top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 10, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rod ng Bicol


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na gumawa ako ng suka na galing sa tanim naming sugar cane, nang may bigla kong narinig na sigawan. Pumutok umano ang bulkan, kaya naman nagtakbuhan ang mga tao, at nagpulung-pulong ang iba’t ibang klase ng hayop.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Rod




Sa iyo, Rod,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na gumawa ka ng suka na galing sa tanim ng sugar cane ay maraming tsismis at ‘di makatotohanang maasim na salita ang maririnig mo sa mga taong nakapaligid sa iyo. Iwasan mong patulan ang mga sinasabi nila upang hindi na lumala ang sitwasyon. 


Ang may narinig kang sigawan dahil pumutok ang bulkan, ito ay nangangahulugan na kung may pinaplano kang gawin para mahigitan mo ang kakayahan ng kapwa mo, huwag mo na itong ituloy dahil malakas ang pakiramdam ng taong gusto mong higitan. Malalaman niya agad ito bago mo tuluyang gawin, at mapapahiya ka lang.


Samantala, ang nagtakbuhang mga tao, at nagpulung-pulong na mga hayop ay nagpapahiwatig na may isang kaibigan ka na magdudulot sa iyo ng labis na pag-aalala. Kung may karelasyon ka, may magtatangkang agawin ito sa iyo. Gagawin niya ang lahat para mabaling sa kanya ang pagmamahal ng karelasyon mo.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna






 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | August 9, 2024


Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN


  1. Dati akong Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait. Nagkaroon ako ng masungit na amo, pero tiniis ko ‘yun hanggang sa matapos ang kontrata ko. 

  2. Sa ngayon, pinapabalik nila ako, kaya lang nagdadalawang-isip na ako. Ang balak ko kasi ngayon ay maghanap ng bagong employer. Kaya naman, naisipan kong sumangguni sa inyo. Maestro, gusto kong malaman kung sakaling makapaghanap ako ng bagong employer, makakatagpo na kaya ako ng mabait na amo?

  3. Kapag nakapag-ipon ako, pangarap na magkaroon ng sariling negosyo. Sa ngayon kasi nagbabayad pa ako ng mga utang kaya wala pa akong gaanong ipon. Matupad ko kaya ang pangarap ko na makapag-ipon at makapagnegosyo balang araw? Ano’ng negosyo rin kaya ang bagay sa akin?


KASAGUTAN


  1. Ganito ang nais sabihin ng guhit ng iyong palad. Anuman ang maganap at anuman ang maging desisyon mo, tuluy-tuloy pa rin ang maluwalhati mong pangingibang-bansa, ito ang nais sabihin ng aliwalas at magandang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na hindi ka mapapakali sa ating bansa, gagawa at gagawa ka ng paraan upang balikan ang dati mong nakasanayan na hanapbuhay, ito ay ang nakasanayang magpabalik-balik sa ibang bansa, hanggang sa unti-unting makaipon at tuluyan na ring umunlad ang inyong kabuhayan (H-H arrow b.).

  2. Sa panahon namang may kaunti ka ng ipon, ayon sa zodiac sign mong nasa pagitan ng Sagittarius at Capricorn, inirerekomenda ang mga produktong may kaugnayan sa paghahayupan, at maaari rin ang pagbebenta ng mga meat products, tulad ng karne ng manok, baboy o baka. Puwede rin ang aktuwal na pagpaparami at pag-aalaga ng mga hayop. Sa nasabing nature ng business, tiyak ang magaganap, -  uunlad at tuluy-tuloy na lalago ang iyong kabuhayan hanggang sa ika’y yumaman.

  

DAPAT GAWIN


Ayon sa iyong mga datos, Grasiella, sa taon ding ito ng 2024 magaganap ang ikalawang pangingbang-bansa mo sa Dubai. Tiyak na magkakaroon ka na ng isang mabuti at mabait na amo, kasabay nito sa edad mong 34 pataas, tuluy-tuloy ka nang uunlad at aasenso sa larangan ng materyal na bagay hanggang sa matupad na ang pangarap mong negosyo. At sa susunod na pagliko ng kalsada ng kapalaran, matutupad na rin ang straight Head Line (Drawing A, at B, H-H arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad na nangangahulugang makakapagnegosyo ka hanggang sa tuluy-tuloy na lumago ang iyong kabuhayan at sa bandang huli, tulad ng nasabi na, tuluyan ka na ring yayaman.



 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 9, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Tony ng Roxas City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nasa loob ako ng bodega namin. Inip na inip na ako, at tingin ako nang tingin sa relo ko kung ano’ng oras na. Pero sa kasamaang palad, biglang nasira ang relo ko. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Tony



Sa iyo, Tony,


Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na nasa loob ka ng bodega, ito ay nangangahulugan ng kasaganahan at kaligayahan. Kung may negosyo ka, uunlad ang negosyo mo hanggang tuluyan kang yumaman. Kung wala ka pang asawa, ngayon mo na matatagpuan ang magiging kabiyak ng puso mo, siya ay isang babaeng napakayaman. 


Samantala, ang relo ay nagpapahiwatig ng pag-unlad sa buhay. Lalago nang lalago ang kabuhayan mo. Pero ang sabi mo, bigla itong nasira, ito ay babala na mag-ingat ka sa iyong mga kilos at pagpapapasya. Sapagkat sa sandaling magkamali ka, mabilis na magbabago ang kapalaran mo. Mababaligtad ito, at mawawalan lahat ng pinaghirapan mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna






 
 
RECOMMENDED
bottom of page