top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | September 08, 2021



ree

KATANUNGAN


1. May boyfriend ako at sa edad na 22, siya palang ang nagiging karelasyon ko. Gusto kong malaman kung siya na ba ang mapapangasawa ko? Madalas kasi kaming magkagalit dahil sa maliit na dahilan o mga bagay na wala namang kakuwenta-kwuenta. Kumbaga, away-bati ang relasyon namin.

2. Kaya minsan, naiisip kong baka hindi siya ang ka-compatible ko at baka hindi siya ang makakasama ko habambuhay. Gayundin, iniisip ko na kung sakaling magkatuluyan kami ay ganundin ba ang mangyayari sa amin at paano kung hindi na kami magkabati pa?

3. Sa palagay ninyo, Maestro, siya na ba talaga ang nakaguhit sa aking palad o may darating pang ibang lalaki sa buhay ko? Kung mayroon pa, sino siya, kailan darating at saan ko makikilala?

KASAGUTAN

1. Imposibleng siya na ang makatuluyan mo dahil dalawa ang namataang malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a. at 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ngunit tulad ng nangyari na at nangyayari pa sa kasalukuyan, dahil medyo mas maikli at medyo pumangit ang unang Marriage Line (1-M arrow a.) kung ikukumpara sa pangalawa (2-M arrow b.), sanhi marahil ng madalas ninyong pagkakagalit at madalas na hindi kayo nagkakaunawaan, sa bandang huli ay sa paghihiwalay din hahantong at magwawakas ang kasalukuyan ninyong relasyon.

2. Pagkatapos nito, lilitaw ang isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra dahil ikaw ay isang Aquarius na siyang higit mong ka-compatible kaysa sa isang Capricorn na kasalukuyang karelasyon mo. Ibig sabihin, hindi mo siya gaanong ka-compatible kaya madalas kayong nagkakagalit at maaari ring ihaka at ihayag na hindi siya ang nakaguhit sa kaliwa at kanan mong palad na makakasama mo habambuhay.

MGA DAPAT GAWIN

1. Alam niyo ba, sa totoo lang ay higit na masaya ang relasyong magkasintahan pa lang kaysa sa mag-asawa na. Kaya kung ngayon na kayo ay magkasintahan palang ay nagkakagalit na nang madalas at hindi magkaunawaan, malamang na kapag kayo ang nagkatuluyan, sa paghihiwalay din hahantong ang inyong relasyon.

2. Dahil dito, Aira, ayon sa iyong mga datos, may darating pang ikalawang lalaki sa buhay mo na itatala bilang ikalawang boyfriend na isinilang sa petsang 7, 16 o 25 na nagtataglay ng initial na R.S. Siya na ang mapapangasawa at makakasama mo sa pagbuo ng masaya at panghabambuhay na pamilya, na nakatakdang mangyari at magaganap sa taong 2025 sa edad mong 26 pataas.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | September 06, 2021



ree

KATANUNGAN


1. May crush ako ngayon na isang kasamahan sa trabaho, pero sa ibang department siya naka-assign. Ang problema, bukod sa mahiyain ay may pagka-torpe rin siya kaya hindi ko matiyak kung may crush din siya sa akin o wala. Ano ang dapat kong gawin upang magkalapit ang loob namin, dapat bang ako ang gumawa ng unang hakbang upang kami ay maging magkaibigan?

2. Isa pa, hindi ba masama kung halimbawang ipaalam ko na sa kanya na may crush ako sa kanya? Sa edad ko kasing 21 sa darating na November 16, ni minsan ay hindi pa ako nagkaka-boyfriend.

3. Kailan ako magkaka-boyfriend at ito na bang crush ko na ito ang unang magiging boyfriend ko?


KASAGUTAN

1. Positibo ang tugon, kung saan ayon sa Guhit ng Fling na Relasyon na tatawagin din nating Guhit ng Pakikipag-boyfriend (Drawing A. at B. f-f arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, malinaw na nakikita ang kanyang paghaba, na nagbabadya na sa taon ding ito, partikular sa last quarter ng taon, matutupad ang malaon mo nang hiling na magkaroon ng kasintahan sa kauna-unahang pagkakataon.

2. Ang pag-aanalisang magkaka-boyfriend ka na ay madali namang kinumpirma ng iyong handwriting na kinakitaan ng malilinaw na “phallic symbol” na nagbabadya na sa panahon ngayon, masiglang-masigla at matikas na matikas ang iyong libido. Ang libidong ito ay nagpapahiwatig din ng paglakas ng iyong sex appeal, ibig sabihin, kumbaga sa isang halaman, nasa kasibulan ang iyong edad at kumbaga sa prutas na mangga, nasa panahon ka ng pagiging isang manibalang na masarap kagatin at makasama.

