top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | September 29, 2021



ree

KATANUNGAN


1. Dati akong security guard. Nag-resign ako dahil madalas akong madamay sa gulo na hindi naman ako ang pinagmumulan. Minsan ay may nangyaring nakawan sa binabantayan ko at nadamay pa ako, pero ang totoong gumawa nu’n ay ‘yung anak ng amo ko.

2. Sa ngayon, naghahanap na naman ako ng trabaho, pero parang wala ring patutunguhan ang pagse-security guard ko dahil kahit may mga ahensiya sanang tatanggap sa akin, hindi naman sila nagpapasuweldo nang maayos ayon sa mga empleyado nila na nakakausap ko.

3. Maestro, saang larangan ako higit na uunlad at magkakaroon ng matinong career? Under graduate kasi ako at puro paggu-guwardya ang napapasukan ko. Balak kong mag-abroad kung sakaling puwede na o kung medyo kontrolado na ang pandemya, may maganda ba akong future sa pangingibang-bansa?


KASAGUTAN


1. Tama ang naisip mo, Rocky, mas uunlad ka at higit na aasenso sa pag-a-abroad kaysa sa pagu-guwardya. Ito ang nais sabihin ng maaliwalas at malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa na itatala sa iyong karanasan.

2. Ang pag-aanalisang makapag-a-abroad ka ay madali namang kinumpirma ng birth date mong 14 sa zodiac sign na na Scorpio. Ibig sabihin, tibayan mo lang ang iyong loob at damdamin. Sa pamamagitan ng pagsisikap at dagdag pang pagpupumilit sa ibayong-dagat, ang destinasyon ng iyong kapalaran at sa nasabing gawain o larangan ka uunlad hanggang sa tuluyang makaahon sa kahirapan at ganap nang umasenso ang kabuhayan.


MGA DAPAT GAWIN


1. Ang kailangan mo lang baguhin bago mag-apply sa ibang bansa ay ang iyong lagda kung saan bahagyang inobasyon lang ang kailangan. Sa halip na ibalikwas patungo sa direksiyong kaliwa ang dulong bahagi ng letrang “a”, ‘wag mo na itong ituloy, sa halip ay idiretso mo na ito sa direksiyong kanan. Sa ganyang diskarte, matutuwid at maaayos na rin ang iyong career at ang mismong buhay at kapalaran mo ay tiyak na magsisimulang umunlad at umasenso.

2. Habang, ayon sa iyong Travel Calendar at sa iyong mga datos, ang pagdating ng magandang career o propesyon ay nakatakdang mangyari at maganap sa susunod na taong 2022 sa buwan ng Mayo o Hunyo sa edad mong 28 pataas.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | September 26, 2021



ree

KATANUNGAN


1. Bakit ganu’n, Maestro ang dami-dami kong kaibigan, pero kahit isa sa kanila ay wala akong naging karelasyon? Ang ikinaiinis ko, kapag may problema sila, hingi sila nang hingi ng payo sa akin, pero ‘pag ako ang namumroblema, tine-taken for granted lang nila ako. Nakakainis talaga, lalo pa’t sa darating na October 8, 27 years old na ako, nag-iisa, walang asawa, walang anak at walang pamilya.

2. Kailan ba ako makapag-aasawa at may pag-asa pa ba akong makapag-asawa kahit wala naman akong boyfriend ngayon? Minsan naiisip ko, bakit ganito, ang dami kong achievements sa trabaho at career, pero sa pag-ibig ay bokya at malas pa rin ako?

3. Maestro, masasabi mo ba kung susuwertehin pa ako sa pag-ibig o sadyang ganito na lang ang buhay ko, minsang nagka-boyfriend pero madalas wala?

4. Sa ngayon, dahil medyo may edad na ako, parang ang kailangan ko talaga ay pangmatagalang karelasyon na hahantong sa maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya. Ito na lang kasi ang pangarap ko sa buhay na hindi ko pa natutupad.

KASAGUTAN

1. May mga babae talagang malakas ang sex appeal at hindi rin maitatangging may mga babaeng hindi naman sa walang sex appeal, kundi mahina ang appeal sa opposite sex. Pero alam mo ba, Ms. Libra, para lumakas ang iyong sex appeal, higit lalo at kabilang ka sa zodiac sign na Libra, paano ang iyong gagawin?

2. Palagi kang magsuot ng kulay na pula, pink, maroon, violet at iba pang kulay na may hibo o bahid ng pula at makikita mo na unti-unting tataas ang antas ng iyong libido. Ang libido na ito ay salitang German na nangangahulugang “sexual energy”. Bukod sa kulay na may hibo o bahid ng pula at puwede rin ang puro o dalisay na pula.

3. Mas maganda rin kung bahagya mong babaguhin ang iyong lagda. Magagawa mo ito kung sobrang taas ng tutok ng letrang “t” sa iyong pirma, babaan mo na lang ito dahil ang lahat ng letra na masyadong umangat ang pagkakasulat ay ikinakategorya sa espiritwal at kabanalan. Ibig sabihin, malayo na ang tingin ng unconscious mo sa sensuwal na pangangailangan ng isang tao, sa halip, ang unconscious mo sa kasalukuyan ay naglalakbay na patungo sa pagtandang dalaga.

