n’yo ba na makakapag-abroad ako o hindi? Nawawalan na kasi ako ng pag-asang makaalis dahil ‘yung mga kasabayan kong mag-training ay nakaalis na. Ako na lang ang natira rito sa inuupahan naming bahay  dahil nagkaproblema ako sa medical.

  3. Kung hindi naman ako makakapag-abroad, tama ba ang iniisip kong umuwi na lang sa probinsiya namin? At tulungan na lang ang nanay ko sa negosyo naming isda sa bayan?


KASAGUTAN


  1. Mukhang mas tama ang ikalawang option na iyong pinamimilian. Clarita, umuwi ka na lang sa probinsiya n’yo, at tulungan ang iyong mga magulang na magtinda ng isda sa bayan. Sapagkat, kapansin-pansin na wala namang malinaw o malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na kahit amagin ka pa sa kahihintay ng iyong mga papeles sa agency na pinag-aaplyan mo, malabo ka pa ring makaalis patungong abroad, dahil nga wala namang malinaw na Guhit ng Paglalakbay sa kaliwa at kanan mong palad (arrow a). Sa halip, ang malinaw na gumuhit ay ang Business Line (Drawing A. at B. N-N arrow b.), na nangangahulugang mas mainam ngang umuwi ka na lang sa inyong probinsya, at ituloy ang negosyong pagtitinda ng mga isda at iba pang produktong nakukuha sa tubigan, pwede rin ang mga produktong matigas na bagay at nahuhukay sa ilalim ng lupa.

  3. Kung saan, ayon sa zodiac sign mong Pisces sa destiny number na 8, ito ang nagsasabing sa gawain o hanapbuhay na nabanggit, doon ka mas aasenso at tuluy-tuloy na uunlad hanggang sa yumaman.

  4. Dagdag dito, hindi ka sa pag-a-abroad uunlad at yayaman, dahil sa pagnenegosyo ka makakatagpo ng kaunlaran na pinatunayan ng lagda mong may 2 initial at apelyido lang. Kung saan, ang ganyang mga uri ng pirma, ang sila ngang mas madaling umuunlad at yumayaman sa pamamagitan ng pagnenegosyo at pangangalakal.

  

DAPAT GAWIN


  1. Minsan hindi naman masamang mag-give up o umayaw sa isang pangarap na alam na alam mo namang hindi mangyayari at hindi matutupad sa kasalukuyan dahil nga wala pa o hindi pa nakamarka ang pangarap mong ito sa guhit ng iyong palad.

  2. Habang ayon sa iyong mga datos, Clarita, tunay ngang hindi ka sa pangingibang-bansa susuwertehin, kundi sa pagnenegosyo. Kapag tinutukuan mo ang inyong negosyo, tiyak na aasenso at uunlad ang iyong kabuhayan na nakatakdang mangyari ngayong 2024, sa edad mong 31 pataas.

  3. Kung magsisimula ka na nga ngayon, darating at darating ang saktong panahon, lalago ang iyong kabuhayan hanggang sa tuluyan kang yumaman, (Drawing A. at B. H-H arrow c.) na unti-unti namang mangyayari at magaganap sa taong 2034 sa edad mong 41 pataas.



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | July 30, 2024



Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN

  1. Gusto ko nang umalis sa kasalukuyan kong trabaho. Maliit na nga ang suweldo, masungit pa ang mga amo ko.

  2. Kaya naman agad akong napaisip na kung sakaling aalis ako rito, may mapapasukan pa kaya akong mas maganda at mas malaking suweldo? 

  3. Nagdadalawang isip kasi akong umalis dahil baka mapabilang lang ako sa mga taong walang trabaho, at ‘yun ang dahilan kaya naisipan kong kumunsulta sa inyo upang ipaanalisa ang aking kapalaran, lalo na pagdating sa aking career. Kung sakaling umalis ako rito, makakahanap pa kaya ako ng magandang trabaho? 