3. Ang mga hidden traits o asset na ito ang siyang kusang hihigop ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Taurus, na may kayumangging kulay ng balat, na siya ngang magiging first boyfriend mo sa taon ding ito ng 2021.


DAPAT GAWIN


Ayon sa iyong mga datos, Ms. Scorpio, tulad ng nasabi na, tiyak ang magaganap dahil sa taon ding ito ng 2021, partikular sa buwan ng Disyembre, habang papalapit ang Pasko at lumalamig ang panahon, magiging boyfriend mo rin sa wakas ang lalaking kasamahan mo sa trabaho na lihim mong crush.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | September 04, 2021



ree

KATANUNGAN


1. Gusto kong magnegosyo pero wala naman ako ng sinasabi ninyong business line sa kaliwa at kanan kong palad. Kaya ang tanong ko, kahit ba wala ako ng guhit na ito, may pag-asa ring umunlad ang itatayo kong negosyo? Kung may pag-asa akong umunlad sa pagnenegosyo, anong negosyo naman ang mairerekomenda ninyo?

2. At kung sa taong ito ako magsisimula, ano’ng buwan naman ang mairerekomenda ninyo na paborable sa aming mag-asawa para magbukas ng bagong negosyo?


KASAGUTAN


1. “Wag kang magnegosyo,” ito ang nais sabihin ng nahulog na Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ang Fate Line na ito ay tinatawag din nating Career Line, ibig sabihin, ito rin ang guhit ng propesyon o paghahanapbuhay (arrow a.). At sa kaso mo, dahil ito ay nahulog sa pagitan ng hintuturo at hinlalato (arrow a.), tiyak na sa bawat pagdukot mo ng salapi sa iyong bulsa, saanman ito gamitin, sa negosyo, kalakal, pulitika, pagpapasarap sa buhay o anuman ang binabalak mong pagkagastusan, hindi na sa iyo makakabalik ang nasabing salapi.

2. Ang tamang tawag sa taong may ganitong Fate Line (F-F arrow a.) ay may pagkalustay o pagkabulagsak, na puwede rin nating tawaging hindi masinop sa kabuhayan. Dahil dito, tuwing maglalabas siya ng pera, ubos agad. ‘Ika nga ng iba, parang tubig na nagdadaan lang sa palad mo ang pera at makalipas ang ilang araw ay dagli rin itong natutunaw at nawawala.

3. Gayunman, kung hindi ganyan ang Fate Line ng mister mo, halimbawang nanatili sa Bundok ng Tagumpay (F-F arrow b.) sa kaliwa at kanan niyang palad, siya na lang ang dapat mong paghawakin ng anumang negosyong naiisip ninyo nang sa gayun ay hindi naman masayang ang salapi na gagamitin mong puhunan. Pero kung nagkataong kapwa nahulog ang Fate Line (F-F arrow a.) ninyong mag-asawa sa pagitan ng mga daliri, tulad ng naipaliwanag na, itabi niyo na lang ang puhunan sa negosyo o itabi sa bangko o saanmang trust fund na may malaking tubo pero mapagkakatiwalaan ang kalahating halaga ng salapi. Habang ang kalahati naman, habang bata pa kayo sa edad na 56 at 54 naman si mister, mas mainam pang ipampasarap niyo na lang sa buhay, lalo na kapag natapos na ang panahong ito ng pandemya.

4. Puwede rin namang bumili ng mga bagay na matagal niyo nang pangarap mabili, kumain ng mga pagkaing matagal niyo nang pangarap kainin. Pasyalan ang mga lugar na matagal niyo nang pangarap pasyalan, at gawin ang mga bagay na magpapaligaya sa inyo na may katumbas na salapi. Sa inyong pagtanda, nagawa niyo na ang lahat ng mga bagay na magpapasaya at magpapaligaya sa inyo ngayon habang kayo ay malakas pa.

MGA DAPAT GAWIN

1. Habang, ayon sa iyong mga datos, Mida, ‘wag ka nang mag-isip na magnegosyo dahil tulad ng naipaliwanag na, wala naman sa palad mo ang nasabing larangan. Sa halip, itabi mo ang kalahati ng salapi na ipadadala sa iyo ng iyong mga anak na nasa abroad, habang ipampasarap niyo na lang ni mister ang kalahati. Sa ganyang paaran, bukod sa hindi ka makakaranas ng pagkalugi, mas ma-e-enjoy mo pa ang nalalabing taon ng buhay na ilalagi ninyo ni mister sa mundong ito.

2. Tandaang pagkatapos ng pananalasa ng pandemya ng COVID-19, kapag normal na ulit ang panahon, isaalang-alang ang ganitong katanungan sa iyong buhay, “Kung hindi ka ngayon magpapakasaya at magpapakasarap, kailan pa, kapag sobrang matanda ka na at uugod-ugod na?”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page