4. Subalit kung liliitan mo na lang ang tuktok ng letang “t” sa iyong lagda, habang i-extra emphasize mo ang buntot ng letrang “g” (ibig sabihin ay ayusin mo ang pagkakabilog sa buntot ng letrang “g”), tulad ng naipaliwanag na, mas madaling susulak ang nakaimbak na libido sa iyong katawan na siyang aakit ng kalalakihan.

5. Salamat na lang at may namataang kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kahit medyo may edad ka na sa edad na 27 sa darating na October 8, tiyak ang magaganap, sa pagliko ng susunod na kalsada ng buhay, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Gemini ang iyong matatalisod.

MGA DAPAT GAWIN

1. Bagama’t nakatakda ang pag-aasawa at pagkakaroon ng special someone, pero minsan ito ay dapat din namang hanapin. Kumbaga, sa namimitmit ng isda sa ilog, hindi porke inilagay mo ang pamitmit sa tubig ay kakagatin agad ito ng masibang isda. Sa halip, kailangan mo itong galawin nang bahagya upang lumapit at mapansin ng isda ang nakalawit na bulate. Ganundin ang dapat sa mga babae at lalaking tumatandang dalaga o binata, kung sadyang pinabayaan mo na ang iyong sarili, ‘yun bang nalosyang ka na at hindi man lang nagsusuot ng kaakit-akit na damit o hindi man lang nagwiwisik ng kahali-halinang pabango, paano ka nga ba magugustuhan ng opposite sex mo?

2. Tandaang binigyan tayo ng pisikal na katawan ng Dakilang Lumikha upang alagaan at pagadahin. At hindil ang ‘yun, binigyan din tayo ng magandang hubog ng katawan, kaayusang laki ng mammary glands at sexual organ upang ito ay gamitin at pakinabangan.

3. Habang, ayon sa iyong mga datos, Ms. Libra, kung susundin mo ang simpleng mga mungkahi sa itaas, tiyak ang magaganap sa taong 2022. Sa buwan ng Enero hanggang Pebrero, tiyak ang magaganap, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Gemini ang iyong makakatagpo at sa bandang huli, siya na rin ang tuluyan mong mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng simple ngunit maligayang pamilya habambuhay.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | September 10, 2021



ree

KATANUNGAN


1. Mag-iisang taon na kaming hiwalay ng asawa ko, magkakabalikan pa ba kami o hindi na? Kung hindi na kami magkakabalikan, may ikalawa pa bang lalaki na darating sa aking buhay, kasi napansin ko sa aking palad na may ikalawang guhit ng Marriage Line. Ibig sabihin ba nito, Maestro, makapag-aasawa akong muli?

2. Kung mayroon pang ikalawang pag-aasawa, kailan ito magaganap at magiging maligaya na ba ako sa pag-aasawang ito?


KASAGUTAN


1. Tama ka, Ellien, may namataan ngang ikalawa at mas malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) matapos mabiyak at tuluyang mawasak ang unang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

2. Ito ay tanda na kung minsan kang nabigo sa unang pag-aasawa at nauwi rin sa paghihiwalay, umasa kang sa ikalawang pagkakataon, siguradong liligaya ka na. Ito naman ang kinumpirma ng pumangit na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow c.) sa unahan hanggang gitnang bahagi, ngunit sa gitna hanggang huling bahagi ng Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow d.), ang nasabing guhit ng pag-ibig o emosyon sa kaliwa at kanan mong palad ay nagbabadya ng panghabambuhay at maligayang pag-aasawa, na pinatunayan din ng naayos at gumanda mo namang lagda sa dulong bahagi ng iyong pirma.

3. Ang mga ito ay tanda na pagtuntong mo ng edad 41 pataas, at ito ay halos ngayon na o sa susunod na taong 2022, kung naging pangit man ang napasok na pag-aasawa noong nakaraang panahon, sa ikalawang pagkakataon, may isang tagumpay at panghabambuhay na pag-aasawang mararanasan. At tulad ng nasabi na, ito ay nakatakdang mangyari at maganap sa susunod na taong 2022 sa edad mong 41 pataas.

MGA DAPAT GAWIN

1. Tunay ngang sa aktuwal na karanasan, hindi lahat ng pag-aasawa ay humahantong sa isang maligaya at panghabambuhay na pagsasama dahil may mga pagkakataon sa buhay na hindi talaga nagkakasundo ang mga mag-asawa at minsan ay hindi naiiwasang mambabae ang lalaki at kung minsan naman, ‘yun mismong ilaw ng tahanan ang naliligaw ng landas.

2. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay tapos na ang buhay at kapalaran sa larangan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon. Sa halip, maaaring sa susunod na pagliko ng kasaysayan ng buhay, maaaring sa ikalawa o ikatlong pakikipagrelasyon ay mami-meet o makasama mo na ang indibidwal na sadya at malaon nang itinakda sa iyo ng kapalaran.

3. Habang, ayon sa iyong mga datos, Ellien, ang nasabing senaryo o pangyayari, tulad ng nabanggit na ay nakatakdang mangyari sa taong 2022 sa buwan ng Agosto o Setyembre, sa edad mong 41 pataas, hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page