top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | July 26, 2021




KATANUNGAN


1. Maraming beses na akong nabigo sa pag-ibig, kaya iniisip kong ‘wag na lang mag-asawa, tutal may dalawa na akong anak sa nagloko kong mister at sumama sa kapitbahay namin.

2. Ang panganay ay napagtapos ko sa sarili kong pagsisikap at siya ay isang guro, habang ang ikalawa ay graduating na sa kursong electrical engineering. Kapag nakatapos na ang bunso ko, siguradong luluwag na ang buhay naming mag-iina dahil wala na akong gaanong pagkakagastusan.

3. Sa ngayon, may suki sa aking tindahan na 54-anyos na balo at masugid ko rin siyang manliligaw. Ayaw ko naman sa kanya, pero dahil madalas siya sa tindahan at nakikipagkuwentuhan, parang napapalapit na rin ang loob ko sa kanya.

4. Gusto kong malaman na kung sakaling sasagutin ko siya at magsasama kami, may pag-asa bang lumigaya kami habambuhay at magkaroon ng masaya at maunlad na pagsasama o mas mainam pa na ‘wag na lang akong mag-asawa, ano ang dapat kong gawin? Mahirap din kasi ang nag-iisa, lalo na kapag nag-asawa at bumukod na ang mga anak ko, natatakot akong maiwanang mag-isa sa aming bahay.

KASAGUTAN

1. Mas maganda kung hindi ka na mag-asawa ulit dahil wala namang katinuan ang magulo at maraming bilog na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

2. Ito ay malinaw na tanda na sa umpisa ka lang magiging maligaya sa pag-ibig, pakikipagrelasyon at pag-aasawa, pero kapag nagtagal-tagal na, kapag naburyong na naman ang buhay mo habang kasama ang lalaking nais mong mapangasawa, sa manaka-nakang pag-aaway, hindi pagkakaunawaan at sa bandang huli ay sa magulong buhay pag-aasawa rin hahantong ang iyong samahan.

3. Samakatuwid, kapag pangit na pangit ang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) ng isang babae sa kaliwa at kanan niyang palad, nakakahiya na lang sabihing ‘wag na lang siyang mag-asawa. Ito ay dahil tulad ng naipaliwanag, kahit mag-asawa ka, kahit ilang beses pa, wala ring kahihinatnang ligaya, na madali namang kinumpirma ng bad looking o hindi rin gaanong kagandahang ikalawang guhit ng Marriage Line (DrawingA at B. 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

MGA DAPAT GAWIN

1. Ano nga ba ang magagawa sa buhay na ito ng babaeng nakapag-asawa na, pero hindi pinalad at nang nag-asawa sa pangalawang pagkakataon, tila tukso o biro ng kapalaran dahil bigo at hindi pa rin masaya?

2. Dapat pa bang ipayo na mag-asawang muli sa ikatlo, ika-apat o isanlibong pagkakataon hanggang sa makamit at masumpungan din sa bandang huli ang tunay na ligaya? Subalit anuman ang maging desisyon ng isang babae na palaging bigo sa pag-aasawa, sinasabi na ng pangit na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) at Marriage Line (2-M arrow b.) ang kahihinatnan ng lahat – kung nabigo at lumuha sa unang pag-aasawa, kahit paulit-ulit mag-asawa, mabibigo at luluha pa rin siya habambuhay.

3. Kaya ayon sa iyong mga datos, Ms. Libra, dahil hindi maganda ang iyong Heart Line (arrow a.) at Marriage Line (arrow b.), mas mainam pang ‘wag ka na lang mag-asawa kaysa naman kumuha kang muli ng lalaking magsisilbing mabigat na martilyo na muli mong ipupukpok sa iyong ulo.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | July 23, 2021




KATANUNGAN


1. Ang gusto kong malaman ay tungkol sa career, saan ba ako mas magtatagumpay, sa pamamasukan sa private company, pagpa-practice ng sarili kong propesyon o sa pamamasukan sa ibang bansa? June 2, 1992 ang birthday ko.

2. Sa pag-ibig naman, nasa palad ko ba na makapag-asawa? Kung oo, kailan naman mangyayari ang nasabing pag-aasawa?

KASAGUTAN

1. Sa pag-ibig, siguradong makapag-aasawa ka sapagkat may namataang dalawang malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a. at arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, na kinumpirma ng Sister Life Line (Drawing A. at B. L2-L2 arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad.