KASAGUTAN

  1. Kung dito ka lang sa Pilipinas magtatrabaho at kabilang ka sa isang tipikal o pangkaraniwang empleyado, kahit tumuwad ka pa wala kang magagawa sa maliit mong suweldo dahil sobrang liit naman talaga ng suweldo rito sa ating bansa. Tulad ng nasabi na kahit tumuwad ka pa riyan sa kinauupuan mo, hindi ka talaga aasenso rito.

  2. Sa halip, ganito ang nais ipagawa ng iyong kapalaran. Mas mabuting mag-abroad ka para mas madali kang umasenso. Ito ang nais sabihin ng maaliwalas, makapal, maganda at malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Tanda na kung aalis ka lang sa kasalukuyan mong kumpanya dahil maliit kamo ang iyong suweldo at pagkatapos ay sa isa na namang kuripot na kumpanya ka lilipat ng trabaho, eh ‘di balewala rin ang gagawin mong paglipat dahil karamihan sa mga kumpanya rito sa ating bansa ay puro kuripot.

  4. Kaya ang nais sabihin ng malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad na kinumpirma ng iyong lagda na umaalun-alon na animo’y nagtatangkang lumipad at umangat paitaas, wala rito sa ating bansa ang magandang kapalaran mo, bagkus nasa pangingibang-bansa upang mas suwertehin at umasenso ka.

  

DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos, Donna, kung susubukan mo na mag-apply sa abroad, sa buwan ng Nobyembre o Disyembre, pinakamatagal na sa susunod na taon, tiyak ang magaganap, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa ang itatala sa iyong karanasan na magiging daan o simula upang tuluy-tuloy kang umunlad at umasenso.



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | July 28, 2024


Kapalaran ayon sa palad

 


KATANUNGAN


  1. Isa akong OFW dati sa Hong Kong. Natapos na ang kontrata ko kaya naman napauwi ako. Sa ngayon, balak ko sanang mag-apply sa Dubai bilang domestic helper.

  2. Mula nang magka-pandemic, nabakante na ako kaya naman naubos din ang naipon ko. Maestro, makakaalis pa kaya ako?

  3. Bukod sa naubos na ang mga ipon ko, baon pa kami sa utang. Ang trabaho ng asawa ko ay karpintero, pero ‘di naman sapat ang kinikita niya para sa pang-araw-araw na gastusin at pangangailangan namin.

  4. Sa palagay n’yo, may pag-asa pa kayang umunlad ang buhay namin? May chance pa rin kaya ako na makaalis patungong abroad kahit na medyo may edad na ako ngayon?  


KASAGUTAN 


  1. Kusang huminto at tila hindi na magpapatuloy ang matayog mong Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) na tinatawag din nating Career Line (arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Subalit ang nakakatawa, matapos na huminto ang Fate Line na tinatawag din nating Career Line, (arrow a.) muling sumulpot ang malinaw at makapal na Fate Line (F-F arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay malinaw na tanda na tulad ng nasabi na, matapos kang mawalan ng trabaho dahil sa pandemic, tiyak ang magaganap, muli kang makakahanap ng bagong trabaho na magreresulta upang tuluyang umunlad ang iyong creer  bilang isang domestic helper na madaling pinatunayan ng  malinaw at malawak na ikalawang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na sa ikalawang pagkakataon, mas papalarin at sasagana ang pangingibang-bansa mo sa Dubai. Ang pag-aanalisang tuluyan kang makaka-recover sa nakaraang pangit na kapalaran ay madali ring kinumpirma ng gumanda at naayos sa gitna hanggang sa dulong bahagi ng iyong lagda.

  3. Tanda na sa edad mong 39 pataas, muling uunlad at lalago ang inyong kabuhayan, dahil sa napipintong ikalawang mas mabunga at mas mabiyayang pangingibang-bansa.

 

MGA DAPAT GAWIN


Habang ayon sa iyong mga datos, Maricar, ‘wag kang malungkot at mag-alala. Sa halip, lakasan mo ang iyong loob at magdiwang ka dahil tiyak ang magaganap ngayong 2024, muli kang makakapag-abroad, at ito ay magaganap sa buwan ng Oktubre o Nobyembre, higit na mas uunlad at sasagana ang ikalawa mong pangingibang-bansa. Ito rin ang mag-aahon sa inyo sa kahirapan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page