2. Ang Sister Life Line (arrow c.) na nabanggit, tulad ng eksaktong salin sa tagalog ay “kapatid ng buhay”, puwede ring sabihing “kapilas ng buhay” na nangangahulugan lamang na magkakaroon ka talaga ng “katuwang sa buhay”. Ang Sister Life Line na ito (arrow c.) ay tinatawag ding Protection Line (arrow c.) na sinasabing anumang disgrasya ang dumating, tiyak na ito ay maliligtasan mo.

3. Ito rin ay tinatawag na “protection line” dahil kapag may asawa ka na, poproteksiyunan ka ng iyong mapapangasawa. Samantala, sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, ang Sister Life Line na ito ay tatawagin nating “asawa” dahil siya ay katuwang ng iyong buhay. Kaya walang katanggi-tanggi, tulad ng naipaliwanag na, ‘wag kang kabahan dahil kahit ikaw ay 29-anyos na, palagi mong isaisip na may dalawang seryoso at tunay na relasyong darating sa buhay mo (arrow a. at b.). Ang ikalawang magiging boyfriend mo ang iyong mapapangasawa at makakasama habambuhay, na kinumpirma ng birth date mong 2, sa destiny number na 7.

4. Ang mga Taong Syete at Dos ay laging sinusuwerte o pinapalad sa ikalawang pagkakataon, ikalawang sitwasyon at pangyayari sa kanyang buhay at iba pang bilang na ikalawa ay siya ngang magdadala sa kanya sa maligaya at magandang career.

5. Samantala, hinggil naman sa iyong career, may namataan ding malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa takdang panahon, may pangingibang-bansang itatala sa iyong karanasan, na kinumpirma rin ng zodiac sign mong Gemini, birth date mong 2 at destiny number mo nagkataong 2 din (6+2+1992=2000/ 20+00=20/ 2+0=2). Ang mga datos na nabanggit (zodiac sign na Gemini, birth date na 2, at destiny number na 2) ay pangkaraniwan ng nakapangingibang-bansa at nakapaglalakbay.

DAPAT GAWIN

Kristel, ayon sa iyong mga datos at Decadens ng Kapalaran, anuman ang ipasya mo sa iyong buhay, ang ipagpatuloy ang pagtatrabaho sa private company, dumiskarte gamit ang iyong propesyon o mangibang-bansa, ang pinakamapalad pa ring taon o panahon sa iyong buhay ay ang year 2021 hanggang 2023. Sa panahong ito at sa edad mong 29 pataas, kumbaga sa isang punong-kahoy, dito magaganap ang napakaraming bunga ng iyong karanasan – uunlad ka sa iyong career at propesyon, magkakaroon ka ng maraming-maraming pera at sa mga panahong ito, ikaw ay makapag-aasawa at magkakaroon ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | July 21, 2021




KATANUNGAN


1. Dalawa ang boyfriend ko at pareho ko silang mahal, pero ngayon ay balak ko nang maging stick to one.

2. Sino sa dalawang boyfriend kong ito ang nakaguhit sa aking palad na makakasama ko sa pagtatayo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya?

3. October 10, 1998 ang birthday ko at March 30, 1997 naman ang unang boyfriend ko, na tawagin na lang nating Mr. Aries at ang ikalawa naman ay si Mr. Aquarius na may birth date na February 4, 1998.

KASAGUTAN

1. Halos magkasing-haba ang dalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M, at 2-M arrow a. at b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, sa kasalukuyan, tunay ngang wala kang mapiling dispatsahin sa dalawang lalaking bahagi ng buhay mo dahil sa totoo lang, tama ka, pareho mo na silang mahal at pareho silang mahalaga sa buhay mo.

2. Gayunman, hindi puwedeng palaging dalawa sila sa buhay mo dahil iisa lang naman ang puso mo. Kaya ang ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) ang tumitiyak na kung sino ang huling dumating sa kanilang dalawa at tulad ng nasabi na, ang ikalawang lalaking dumating ang iyo ang makakasama mo sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya. Ito ay madali namang kinumpirma ng zodiac sign mong Libra na katugma ng zodiac sign na Aquarius ni Mr. Aquarius na may birthday na February 4, 1998. Kaya naman walang duda, sa kahuli-hulihang sandali ng iyong pagpapasya, ang tinukoy na lalaki ang pipiliin mo upang pakasalan at makasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

DAPAT GAWIN

Rona, ayon iyong mga datos, tulad ng nasabi na, sa taon ding ito ng 2021, kusa mong tutuparin ang pangako mo sa iyong sarili, kung saan, kapag si Mr. Aquarius ang kusa mong pinili upang makasama sa pagbuo ng maunlad, maligaya at panghabambuhay na pamilya, na nakatakdang mangyari at maganap sa taong ding ito 2021 sa edad mong 22 pataas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page